>>>Jayson's POV
"Okay ka lang ba Jayson?",sabi sakin ni Liliane.
"Oi! Tulungan niyo ako sa pagpaypay kay Jayson!",sigaw ni Jake habang pinapaypayan ako. Tapos nagsilapitan naman si Raymond,Venn at Jericho sabay paypay sakin.
"Ito na yung tubig ni Jayson!!!",sigaw ni Cielo habang tumatakbo papalapit sakin bitbit ang isang bote ng tubig at kasunod niya si Raven.
Pero...
napansin ko lang ah....
"TEKA NGA! Bakit ba kung itrato niyo ako e parang nawalan akong malay hah?!!",sigaw ko sa kanila.
"Ano ka ba naman Jayson,supportive lang kami.",sabi ni Liliane.
"Ang OA nang pagiging supportive niyo.",sabi ko sa kanila.
"Syempre,kailangan nasa kondisyon ka eh!Lalaban ka kaya.",sabi naman ni Jake.
"Ito yung vitamins na kinuha ko sa clinic!!",sigaw pa ni Kyle.
"Pwede ba,mage-exam lang ako dun! Kung umarte naman kayo ngayon parang lalaban ako sa boxing match eh...may vitamins pa...",sabi ko naman sa kanila.
Hinablot naman ni Liliane kay Kyle yung vitamins sabay basa dun sa nakasulat dun.."Mag-chocolate ka na lang,maraming caffeine yan.",sabi naman sakin ni Jericho sakin.
"Bwisit ka,anong akala mo sakin drug addict?",sabi ko sabay hampas sa kanya.
"Asa ka naman na maraming caffeine yan. Sayo na yan,binili ka pa namain nyan.",sabi naman ni Raymond.
Kinuha ko naman sa kanya yun tapos nagbro fist kaming apat.
"Jayson! Nandito na yung sasakyan niyo.",sabi ni Ma'am Cassuy.
Papaakyat na ako ng bigla akong bulungan ni Jake....
"Wag mong pansinin ang panlalait nila.Sabihin mo, nagrefuse ako. Ayoko ng offer.Saka may tiwala ako na makakaperfect ka. Puro lang sila salita nung kakasimula ko pero nung nataasan ko sila...naging tagasunod ko pa ata..",sabi niya.
Huh?
A-anong???
Ngumiti na lang siya sakin nun...
sabay tulak sakin papasok sa van.
Tapos nagwave ako sa kanila...Pagkasakay ko,pakiramdam ko parang may kulang...
Parang may isang tao na dapat pang...haay,hayaan mo na nga.
Chineck ko ulit yung mga gamit ko tapos...
Huh? ano ito? S-sulat???
Binuksan ko iyon at binasa ko agad...
Dear Jayson,
Sorry hindi kita napuntahan ah? Nahihiya kasi ako eh...saka baka asarin lang tayo nung mga baliw mong kaibigan. Pinalagay ko na lang kay Liliane itong letter ko sayo sa bag mo. Basta galingan mo,alam ko kaya mo yan. Ikaw pa ang tali-talino mo sa math eh. Talunin mo yung mga kalaban mo hah? Pag may nang-asar sayo,hayaan mo lang,galingan mo lang para pahiya sila,..hahaha ang sama ko. Alam ko naging masama ako sayo dati pero sana talaga maging magkaibigan tayo. Pagkatapos ng contest mo,promise pupuntahan talaga kita para maging magkaibigan tayo.. Sorry wala na palang konekta sa contest mo yung mga pinapagsasabi ko dito sa letter kong ito sayo. Ah basta,good luck at galingan mo talaga! Ipapag-pray kita ah!
Your "hoping to be friend",
Michelle Attom
*sniffs*
BINABASA MO ANG
The Notebook of Math Genius
Genç KurguIsang normal na highschool life ng isang estudyante na mukhang hindi normal! Hahahaha! Joke lang po. Enjoy po sa pagbabasa!!! ^^