Chapter 8: It's True

82 7 1
                                    

>>>Jayson's POV

Pabalik na ako sa classroom namin,syempre...malapit na mag-flag ceremony eh.

"Psst, ikaw ah,sumisilay ka na!",biglang sigaw sakin ni Liliane.Nakita ko naman na tumawa lang si Anna Jane.

Kaya ayun tuloy,inasar na nila ako ng inasar. Pati yung si Chrisna na PRESIDENT pa namin,inasar din ako!

Ganun ba ako ka popular?

(Konsensya ko: Di ka popular,wag kang feelingero.)

Ano bayan! Nandyan ka nanaman konsensya ko! Eh wala naman akong ginagawa na masama ah???? *sad fes*

(Konsensya ko: Wala ka ngang ginagawa,feelingero ka naman. Tinuturo ko lang sayo ang tamang daan.)

Pnoy,ikaw ba yan? Wahahaha! May nalalaman ka pa na tuwid na daan eh!

(Konsensya ko: Che! Aalis na ako! Ituloy mo na lang ang storya!)

Ok,balik tayo sa nangyayari ngayon.

Nakaupo na ako sa upuan ko,antagal kasi ng teacher namin kaya nagkakagulo pa ang mga classmates ko. Buti naman at hindi na ako ang topic nila.

Hmm...

"Oi Liliane!",tawag ko kay Liliane.

Agad naman siyang lumingon sakin at sinenyasan ko syang lumapit,lumapit naman siya.

>>>Raven's POV

Tinawag ni Jaysong abnormal si Liliane,ewan ko kung bakit pero nakatingin ako sa kanila ngayon. Ano kayang pinagbubulungan nila???

After a minute,biglang tumawa si Liliane....

O.o Huh?!

Tapos nun,bumalik na sya sa upuan niya,sa tabi ko to be specific.

"Anong binulong sayo ni Jayson?",tanong ko sa kanya.

"Wala ka na dun.",sabi niya tapos tinuloy na niya ang pagdodrawing. Aba,walanghiya talaga tong babae na 'to ah!.

"Gusto ko malaman kaya sabihin mo sakin,sumagot ka Protomongoloid!",sigaw ko sa kanya.

"Ako ba kinakausap mo?",sabi niya sakin.

"OO! Ikaw lang naman ang tinatawag kong Protomongoloid ah! (ToT      #)",sagot ko sa tanong niya.

"Sorry naman,akala ko SARILI mo kausap mo eh.",sabi ni Liliane. Nang-asar pa siya. Tsss....

Lumingon naman siya kay Jayson at nagtanguan sila. Huh? Nagte-telepathy ba tong dalawang 'to?! Tsss..

"Crush daw talaga niya si Michelle at balak na daw niyang ligawan 'to",bulong niya sakin.

"Asa naman siyang sasagutin sya ni Michelle",sabi ko sa sarili ko,kaso narinig ata ni Liliane yun.

"Ansama mo,maging supportive ka naman kay Jayson!",sabi niya. Wow ah,para syang nanay.

Di ko na sya pinansin,baka mamaya maupakan ko lang yan eh.

(Konsensya ko: Uupakan mo si Liliane!? Ansama mo! Palagi mo syang sinasabihan ng harsh words tapos ngayon,sasaktan mo na siya?!!! That's GAY!)

Nagulat ba kayo? Di niyo inakala na may konsensya ako noh.

By the way,HINDI AKO BAKLA! Bakit ba ganto ang mga konsensya? Nang-aaway?!!!

Tss....

Tumingin ako sa bintana nakita kong napadaan si Michelle,hmm....

Kung ganun,totoo nga na may gusto si Jayson kay Michelle. Sorry ka na lang Jayson, di kayo bagay.

MAS BAGAY KAMI. *evil laugh*

===============================================================================

Author's Epal Message:

       Wahahaha! May kaagaw na si Jayson,kawawa naman! Hahaahah!  So,okay. Eto nanaman ako,umeepal nanaman. Sya nga pala eto pala sasabihin ko,ang next chapter po ay Chapter 8.5,special chapter lang yun tungkol sa lovelife ng president nila. Wahahaha! XD

                After nun,sa Chapter 9 balik na ulit sa storya. Thanks!

The Notebook of Math GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon