Zai's POV
"Wooah! wooah!"
Nakakalula pala sumakay dito, natatakot kasi ako baka makabitaw ako o kaya malaglag. Unti-unti nang umaangat yung sinasakyan kong kathedra, medyo uneasy pa ako.
Buti pa sila Andi seating pretty lang dun. Ako, nangangatog sa kaba dito.
"Wag po kayo matakot, hindi naman po kayo malalaglag. Kasama niyo naman po kami."
"Tama po! Tama po! Tama po!"
Awww! ang cute talaga nila! First time ko makakita ng mga fairies o nixies. Para silang maliliit na manika na may mga pakpak, tapos color coding din sila.
Kung anong kulay ng pakpak nila, yun din ang kulay ng buhok at damit nila, mahaba din ang mga tenga nila na parang sa mga duwende.
Basta sobrang cute nila, ang liliit pa ng mga boses at pala tawa.
Totoo nga yung sinabi ni Kirby kanina na iba-iba yung kulay nila at may pink talaga!
"Maraming salamat sa inyo mga cute na nixies."
Nagtawanan ulit sila. Nawawala na din yung kaba ko dahil nalilibang na ako sakanila, at pinalilibutan din nila ako kaya komportable na ako.
Sa sobrang libang ko hindi ko napansing nasa himpapawid na kami, nasa unahan ko lang sila Andi.
"Tignan niyo po! Tignan niyo po! "
Tinuturo nila yung direksyon pababa. Pinatitingin nila ako sa baba.
"........."
Grabe!! hindi ako nakaramdam ng kaba kundi pagkamangha.
Breathtaking ang view! Mula dito sa itaas kita ang buong floreshka, napakaganda talaga sobra!
"Mula po dito makikita ang buong Floreshka, hindi nga lang po makikita ang Land of gods dahil sa nakatago ito."
Ahh kaya pala. Kung sa mundo ng mga tao maaalagaan at hindi aabusuhin ang kalikasan, siguro posibleng maging ganito din kaganda ang paligid.
Makalipas lang ang ilang minuto nandito na din kami sa pupuntahan namin.
Nakalapag na yung sinasakyan nila Andi, yung sakin naman pababa pa lang.
Nung nakasayad na ang paa ko sa lupa ay tumayo na ako.
"Nandito na tayo Babes, magpasalamat kana sakanila."
Nagtataka ako, magpapasalamat lang? wala ba kaming ibabayad na kung ano?
"Ano ibabayad natin sakanila?"
"Libre ang serbisyo nila Babes, hindi sila humihingi ng ano mang kapalit. Sapat na sakanila na pasalamatan natin sila at ang makatulong sila sa iba."
BINABASA MO ANG
Blue Moon ( #1 War against your unknown enemy)
FantasyPara sa mga gusto magbasa ng about fantasy, magic, vampires, wolfs, comedy, love story, drama, friendship, family...etc. just read this. Taglish po ito. Hope you like it! Pls share and vote.