>>>Jayson's POV
Sumakay ako sa tricycle. Umupo sa upuan at bumaba sa tapat ng school. Naglakad sa daanan at pumasok na sa classroom. Umupo ulit ako sa upuan ko sa classroom---
(Konsensya ko: Ano bayang pinapagsasabi mo!? Nababaliw ka na ba?! Apektado ka pa rin sa pagkakabusted sayo ni Michelle?!!!!!)
Teka nga,bakit nakasama yung kay Michelle?!!
Nakamove-on na ako sa kanya... *sniffs*..Oo,totoo yun *sniffs*
Kung inaakala niyo na kaya may 'sniff-sniff' na nakalagay dun ay dahil sa umiiyak ako,PWES,nagkakamali kayo. May sipon ako,wag kayong OA.
Naabutan ko na kumakanta si Liliane at nakikisabay si Raven sa kanya,
"All I need's a little love in my life
All I need's a little love in the dark
A little but I'm hoping it might kick start
Me and my broken heart---"
Kaso,bigla tumigil si Liliane kaya tumigil na rin si Raven.
"Wag kang sumabay! Ang ganda-ganda nung kanta,pinapapanget mo eh!",sabi ni Liliane.
Sumimangot naman si Raven.
"Dapat kasi,hindi ikaw ang kumakanta...si Jayson dapat eh!",sabi ni Raven.
"Huh? Eh di ko nga alam yung lyrics eh. Saka pano naging bagay sakin yun?",sabi ko.
"Pano naging bagay? Liliane,ituloy mo na yung kanta.",sabi ni Raven.
Tumango naman si Liliane...
"I need a little loving tonight
Hold me so I'm not falling apart
A little but I'm hoping it might kick start
Me and my broken heart~"
"Hoy! Tigilan niyo nga ako! Saka,di ko na siya gusto! Ayoko na sa kanya.",paliwanag ko.
Ngumiti lang sila sakin ng nakakaloko at nag-ayos na lang ako ng gamit ko.
Maya-maya,umupo si Ciero sa tabi ko.
"Uhm,...ok ka na ba?",sabi niya sakin.
"Oo naman! ^___________________^",sabi ko.
Syempre,di ko susungitan tong si Ciero,hehehehe.
"Mabuti naman! Teka,diba ikaw si Raven?",tanong niya kay Raven. Chumichismis kasi tong si Raven at nakaharap saming dalawa.
"Oo,bakit?",MATARAY na sagot ni Raven.
"Ang galing mo sa quiz kahapon ah!",sabi ni Ciero.
Nakow,siya lang ba?
Eh halos lahat kasi ng subject namin kahapon may quiz kaya stress na stress kami. Sa math nga naperfect ko eh,pero bakit hindi ako pinuri nitong si Ciero?
(Konsensya ko: Ah,kaya pala nakamove-on ka na. Kasi lumalandi ka nanaman!)
Hah?! Anong lumalandi?!
Mukha ba akong babae sa paningin mo?!!!
(Konsensya ko: Corrections,mukha kang BADING sa paningin ko.)
Kung bading ako! bading ka rin! Konsensya kita eh!
(Konsensya ko: Makaalis na nga,bitter ka pa rin eh.)
Sige! Lumayas ka na!
May bitter-bitter ka pang nalalaman eh!
Balik na tayo sa pakikipag-usap ko kay Ciero,ay...si Raven na pala kausap niya.
BINABASA MO ANG
The Notebook of Math Genius
Fiksi RemajaIsang normal na highschool life ng isang estudyante na mukhang hindi normal! Hahahaha! Joke lang po. Enjoy po sa pagbabasa!!! ^^