Scene before ng mga nangyari sa Clinic.
Kirby's POV
Isang araw na ang nalakalipas matapos ng may nangyari dito sa Academia.
Naibalik na din sa dati ang lahat. Sa wakas! nakakapagod din kaya, nakakaubos ng energy. Mabuti na lang at kahit pawisan at pagod ako ay Gwapo pa din ako, wala eh! natural na kasi sakin yun.
"Bro!" Hinagisan ako ni Ken ng isang bote ng tubig.
"Hay salamat! kanina pa talaga ako nauuhaw." Inubos ko ng isang lagukan lang yung tubig, hindi naman halatang uhaw ako no?
Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon dito sa cafeteria, kakain kami dahil gutom kami! kayo kaya gumamit ng kapangyarihan sa loob ng isang araw ng non-stop samahan pa ng mga physical activities, like pagbubuhat at etc.
Wala masyadong madaldal ngayon samin dahil nga mga nadrain ang lakas. Hinihintay lang namin sila Blue dahil sila yung umorder ng pagkain.
Pagkadating nila, wala ng usap-usap diretsyo na naming nilantakan lahat ng pagkain. Grabe! ngayon ko lang narealize na gutom talaga ako, akala mo isang buwan kami hindi pinakain sa itsyura namin. Si Head Chief kasi eh, kung makautos grabe.
After naming kumain tumambay muna kami dito sa garden malapit sa cafeteria. Ang sarap ng hangin! nakakarelax, parang masarap magsiesta nito. Humiga lang ako sa damuhan habang dinadama ang hangin.
"Waaah! I'm so tired!" Si Madzy habang nakaupo sa swing, parang may mini playground din kasi dito.
"Hindi lang naman ikaw, lahat tayo." Sagot naman sakanya ni Fey habang nagpapahinga doon sa ilalim ng puno katulad ni Andi.
Si Blue at Ken naman nakigaya lang din sa akin at kaniya-kaniya na kaming hilata dito sa damuhan, malilim naman dahil sa mga puno at mahangin kaya hindi mainit.
Naistorbo lang ang pamamahinga namin ng may mga dumating na epal.
"Hey mga Pars!! Wazzup?" Pambubulabog samin ni Neil, kasama niya palang dumating sila Natalia at Patrick.
"Hoy bata tumahimik ka nga! Nakakaistorbo ka ng mga namamahinga. Fey! pagsabihan mo yang kapatid mo, uupakan ko yan." Ang sarap na kasi ng buhay ko dito tapos manggugulo pa.
"Sungit! kanina pa namin kayo hinahanap nandito lang pala kayo." Neil.
"Hon! I miss you!" Sigaw ni Madzy ng makita niya yung boyfriend niyang hilaw na si Patrick. Naku, maglalandian na naman yan.
"Miss you too Hon." Tapos kiniss pa siya ni Patrick sa cheeks, PDA talaga? nakakasuka sila!
"Yuck! Get a room guyz, you're so PDA!" Singit naman nitong kapatid kong si Natalia, parehas talaga kami ng iniisip.
"Whatever, ingit lang kayo!" Pagtataray naman ni Madzy.
"Tama na yan! baka kung saan pa mapunta yan. Bakit niyo ba kami hinahanap?" Sumingit na din si Andi dahil baka mamaya magkaasaran pa.
BINABASA MO ANG
Blue Moon ( #1 War against your unknown enemy)
FantasyPara sa mga gusto magbasa ng about fantasy, magic, vampires, wolfs, comedy, love story, drama, friendship, family...etc. just read this. Taglish po ito. Hope you like it! Pls share and vote.