Author's POV
Napiling isuot ni Zai ang isang puting bestida na regalo sa kanya ng kanyang lola.
Nang makuntento sa itsyura niya ay lumabas na ito ng kwarto at bumaba na sa sala.
Agad naman siyang sinalubong ng kanyang alagang si softy.
Isa itong aso na napulot niya lamang noon sa daan at inalagaan. Kulay puti ito at sobrang lambot yakapin. Halos magdadalawang taon na din ito sa kanya.
Sobrang mahal na mahal niya ito. Itinuring na niya itong kapatid at matalik na kaibigan.
"Ah! Softy, nakikiliti ako. Hahaha wag mo dilaan ang paa ko."
"Oh iha. Wow! Ang ganda naman ng apo ko. Sinuot mo na pala ang damit na iyan, bagay sayo."
Niyakap siya ng kanyang lola.
"Thank you Grandma. Lalabas lang po kami ni Softy, maglalakad-lakad lang po kami."
"Ok. Take care. Pasasamahan na lang kita kay yaya."
"No need grandma! Magkikita din naman po kami nila Andi at Ken mamaya."
"Sure kang kaya mo na apo? Baka mapahamak ka. "
"I can handle myself. Don't worry po. Sige na po aalis na kami."
Humalik na siya sa pisnge ng lola niya at lumabas na ng bahay.
Nagpunta sila sa park. Naglakad-lakad lang sila hanggang sa napagod at naupo sila sa bench doon.
Pinapanuod lang nila ang ilang mga batang masayang naglalaro doon.
*Ring! ring!*
"Hello Ken? Nasaan na ba kayo?"
"On the way na Babes. Pupuntahan ka na lang namin diyan."
"Ok.Take care."
Medyo padilim na kaya't unti-unti ng nagaalisan ang mga tao sa park.
Napansin niya ang isang batang tumatakbo palapit sakanya. Natuwa siya kaya tumayo siya para salubungin ito.
Ngunit napansin niyang may parating na sasakyan at paliko-liko ang takbo nito.
"Bata! May sasakyan!"
Ngunit hindi siya naintindihan nito at patuloy pa din ang bata sa pagtakbo.
Sigaw pa din siya ng sigaw para pigilan ang bata ganoon din ang aso niya na tahol ng tahol sa padating na sasakyan.
Mabilis ang mga pangyayari na hindi inaasahan ng lahat.
*screeeeech! screeeeech!!!*
*BOOOOOGSHH!!!!*
BINABASA MO ANG
Blue Moon ( #1 War against your unknown enemy)
FantasyPara sa mga gusto magbasa ng about fantasy, magic, vampires, wolfs, comedy, love story, drama, friendship, family...etc. just read this. Taglish po ito. Hope you like it! Pls share and vote.