Chapter 15 Condition

42 3 0
                                    

Zai's POV

Nandito pa din kami ngayon sa bahay ni Ken.

Hindi din kami nakaalis agad dahil sa akin at may aasikasuhin muna daw pala sila dito.

Noong mga panahong tulog ako, marami pala kong nagawa na hindi ko naaayos.

Ang sabi nila, siguro daw lumabas ang asul na mata ko pagkatapos ng nangyari sa bahay.

May posibilidad din na sa tuwing nagagalit ako o nakakaramdam ng matinding emosyon ay saka lamang nagbabago ang mata ko.

Noong nasa burol ako natatandaan ko, puno ng galit ang puso ko noon, bigla pa ngang umulan at humangin ng malakas.

Sa paglabas ng asul na mata ko, hindi ko na nakontrol ang nangyari sa paligid ko hanggang sa mahimatay ako.

Yung malakas na ulan at hangin na iyon, nanatili pala at nanalanta sa mga tao.

Sila Ken at Andi ang pansamantalang pumipigil sa lakas noon, para hindi masyadong malakas ang perwisyong magawa.

Salitan sila sa pagkontrol doon, kaya pala mga mukhang pagod eh.  Saka noong paglabas ko ng kwarto iyon din pala ang pinagtatalunan nila.

"Babes! Ok na, nawala na ng tuluyan yung ulan at malakas na hangin, dahil na din siguro gising ka na at masyos na."

"Mabuti naman"

Nginitian ko siya, sabay pa kami napatingin sa pintuan ng may pumasok.

"Ano? Handa ka na bang umalis?"

Nakapagdecide na talaga ako, kung gusto ko makita ulit si Granny kailangan ko sumama sa kanila at maging malakas.

"Handa na ako, sasama na ako sa inyo."

"Good. Now lets g—"

"Pero sa isang kondisyon muna."

"Ano naman yun?"

Huminga muna ako ng malalim dahil alam kong hindi sila sang-ayon sa gusto ko.

"Bago tayo umalis, gusto ko muna bumalik sa bahay namin."

Lumaki bigla ang mata nilang dalawa. Expected ko na yan, malamang ang kasunod niyan sigaw na.

"WHAT ARE YOU THINGKING ZAI??! DO YOU REALLY WANT TO DIE? ALAM MO NAMANG DELIKADO NA DOON TAPOS GUSTO MO PA BUMALIK? NAGPAPAKAMATAY KA BA?!!!"

See? I told you. Pareho tuloy kami napatakip sa tenga ni Ken.

"May mga kailangan lang kasi akong kunin doon na mahalagang bagay. Sige na please!!! hindi naman tayo magtatagal, saglit lang.
Kung ayaw niyo ako na lang pupunta."

"Sige na Andi, payagan mo na, sandali lang naman yun at para makaalis nadin tayo, kaysa naman magsigawan pa kayo diyan.. masasayang ang oras natin."

Buti na lang kakampi ko si Ken. Nagpaawa face pa ako kay Andi para lang pumayag siya.

"Arrrgh! Ano pa bang magagawa ko? Sandali lang tayo dun ah. Baka magdala ka pa ng maleta? Iuuntog talaga kita!! Kami na bahala sa mga damit at kailangan mo sa Fantasia. Tara na!"

"Yehey!! Lets go na!!"

Nilapitan ko si Ken at niyakap saka ko binulungan.

"Thank you Ken. Effective yung sinabi mo kanina at ang paawa effect ko...hihihi"

"Syempre ako pa ba? Anything for you Babe!"

Aba't kumindat pa, haha.

Inakbayan pa niya ko tapos nagpatuloy na kami sa paglakad at sumakay na kami sa sasakyan ni Ken.

Habang nasa biyahe, kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam kung ano o sino ba ang maaabutan ko doon.

Bahala na! Basta kapag may nakita akong importanteng bagay kukunin ko iyon.

Wala naman kasi akong kukunin dun eh, gusto ko lang makita kahit sa huling sandali yung bahay na kinalakihan ko.

Sana lang talaga, lahat ng ito matapos at maayos na sa lalong madaling panahon.

Please share & vote;)

Thanks.

ZhaiineyHeart

Blue Moon ( #1 War against your unknown enemy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon