Hanggang ngayon hindi ko pa din nahahawakan iyong pink bird. Naghahabulan padin kami hanggang ngayon, hindi ko nga alam kung nasaan na kami basta sinusundan ko lang iyong ibon.
Hanggang sa tumaas yung lipad niya at dumapo siya doon sa sanga ng malaking puno.
Napagod na siguro siya sa kakalipad, nakatingin lang siya sa akin na para bang hinihintay niyang lumapit ako sakanya.
Kaya ko namang akyatin yung puno, hindi naman ganoon kataas keri ko naman kaya Go lang!
"Pinapahirapan mo ako ah— pero hindi kita susukuan, ugh!"
Sa wakas! nakaakyat din, tinabihan ko siya doon sa sanga. Buti na lang at hindi na siya lumipad palayo, sinubukan kong hawakan siya at pinayagan naman niya ako.
Ang lambot ng balahibo niya, binuhat ko siya at pinatulog sa dalawang kamay ko. Sa tagal naming naghabulan paniguradong napagod siya kaya nakatulog.
Habang nagpapahinga kami dito sa taas ng puno ni pink bird bigla na lang may parang pumito ng napakatinis.
Nagising tuloy yung ibon at lumipad palayo, muntikan pa akong ma-out of balance nung subukan kong habulin yung ibon.
"Argh! Ano ba yung tunog na yun? ang sakit sa tenga!"
Napatakip na ako ng tenga dahil sa tunog na iyon. Basta napakatinis talaga nung tunog, feeling ko unti-unti nang nasisira yung ear drums ko.
"Ta—tama na! "
Sobrang sakit na, umaakyat na sa ulo ko yung sakit. Parang unti-unti nung pinapasok ang ulo ko at pinipilipit ang utak ko.
Baka hindi ko na kayanin, nahihilo nadin ako, nanghihina at naiiyak nadin. Mas lalo pang lumakas yung tunog kaya napasigaw na talaga ako sa sakit.
"Argh! Ahhhhhh! Tama na! Aaaahhhhhh!!!"
Naramdman kong parang may basa sa mukha at kamay ko, akala ko pawis lang o kung ano.
Yun pala dugo na, nagdudugo na yung tenga ko. Takot pa naman ako makakita ng madaming dugo.
Mas lalo akong nanghina, hindi ko na kakayanin. Na-out of balance na ako, hindi ko na din nagawang kumapit pa sa kung saan dahil wala na ding lakas ang kamay ko.
Unti-unti kong naramdaman ang paglaglag ko. Eto na ba ang katapusan ko? paano na sila Granny, Andi at Ken?
Iiwanan ko na ba sila?
Mamamatay na ba ako?
Unti-unti nadin akong nawalan ng malay at napapikit,
and then everything turns black.
————————
Author's POV
Dumiretsyo na sila Andi at Ken sa meeting hall kung saan naghihintay na sakanila ang iba pang mga First son and daughters.
Nang binuksan ang malaking pinto, nabaling ang atensyon ng lahat sakanila.
"Finally! Long time no see mga brad."
Sinalubong sila ng isang lalaking nagtataglay ng asul na buhok na mabilis na lumapit sakanila at nakipagkamustahan.
Habang nagkaka-ingayan ang lahat dahil sa pagkakamustahan, muli ay bumukas ang malaking pintuan na nakapagdulot muli ng katahimikan.
BINABASA MO ANG
Blue Moon ( #1 War against your unknown enemy)
FantasyPara sa mga gusto magbasa ng about fantasy, magic, vampires, wolfs, comedy, love story, drama, friendship, family...etc. just read this. Taglish po ito. Hope you like it! Pls share and vote.