Chapter 6 Be Ready

87 6 0
                                    

Makalipas ang tatlong araw...

Ken's POV

3 Days. Tatlong araw na ang lumipas pero tulog padin si Babes, si Zai iyon kung hindi niyo kilala.

Oo tama, kami yung nakakita sakanya doon sa secret place niya.

Ang totoo niyan, alam talaga ni Andi kung nasaan yung secret place ni Babes, hindi niya lang sinasabi sa akin kung saan baka daw kasi guluhin ko lang si Babes dun.

Ewan ko ba diyan kay Andi, pag nawawala bigla si Babes todo kung makapag-alala eh alam naman pala niya kung nasaan iyong secret place ni Babes.

Ang lagi niyang sinasabi, nirerespeto lang daw niya iyong secret place ni Babes, para kasi kay Babes napakasagrado ng lugar na iyon.

Speaking of Babes... hanggang ngayon tulog pa din siya.

Hindi nga namin alam kung anong gagawin sakanya e.

Buti na nga lang at nasapo ko siya nun, kung hindi panigurado gugulong siya pababa ng burol.

Naawa ako sakanya, puro sugat yung katawan niya, maga iyong mga mata niya. Nasasaktan ako para sakanya.

Bakla man para sa inyo pero hindi ko mapigilang maluha sa tuwing tititigan ko siya. Napakahirap para sa kanya ang magpatuloy pa sa buhay lalo na't wala na sa tabi niya ngayon ang taong pinakamamahal niya.

Alam na namin ang nangyari sa Grandma niya, nakapaghanda nadin naman kami sa pagdating ng oras na ito.

Hindi ko lang alam kung paano niya matatanggap, pero kailangan na niyang malaman ang lahat.

"Ano? gumising na ba siya?" si Andi pala yun, hindi ko namalayan nakapasok na pala siya.

Umiling na lang ako bilang pagtugon.

"Andi.."

"hmm"

"Kung..kung sakaling magising na siya? sasabihin na ba natin?"

"Hindi ko alam, ano sa tingin mo?" mukhang nahihirapan din siya para kay Babes, alam ko yun.

Hindi lang sya o ako ang naaapektuhan sa nangyayari kay Babes, maniwala kayo hindi lang kami..madami!.

"Hmm sa tingin ko..  Tama lang na malaman na niya, para mas madali sakanya maintindihan ang lahat."

"Sana lang ganun lang yun kadali. Pero ang mas importante sa lahat ay magising na siya!! Gosh! 3 days na baka gusto niyang mamatay lahat tayo dito no?"

Tama siya, diba sinabi ko na naman sa inyo na lahat ng tao hindi lang kami ang apektado.

"Hindi na ba natin kaya?"

"Its been 3 days! Sa tingin mo hindi tayo naPAPAGOD!!!?"

"Sorry naman, I'm just asking, ang init ng ulo mo."

Blue Moon ( #1 War against your unknown enemy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon