>>>Jayson's POV
Nakatulala ako ngayon...
Kumakain pa rin naman ako matapos ang pagbusted niya sakin.
(Konsensya ko: Anong busted? Eh hindi ka pa nga nanliligaw eh. Kapal mo,dre. Pero,ayokong awayin kita ngayon,masyado ka ng kawawa.)
Mabuti naman at nakikisama si konsensya sa sitwasyon ko.
"Uhm...Jayson,ayaw mo nung gravy mo? Akin na lang!",sabi ni Kyle.
Bwisit 'to. Alam ng basted ako,nanghingi pa.
"Kyle!",pinanlakihan naman siya ni Anna Jane ng mata. Kaya ayun,bumalik na lang siya sa upuan niya.
"Hindi sige,ayoko na rin namang kumain.",sabi ko.
Babalik sana si Kyle kung di lang siya hinampas ni Chrisna,mabuti nga sa kanya.
Kaya ayun,nilagay ko na lang sa bag ko yung baon ko....
At tinitigan ang doodle na..'jayson <3 michelle'. Tama nga na pangalan ko ang inuna,kasi AKO LANG ang may gusto sa kanya. Siya? Wala eh.
Wala,...
"Oi,hampasin ko kaya 'tong si Jayson? Para bumalik sa dati?",bulong ni Raven kay Liliane. Yung bulong na halatang pinaririnig sakin. Mga adik talaga kayo.
"Wag na,ako na gagawa ng solusyon.",sabi ni Liliane.
Medyo bumalik na ang dating atmosphere sa classroom,nag-iingay na ulit ang mga classmate ko eh.
Teka,anong sabi ni Liliane?.....
..siya daw ang gagawa ng solusyon? Kalokohan.
*Liliane,hinampas si Jayson at inagaw ang doodle na kanina pa niya tinititigan.*
Aray! Ansama nito oh!
Perstaym niyang hampasin ako ah!
"Ang arte mo,itatapon ko na 'to ah?",sabi niya sakin.
"A-ayoko nga!",sabi ko.
Pinanlisikan niya ako ng mata tapos gumaya rin si Raven at pinanlisikan din ako ng mata. Gaya-gaya.
Pero,sabagay,may point naman sila eh.
Tumango na lang ako.
>>>Liliane's POV
Lumabas na ako ng room para itapon yung doodle.
Itatapon ko nga ba?
Tss....sayang naman ang lovestory nila. Nanghihinayang talaga ako.
Tinupi ko na yung doodle at tinago sa bulsa ko.
Alam ko,.....magagamit ko rin ito in the near future.
"Oh? Bakit mo tinago? Remembrance ba yan?",sabi ng isang pamilyar na boses.
Paglingon ko dito,si Jake pala.
Tsss....
"Wala ka na dun.",sabi ko sa kanya.
"Aww...wag ka nang magalit Liliane. Malay mo,mas mapalapit lang sila sa isa't-isa dahil sa nangyari",sabi niya sakin.
"Manahimik ka nga.",sabi ko pa sa kanya.
Pero,pi-nat lang niya ako sabay sabing,...
"It's a twist in the story, y'know that?",sabi niya.
Napalingon nanaman ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Notebook of Math Genius
Teen FictionIsang normal na highschool life ng isang estudyante na mukhang hindi normal! Hahahaha! Joke lang po. Enjoy po sa pagbabasa!!! ^^