Andy's POV
"Easy lang, relax. Okay yan, dahan-dahan la-.. Oh no! dapa!" Kani-kaniya na kaming dapa, takbo, tago at iwas sa pagsabog.
Matapos ang isa na namang malaking pagsabog sabay-sabay na kaming napa upo sa lapag. Nauubos na ang lakas ko.
Sa lahat naman kasi ng pipiliin bakit ang Bubble bomb pa? Kahit kailan talaga itong si Zai! Pasaway! Dapat pala binalaan ko na siya bago pa man kami magpunta sa klase ni Sir Tim.
Madali naman niya natutunan gumamit ng pana, halos isang araw niya lang iyon inaral. Tinuruan lang namin siya ng kaunti ni Ken, tapos nagsariling practice na lang siya at nagawa niya agad. Bullseye pa nga lagi ang tira niya, daig pa kami.
Ang mali lang niya ay itong isa. Tatlong araw na niyang inaaral kung papaano gamitin at kontrolin ito pero hanggang ngayon hindi pa din niya makuha. Pero kung iisipin, iilan lang talaga ang nakakaalam gamitin ang Bubble bomb dahil isa ito sa mga mapanganib at mahirap aralin.
"Time na. May susunod pa akong klase kaya hindi ko na kayo maasikaso. Zairish, focus and concentration ang kailangan. Tandaan mo yan." Mabuti na lang at nandiyan lang si Sir Tim at nakahandang umalalay sakanya, maski kami kasi hindi namin alam kung papaano kontrolin iyon.
At nauubos na din ang lakas ko kakagamot sa sarili ko at kakagamit ng shield. Sa pagtulong kasi namin kay Zai hindi maiwasang magtamo kami ng iilang gasgas o sugat dahil sa mga pagsabog. May kakayahan ang bawat isa sa amin na gamutin ang sarili naming sugat pero hanggang doon lang sa mga maliliit na gasgas dahil hindi na kakayanin ng lakas namin iyong mga malala.
"Sige na, may susunod na klase pa kayo diba? Go na! Kapag na late kayo malalagot kayo." Pinagtutulakan na niya kaming lahat palabas ng Training hall. Ayaw sana namin siyang iwan pero hindi din pwede dahil bawal ang hindi umattend ng klase ng walang permiso.
"Babes! Nagaalala ako sayo, baka kung anong mangyari kapag wala kami." Ken
"Oo nga, iyon ngang nandito kami ang dami nang nangyari pano pa kapag umalis kami? Baka kung anong mangyari sayo." Kirby
"Kaya ko, ano ba naman kayo. Wala ba kayong tiwala sakin?" Full smile niya pang tanong sa amin.
"Wala!" Sabay-sabay naming sagot.
"Ouch ha! Grabe kayo sakin. Thank you." Saracastic naman niyang sagot.
"We're going to be late. May balak ba kayong umattend ng klase? Kami meron kaya mauuna na kami." Kahit kailan napaka intrimitida talaga ng Sussy na yan. Masyado silang mailap nang kapatid niya, masusungit.
BINABASA MO ANG
Blue Moon ( #1 War against your unknown enemy)
FantasyPara sa mga gusto magbasa ng about fantasy, magic, vampires, wolfs, comedy, love story, drama, friendship, family...etc. just read this. Taglish po ito. Hope you like it! Pls share and vote.