Ken's POV
I'm so excited! sa wakas at magkikita na ulit kami V! Ilang taon na din ba nung huli kaming nagkita? Hindi ko na alam. Matagal-tagal na din simula nung ibinigay sa amin yung misyon na iyon na naging dahilan ng pagkakahiwalay namin nila V.
"Hah!" Napalingon naman ako kay Andi ng marinig ko yung paghinga niya ng malalim.
Kahit hindi ko na tanungin, kita naman kasi sa mga mata niya na parehas kami ng nararamdaman. Hindi lang ako at si Andi, lahat kaming nandito sa loob ng kwarto na ito, excited na kami sa pagbabalik nila.
Kita ko din sa mga facial expression ng iba na sobrang excited na sila.
Si Fey maluha-luha na yung mga mata, si Blue naman hindi mapakali at lakad ng lakad, habang si Kirby naman nakastay lang sa pwesto niya pero yung mukha hindi ko maintindihan kung kinakabahan ba, maiiyak na matutuwa na ewan, in short mukha syang natatae hahaha.
"Stop laughing at me Ken." Nakalimutan kong nababasa niya pala yung isip ko. Tsk!
"Sorry dude! Hindi ko mapigilan eh..pfft—Hahahahaha. Magrelax ka naman kasi kahit konti."
Tumingin lang sya sa akin tapos ay inirapan ako. Bakla ba to? hahaha
"Che! Baka ikaw yung bakla! Tigilan mo nga ako Ken." Aasarin ko pa sana ulit sya pero hindi ko na din naituloy.
Bumukas muli ang pinto at pumasok si Head Chief kasama ang ilang teachers namin dito.
"1st child's? I guess all of you are here. I think we can already start, just please lessen your excitement, napupuno ng red aura dito. Sabagay, hindi ko din naman kayo masisisi kung yan ang nararamdaman niyo..hahaha" Aisst! ang tagal naman.
"Sumunod kayo sakin."
Pumasok kami sa isang kwarto kung saan nakatago yung mga kwintas namin.
Isa iyong plain na kwarto, walang kahit na anong gamit doon. Medyo madilim sa loob dahil walang ilaw pero may liwanag namang nanggagaling mula doon sa shield na pumoprotekta sa mga kwintas namin.
Sa gitna, nakalutang doon ang mga kwintas namin na napapalibutan ng asul na liwanag at tubig. Ang hirap idescribe pero more on parang nakalutang yung mga kwintas sa loob ng isang crystal ball, yung nga lang hindi crystal ball kungdi tubig.
"Pumwesto na kayo."
Pumunta na kami sa lugar kung saan kami dapat pumwesto. Tinapatan lang namin kung nasaang direksyon yung mga kwintas namin. Yung ibang teachers naman pumwesto din sa ibat-ibang lugar sa likuran namin.
"Close your eyes." Pumikit na kami at naghanda para sa ritual.
" Power from above respect is all yours. " Sabay-sabay naming sambit. Matapos ay dumilat na kami.
" We gathered here for the reawakening of their guardians.
Protection of Light, companion by Water let these masters retrieve their treasure. "
Tinanguan ni Head Chief si Fey bilang hudyat na magsimula na ito, sa kanya mag-uumpisa pa-counter clockwise.
" Protection of Light, companion by Water, I am Fey Lufia respectfully retrieving my treasure. " Nakapikit siya habang sinasambit ang mga katagang iyon.
BINABASA MO ANG
Blue Moon ( #1 War against your unknown enemy)
FantasyPara sa mga gusto magbasa ng about fantasy, magic, vampires, wolfs, comedy, love story, drama, friendship, family...etc. just read this. Taglish po ito. Hope you like it! Pls share and vote.