Someone's POV
"Mahal na Hari. Narito na po sila."
"Papasukin sila." Ito na ang tamang panahon para kumilos.
"Ano pong maipaglilingkod namin sa inyo mahal na hari."
"Panahon na. Nararamdaman kong malapit na ang pagdating niya. Kinakailangang kumilos na tayo. Alam niyo na ang gagawin." Utos ko sa kanila, alam kong malalakas sila at hindi sila basta-basta.
Bumukas muli ang pinto, at pumasok ang pinakamamahal kong Reyna.
"Mahal ko, anong kailangan mo?" Napakaganda talaga niya.
"Anong nangyayari?, bakit lahat ng kawal ay nagsasanay? Bakit ang iba sakanila'y umaalis?."
"Kinakailangan iyon mahal ko. Kailangan nating maghanda."
"Para saan?" Kailangan ko ng sabihin sakanya.
"Sa ........pagbalik ng anak natin mahal ko."
"Ng..ng..a-a-anak na-natin?, magbabalik na siya?, nahanap mo siya?, kai-kailan?, kailan siya darating?." Bakas sa mukha nito ang kasiyahan, ngayon ko lang muli nakita ang mga kinang sa mga mata niya.
"Malapit na. Nararamdaman ko iyon, sa ngayon may mga inutusan na ako para hanapin siya, ang kailangan na lang ay ang maghanda at maghintay mahal ko."
"Tama.Tama.!, kailangan maghanda, magpapagawa ako ng malaki at magarbong silid para sakanya, mauna na ako mahal ko." Humalik lang ito sa aking pisngi at umalis na.
"Malapit na, malapit na malapit na ang pagbabalik niya. Hindi ko hahayaang magwagi ka. Sisiguraduhin kong ikaw mismo ang luluhod sa harapan ko. Hindi mo na masisira ang masaya naming buhay."
Kailangan ko ngayon si Dark. Sa lahat siya lang ang alam kong mapagkakatiwalaan at siguradong maaasahan. Simula pagkabata niya naglilingkod na siya sa akin.
"Anong kailangan mo?" Kahit kailan talaga, ang lamig ng pakikitungo niya sa akin pero hinahayaan ko lang siya dahil napapakinabangan ko naman siya at natural na sakanya ang ganyan.
Lagi siyang dumarating agad, kapag hinahanap ko siya. Sa pamamagitan ng singsing ko nakakausap ko sila sa isip nila o naipararating ko sakanila ang gusto ko. Masyadong mahalaga sa akin ang singsing kong ito dahil ito ang simbolo ng kapangyarihan ko.
"Ipinatawag kita para sa isang misyon. Hanapin mo siya at dalhin sa akin, ngunit mas maganda sana kung..... mapa--..ay hindi dalhin mo siya sa akin at ng bumalik na ng tuluyan ang saya sa mata ng Reyna ko." Nakapagdesisyon na ako para sa kasiyahan ng pamilya namin.
"Masusunod. " Naglaho nadin ito agad.
Hihintayin ko ang pagbabalik mo,....
!!?
Please share & vote!
Thanks.
BINABASA MO ANG
Blue Moon ( #1 War against your unknown enemy)
FantasyPara sa mga gusto magbasa ng about fantasy, magic, vampires, wolfs, comedy, love story, drama, friendship, family...etc. just read this. Taglish po ito. Hope you like it! Pls share and vote.