Chapter 31 I'm really sorry

29 2 0
                                    

Ken's POV

"Sh*t! Your such an asshole Ken!"

Wala akong ibang maramdaman kungdi galit sa sarili ko. Ang laki kong TANGA! Ang tanga tanga ko! F*ck!

Bakit ko ba hinayaang mawala ako sa kontrol? Masyadong naginit yung ulo ko ng maabutan naming halos magkalapit na yung mga mukha ni Babes at Stephen.

Lalo na ng makita kong parang hirap na hirap ng huminga si Babes. Ni hindi nila kami naririnig kahit anong tawag namin sakanila. Nataranta na lang bigla ako ng mapansin kong unti-unti ng nagbabago yung kulay ng mata niya.

Unti-unting nahahaluhan ng asul na kulay yung mata ni Babes. Hindi pwede! walang pwedeng makakita sa mga mata niyang iyon.

Bigla ko na lang naitulak si Stephen palayo kay Babes.. Niyakap ko si Babes habang naghahabol siya ng hininga at mabuti na lang hindi nagtuloy nagbago yung kulay ng mga mata niya.

Nang mahagip naman ng mga mata ko si Stephen, bigla na lang kumulo ang dugo ko at hindi ko na alam ang mga nangyari. Basta ang nasa isip ko na lang ng mga oras na yun ay gusto ko siyang saktan at pahirapan.

Namalayan ko na lang na hawak ko na pala sa kwelyo niya si Stephen at nakaamba pasuntok ang kamao ko sa kanya. Bigla akong nagising ng marinig ko ang boses ni Babes.

Nang makita kong umiiyak siya parang biglang nadurog yung puso ko. Dahil ba sakin kaya siya umiiyak?

Gusto ko siyang lapitan at yakapin para tumahan na siya pero nang subukan kong lumapit sakanya nakita kong napakapit siya ng husto kay Kirby.

Yung mga tingin niyang iyon, hindi ko makakalimutan yun. Natatakot siya sa akin, takot na takot.

Nang subukan kong hawakan siya mas lalo siyang umiyak at napaiwas sa akin.

Ang sakit! Grabe! Yung makita pa lang na takot na takot siya sa akin na halos ayaw niyang magpalapit o magpahawak sa akin. Dagdagan pa na makita kong kay Kirby siya umiiyak at nakayakap, dapat ako yun eh. Dapat ako yun nagpapatahan sakanya, kaso hindi! ako pa yung dahilan kung bakit umiiyak siya at takot na takot.

Kasalanan ko kung bakit nagkakaganun siya. Yung marinig kong sumisigaw siya habang nagmamakaawang huwag siyang iwan ni Kirby. Grabe lang, pakshit! ang sakit!

Hindi ko alam kung bakit basta ang sakit sa puso! Hindi ko na kaya pang marinig na umiiyak siya kaya napalayo na ako doon sa clinic at napunta dito sa likod ng isa sa mga Practice Gymnasium.

"Its all your fault Ken! Damn you!" Wala akong pakialam kung mukha na ba akong baliw dito na sinisigawan at minumura ang sarili ko.

"You look like an idiot!" Napahawak ako sa dibdib sa gulat kay Andi, bigla-bigla na lang kasing sumusulpot.

"Andi, ginulat mo ako! How did you find me?"

"Naaamoy kita." Inirapan niya lang ako habang nakapamewang sa harap ko. Ay oo nga pala, nakalimutan kong wolf pala siya,malakas pang-amoy nila katulad din namin.

"You're bleeding." Walang emosyon niya yung sinabi habang nakatingin sa kamay ko.

Napatingin din ako sa kamay ko at tama siya, dumudugo na pala iyon. Hindi ko man lang napansin, wala akong nararamdamang kahit na anong hapdi o sakit.

"Kawawa naman yung pader ng Gymnasium, pinagbuntungan mo pa ng galit mo."

Medyo may crack nga yung part ng dingding na kanina ko pa sinusuntok medyo may bahid na din ng dugo ko, hindi ko man lang napansin.

Napasandal na lang ako sa dingding habang nakaupo dito sa lapag habang si Andi naman relax na relax lang na nakasandal doon sa puno na katapat ko habang nakatayo at nakahalukipkip.

"You lost your control." Huminga lang ako ng malalim, tama naman siya eh. Siguradong galit din sakin si Andi ngayon at katakot-takot na sermon ang matatanggap ko. Dapat lang naman sakin yun kaya mananahimik na lang ako.

"Do you even notice that your eyes turns to red?" Red? hindi nga? kaya siguro hindi ko na nakontrol yung sarili ko kanina.

"Sabi ko na nga ba at hindi mo alam. You know what, you should learn more on how to control yourself." Ok, ok. Since nandito na naman kami sa Academia mas may time na ako magpractice at pagaralan ang power at ability ko.

"We don't have any idea if what happened between Zai and Stephen but as what Kirby says, walang ginawang masama si Stephen sakanya."

"How did he know? sinabi ni Babes?"

"Nope, but he got it on her mind." Mali nga talaga iyong ginawa ko kanina. Masyado akong nagpadalos-dalos. Muntikan ko pang masaktan si Stephen at ng dahil sakin mukhang natrauma pa si Babes.

Im such an assh*le!

"Si Babes?"

"Don't worry, she's fine now." Mabuti na lang at maayos na siya ngayon.

"Malaki ka na, you know what you should do." Umalis na agad siya ng ganun-ganun lang.

Tapos na? Hindi man lang niya ako sinigawan at pinagtatalakan.

Haaay! what a life! I should fix all the mess that I did. I'll apologize to Stephen and especially to Babes.

Babes!!!! I'm so sorry! I'm such a f*cking assh*le for making you scared and cry. Sana lang taalaga mapatawad niya ako at huwag na siyang matakot sakin.

Hindi ko kakayanin kapag nilayuan at iniwaasan pa niya ako ulit.

I'm really sorry Babes.

.

A/N

Thank you for reading :*

Please share & vote.

Magcomment na din po kayo if you have suggestions or questions, thank you!

ZhaiineyHeart

Blue Moon ( #1 War against your unknown enemy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon