Author's POV
Pinagpatuloy ni Ken ang pagkukwento. Naglabas ito ng isang papel.
"Sige ako naman. I have a copy here of the prophecy, I got these from a source.
Now read it by stanzas and I'll translate it sa pagkakaintindi namin."
Inabot na ni Zai ang papel at sinimulang basahin.
"A stone of all born from high,
can give power or evil side.
A fruit will ripe in alliance of stone,
can bring peace or maybe chaos.Huh? di ko gets. Masyadong malalim. "
"Madali lang yan.
Isang bato o bulalakaw ang babagsak mula sa kalangitan sinasabing nagtataglay ito ng sobrang lakas na kapangyarihan at ipapanganak kasabay nito ang isang sanggol.
Next?""Ahh yun pala iyon.
When the power of stone will be use in evil,
then the color of it will turn to dim.
But if the gleam of stone will be employ,
the boon of it can be enjoy. ""Katulad ng sinabi ko ang bulalakaw na iyon ay nagtataglay ng kapangyarihan, kapag ang bato ay ginamit sa kasamaan ang kulay nito ay magiging itim samantalang kapag sa kabutihan naman ay magiging puti. Depende na lang sa gagamit at makakakuha nito. "
Pagtango lang ang sagot ng mga kaibigan niya bilang senyales ng pagkakaintindi.
"May tanong ako. Yung Haring Luzniath ba yung nakakuha ng bato kaya nagkaroon siya ng kapangyarihan?"
Tanong ni Zai na sobrang nakafocus at nakikinig sa kwento.
"Tama. Pero hindi ang buong bato, kalahati lang nito. Ituloy muna ang pagbasa."
Tinuloy na ni Zai ang pagbasa sa propesiya.
" A greedy person will cause a war,
will be a cause of a mother's cry.
The fruit and boon will be rapt by a mater,
away from the ambiguous night of a shutter. ""Si Haring Luzniath ang nakakuha ng kalahating parte ng bato. Ang kalahati naman ay hindi alam kung nasaan. Ang sabi nila noong araw na bumagsak ang bulalakaw mula sa langit tatlong sanggol ang ipinanganak na nagtataglay ng asul na mata, kabilang ang anak ng Hari at Reyna ng Luminescencia.
BINABASA MO ANG
Blue Moon ( #1 War against your unknown enemy)
FantasíaPara sa mga gusto magbasa ng about fantasy, magic, vampires, wolfs, comedy, love story, drama, friendship, family...etc. just read this. Taglish po ito. Hope you like it! Pls share and vote.