Andi's POV
Nakaupo kami ngayon dito sa living room. Kakatapos lang kumain ng baboy na babae na iyon.
Joke lang! Kung makakain kasi WAGAS! Akala mo isang taon hindi kumain.
Kahit ganun, masaya ako. Paglipas ng ilang araw lumabas na din siya. Ang akala talaga namin matatagalan pa siya at dadamdamin ang pagkawala ng lola niya.
Kaya ganoon na lang ang gulat namin ng lumabas siya, lalo na at nag-iba ang itsyura niya.
Maliban sa medyo pumayat mas nabigla kami sa pag-iba ng kulay ng buhok niya. Dati pure black iyon ngayon naging reddish black na at medyo naging kulot sa baba.
Pero bumagay naman sakanya. Siguro para sa mga katulad niya normal lang ang pagbabago na iyon.
Ang iniisip ko lang ngayon ay kung paano uumpisahan ang pagpapaliwanag sa kanya.
Naikwento nadin niya sa amin ang lahat ng nangyari sa bahay nila.
"So, umpisahan na natin. Ready na ako!" masigla niyang sinabi.
"Ahh eh, sige Ken ikaw na mag-umpisa!" Hindi ko kasi alam kung saan mag-uumpisa.
"Bakit ako? Ikaw ang mas madaming alam eh. Kaya mo yan." Sabi na nga ba at ibabalik lang din niya sa akin eh.
"Uhmm.. O sige, ganito na lang. Ang sabi sa iyo ni Grandma mo na huwag basta-basta magtitiwala diba?"
Naisip ko na mas mabuting makilala niya muna kami para mas madali sakanya ang magtiwala sa amin.
"Oo, tama ka." Nakatingin lang siya sa amin ni Ken.
"Kaya magpapakilala muna kami sa iyo. Basta bawal munang magreact hanggang hindi kami tapos, Ok?"
"Ok." Kahit medyo nagtataka siya dahil halata sa mukha niya, nakakunot ang noo eh. Atleast pumayag siya.
Binulungan ko si Ken na siya na ang unang magpakilala.
"Ken, ikaw na mauna. Bilis!"
"Bakit ako? Ikaw na lang!"
"Ako na nga mageexplain mamaya diba? Bilis na!"
"Paano ako magpapakilala?"
"Magpakilala ka! Sus naman! Mahirap ba yun?"
Haay naku! Sakit sa ulo talaga ito.
"Ehem.. My name in Ken Collins, 19 years old. From Makati City, Philippines. I like acting, I like my super handsome face, I like—Ouch!"
BINABASA MO ANG
Blue Moon ( #1 War against your unknown enemy)
FantasyPara sa mga gusto magbasa ng about fantasy, magic, vampires, wolfs, comedy, love story, drama, friendship, family...etc. just read this. Taglish po ito. Hope you like it! Pls share and vote.