Chapter 16 White Dress

41 4 0
                                    

Pagdating nila sa bahay nila Zai, buo ang bahay. Nawala lahat ng bakas ng pagkasira, normal ito at tila ba alagang-alaga.

"Anong nangyari? Ba-bakit ganyan yan? Da-dapat sira yan, dapat ma-magulo!!"

Nanlalaking mata sambit niya. Dahil nakita mismo niya sa mga mata niya ang pagkasira ng bahay nila at maging ang mga pagsabog.

"Sinong gumawa niyan? Nung huling punta namin dito, sira-sira ang buong bahay."

Nagtataka din ang mga kaibigan niya sa nakikita.

"Hindi kaya... bakaba—ka bumalik na si Granny!!"

Maluha-luha niyang palagay.

Dali-daling tumakbo ito sa loob ng bahay upang tignan kung nagbalik na ba ang kaniyang lola.

Hindi nadin siya napigilan ng mga kaibigan niya, kaya't hinabol na lang siya.

"Babes!! Sandali!! Delikado!"

Inabutan nila itong nakatulala sa pinto at mangiyak-ngiyak.

"Zai, bakit? anong nang—?"

Hindi na nila itinuloy ang pagtatanong dahil kita nadin sa mga mata nila ang sagot.

Kung anong ikinaganda at ikinaayos sa labas, ito namang ikinagulo ng itsyura sa loob.

Basag lahat ng gamit, maging ang mga ding-ding at haligi ay sira-sira. Makikita ang mga bakas ng malakas na pagsabog at kaguluhan.

May makikita ding mga dugo na kulay pula at ibang kulay pa na likido.

Hindi kanais-nais ang itsyura ng kabahayan.

"Babes."

Nasa malalim siyang pag-iisip ng bigla siyang hawakan sa balikat ni Ken para icomfort.

Pinipilit niyang huwag maiyak, ayaw niyang ipakita sa mga kaibigan niya na mahina siya.

Gusto niyang maging malakas, pero may mga bagay at ala-ala na pilit siyang hinahatak pababa.

"Ok lang ako. Dito muna kayo, may titignan lang ako sa itaas."

Umakyat na siya sa hagdan na bahagyang buo pa. Lahat ng kwarto sa ikalawang palapag ay wasak na, maliban sa isang kwartong bahagya lamang ang natamong sira.

Alam niya kung kanino iyon.

Pumasok siya at nagikot-ikot, medyo magulo din dahil sa mga natumbang mga gamit.

"Namiss ko itong kwarto ko! Haaay! paano ba yan, aalis na talaga ako. Ang sarap talaga mahiga dito!!"

Nilasap na niya lahat ng pagkakataon. Inalala ang mga pagkakataon na minsan ay tabi silang matulog ng lola niya, sa tuwing pupuntahan siya nito sa kwarto upang gisingin para pumasok sa eskwela.

Matapos sa kwarto niya, sinubukan niyang puntahan ang kwarto ng lola niya.

Matinding sira ang natamo nito. Nang maamoy niya ang pamilyar na amoy nito, hindi niya mapigilang umiyak.

Blue Moon ( #1 War against your unknown enemy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon