Chapter 19 Flower Kathedra

41 2 0
                                    

Ken's POV

Nakalabas na kami ng forest ng Floreshka. Ngayon naman maghihintay na kami ng masasakyan papuntang Academia.

Kung inaakala niyong mga jeep o taxi, o kaya naman ay mga kabayo o karwahe ang sasakyan namin, Your Wrong!

Every world here in Fantasia has their own unique style of transportation, at yun ang kaabang-abang para kay Babes na ngayon lang makakaranas ng ganoon.

"Ano na? Sino pa bang hinihintay natin?"

Masyado talaga siyang excited. Siguradong masusurprise at magugustuhan niya yun.

"Naghihintay tayo ng masasakyan papuntang Academia. Siguradong matutuwa ka dun."

Isa siyang malaking EPAL! Akala mo kung sino, hindi naman sila close ng Babes ko. May pagkamalandi din yung Kirby na yun.

May pahawak-hawak pa siya sa balikat ng Babes ko. Feeling close talaga! Upakan ko kaya toh!

"May dadaan bang jeep o kaya bus dito? nasa kagubatan kaya tayo."

"Ah Babes, walang jeep or bus dito. Iba ang sasakyan natin and I assure you, matutuwa ka ng sobra."

Inakbayan ko si Babes at hinatak papunta sa puwesto ko kaya napabitaw yung lalaki na yun kay Babes.

Mukhang nainis siya sa ginawa ko, masama kasi yung tingin sakin eh. Mamatay siya sa inggit!

"Andi, we have to go na. You know naman na kailangan na namin makabalik ni Kirby sa Academia bago bumalik sila Head Chief."

Buti naman at aalis na yung mokong na wizard na yun!

"Ok, sige magiingat kayo. Salamat."

"Your welcome. Bye Andi, Bye Ken, Bye Zai. Pasensya na hindi pa kasi kami Class S Wizard kaya hindi pa namin kayo kaya isabay sa teleportation."

"No, its ok. Magiingat kayo."

"Paalam na magandang binibini. Sa muli nating pagkikita, magiingat ka."

Talagang humalik pa siya sa kamay ng Babes ko ah. Nangaasar talaga! Hinahamon yata ako!

Saka na ako gaganti sa wizard na yan pagbalik sa Academia. Nagcast lang sila ng spell at may naglabasang usok kasabay ng pagkawala nila.

Maya-maya ay narinig nadin namin ang maliliit at matitinis na tawanan ng mga maliliit na nilalang.

"Magandang umaga! Saan po ang tungo ninyo?"

"Ow....My...Gi!!!! Fairies???? Waaaaah!! Ang cute niyo!! Aaahhh!!!"

Sabi na nga ba at matutuwa talaga siya sa makikita niya. Mukhang nasobrahan nga lang kasi muntikan ng mag-alisan yung mga Nixies dahil sa pagkagulat sakanya. Mas kilala sila sa tawag na Nixies kaysa sa Fairies dito sa Fantasia.

Blue Moon ( #1 War against your unknown enemy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon