Sa kaharian ng Luminesencia, masayang pinagdiriwang ng mga necians ang pagdadalang tao nang kanilang Reyna.
Sa sobrang galak ng mahal na Hari nagpasya itong magpadaos ng malaking salo-salo para sa lahat ng mamamayan ng Luminesencia maging sa mga kalapit na lupain. Lahat ay imbitado, necians ka man o ibang lahi. Bukas ang pagdiriwang para sa lahat, mula sa pinakamataas na angkan hanggang sa pinakamababang uri ng nilalang.
"Mabuhay ang Mahal na Haring Zairus at Reyna Anastasia!. Mabuhay!." masayang pagbati ng lahat ng makita ang Hari at Reyna sa balkonahe ng palasyo.
"Maraming salamat sa inyong pagdalo. Nawa'y maging masaya tayong lahat sa biyayang ipinagkaloob sa amin ng aking Mahal na Reyna.
Darating ang panahon na ang aming anak ang susunod na mamamahala sa ating kaharian." Masayang pagaanunsyo nito sa lahat. Maging ang Reyna na nasa kanan nito ay hindi matanggal ang ngiti sa mukha na tila ba ay maluha-luha pa.
"Woooh!!. Mabuhay!. Mabuhay!." Napuno ng hiyawan at palakpakan ang lugar dahil sa magandang balitang ipinarating.
"Salamat. Ano pa bang hinihintay natin? Umpisahan na ang kasiyahan!! " Kasabay ng pagtaas ng kamay nito ay ang pagsabog ng makukulay na paputok sa langit at ang pagtugtog ng musika na nagpapahiwatig na umpisa na ng pagdiriwang.
-----
Sa isang sulok..
"Sige magsaya lang kayo. Darating din ang araw na mahihigitan ko kayo.
Bakit ba kasi ipinanganak akong isang normal na necians lamang?.Kung magkakaroon lamang ako ng kapangyarihan, siguradong kikilalanin din nila ako." Paghihimutok ng isang lalaki sa isang tabi. Puno ng inggit at kasakiman ang puso nito sa paghahangad ng kapangyarihan.
"Antonio! Anu bang ginagawa mo diyan?. Halika nga dito at tumulong sa pagbubuhat ng mga alak nang mapadali ang trabaho! Bilis! " Bulyaw sakanya ng amo na pinagtatrabahuhan niya.
Walang nagawa ito kung hindi ang sumunod na lamang kahit labag sa kalooban.
------
Sa palasyo...,
Abala ang lahat sa kani-kaniyang gawain. Pagdadal-dalan, kamustahan, kainan at iba pa. Habang ang Hari at Reyna ay masayang naguusap sa kanilang trono. Nang biglang ang isa sakanyang mga heneral ay humahangos na tumatakbo palapit sa hari na ikinatigil ng lahat.
"Mahal na Hari!. ha...ha.. May...ha..gusto..p-po.." hindi maintindihan ang gusto nitong sabihin sapagkat kinakapos ng hininga galing sa pagtakbo.
BINABASA MO ANG
Blue Moon ( #1 War against your unknown enemy)
FantasyPara sa mga gusto magbasa ng about fantasy, magic, vampires, wolfs, comedy, love story, drama, friendship, family...etc. just read this. Taglish po ito. Hope you like it! Pls share and vote.