Chapter 32 Someone disobey the rules

33 2 0
                                    

Zai's POV

"Ok, ok.. Correct me if I'm wrong, you're Blue, Fey, Madzy, Neil, Stephen, Patrick and of course Kirby, Natalia and Andi!."  Isa-isa ko silang tinuro base sa pagkakatanda ko sa names nila.

Nagpalakpakan naman sila, mga tuwang-tuwa dahil natatandaan ko yung mga pangalan nila. Madali lang naman, I just based sa mga personalities, ugali at physical appearance nila. Madali naman ako makakakabisa kapag nasa mood ako.

"Yey! now kilala mo na kami lahat that means friends na tayo!" Nakipagbeso-beso pa sa akin si Madzy, may pagkamaarte siya at sossy pero in a good way naman hindi yung katulad sa iba na OA.

"Ok, enough of the introducing thing. Kayong dalawa, wala na ba talaga kayong maalala sa nangyari?" Tanong ni Blue sa amin ni Stephen. Napailing na lang kami.

Nasabi nga nila sa amin yung nangyari kahapon. According sakanila, 2 days na after ng nangyari sa Academia. About naman doon sa nangyari daw sa Clinic wala naman akong masyadong natatandaan, ang naaalala ko lang ang yung paggising ko hanggang sa may nabasag ako at dumating si Stephen after that, wala na.

Ang sabi naman ni Stephen pagkagsing daw niya may narinig siyang parang umuungol na nasasaktan then bigla na lang daw may narinig siyang nabasag kaya nag-alala siya at napapunta sa akin. Then nilapitan niya daw ako tapos hindi na din niya alam ang nangyari, namalayan na lang daw niya na pasugod na sa kanya si Ken na galit na galit.

Wala akong naaalala na may muntikan na palang magkasakitan ng dahil sa akin, mabuti nalang daw at napatigil si Ken ng makitang umiiyak na ako. Iniwasan ko pa nga daw si Ken dahil sobra akong natakot sakanya.

"Si Stephen medyo may naaalala pa doon sa part na sinugod siya ni Ken hanggang sa patulugin na siya, pero ikaw Zai? hanggang doon lang sa paglapit ni Stephen ang naaalala mo?" Paga-analyze ni Kirby sa mga sinabi namin. I just nodded as an answer. Hanggang doon lang talaga eh, bakit kaya hindi ko maalala?

"Tsk! Hindi mo man lang ba naalala na hinaras mo ako?! niyakap mo pa nga ako at ayaw pakawalan, you even begged for me to stay by your side. " Pagda-drama ni Kirby sa harap ko. Hinaras? niyakap? ako? ginawa ko yun? hindi nga? Nanglaki yung mga mata ko sa sinabi niya.

"OA lang si Kirby, but except from the word 'hinaras' lahat ng sinabi niya totoo." Hindi ko alam kung dapat bang matuwa ako sa sinabi ni Fey. Hindi ko nga siya hinaras pero kung iisipin parang ganun din yung ginawa ko eh. Shocks! Zai?! What did you do? Nakakahiya!

"S—sorry Kirby." Napayuko na lang ako. Nakakahiya yung ginawa ko, bakit ba hindi ko yun maalala?

"Tss! Why are you saying sorry? Ok lang yun, I understand. Saka don't worry, masyado ka lang natakot kaya yumakap ka sakin. And maybe dahil sa trauma or what kaya mo nakalimutan lahat." Trauma? ganun ba kalala yung mga nangyari para matrauma ako? siguro.

Blue Moon ( #1 War against your unknown enemy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon