A/N: Finally nakapag-update din!.. hahaha sorry for the super duper tagal na update, naging sobrang busy lang talaga. Now na I found my time to write again I'll try my best to update faster than before. Thank you for supporting and reading my stories :) Love you all! <3 Hope you like it :P
Zai's POV
Nagsisimula na ang Conceding Exam namin at isa ako sa mga sasalang dito. May tiwala naman ako sa sarili ko at sa mga tinuro nila Andi sa akin pero hindi ko pa din mapigilang kabahan at matakot sa pwedeng mangyari at kalabasan ng examination na ito.
Kakaibang entrance examination kaya ito! Feeling ko sisintensyahan ako ngayon.
Mabuti na lang at hindi ako ang unang sasalang.Sa aming lima ako lang yata ang hindi mapakali at kinakabahan, samantalang iyong iba relax lang.
Lahat na nang nauna sa akin ang gagaling! Iba-iba yung power at abilities nila nakakabilib. Amazing!
Iyong nauna si Sussy Wort, her power do something about Heat. Natuyo lahat ng damo at lupa dahil sa init na kaya niyang ilabas, may lumalabas na ding mga usok kanina mula sa mga bitak ng lupa. Kahit kaming mga nasa labas ng protective shield na nakapalibot sakanya ay nakaramdam din ng matinding init. While her ability naman ay kakaiba, she can grow her hair in any length that she want and can use it as a weapon.
Sumunod naman ay yung maangas na si Clark Aiden Wort. Magkapatid siguro sila ni Sussy kasi parehas sila ng last name at parehong maangas ang dating. Ang power naman niya ay halos katulad lang din ng kay Sussy ang kinaibahan lang mas intense ang sakanya na naglalabas pa ng kakaibang aura, nagbabago din ang kulay ng mata niya from normal black nagiging grey at sa sobrang intense nagkaroon ng ilang crack ang shield kaya may mga naglabasang usok at sumingaw ang init. Feeling ko nga kanina nasa oven ako. So hot! Ang ability naman niya is telekenesis, he can move objects without touching it only by the control of his mind. Astig diba?
Next naman ay si Darissa Fin, nakakakita daw siya ng mga pangitain at propesiya. Nang malaman nga iyon ng lahat ay parang natuwa sila Head Chief at ilang opisyal na kasama niya. Astig ng power niya no? kayang makita ang future! Ability naman niya ay kayang manggamot or healer at kayang buhayin ang mga namatay nang halaman.
Next one naman ay si Zairish Anne Constanza.. ...teka, ako na yun diba? O.M.G.!!!
Namalayan ko na lang na naglalakad na pala ako papunta sa gitna. Nang makatungtong na ako sa middle spot, automatic nang nagkaroon ulit ng protective shield na pumalibot sa akin. Bago na ito, wala ng mga crack.
Narinig ko pang nagcheer yung mga friends ko doon sa itaas. Nangingibabaw pa nga yung tili ni Madzy, makabasag pinggan.
So... enough of distractions. Ayokong madissapoint sila sa akin. Isang step ko na din ito patungo kay Grandma. Kapag nakapasok na ako ng tuluyan dito sa Academy, I'll undergo trainings at pagaaralan ko lahat lahat ng bagay dito sa mundong ito para mas maging madali para sa akin ang pagbawi sa lola ko.
"Introduce yourself." Boses siguro yun ni Head Chief.
"I-I'm Zairish Anne Constanza, 18. I grew up in Mortal World and I just transferred here a few days ago." Sobrang tahimik ng paligid, lahat sila nakatingin lang sa akin. Nanginginig na ang mga tuhod ko. Grabe yung feeling! parang sasabog na yung puso ko sa sobrang kaba.
Paano kung hindi lumabas yung power ko, paano kung pumalpak ako? paano kung hindi ko iyon maakontrol? paano kung-
"You may start now." Medyo nagulat ako nang magsalita ulit si HeadChief.
BINABASA MO ANG
Blue Moon ( #1 War against your unknown enemy)
FantasyPara sa mga gusto magbasa ng about fantasy, magic, vampires, wolfs, comedy, love story, drama, friendship, family...etc. just read this. Taglish po ito. Hope you like it! Pls share and vote.