Someone's POV
"Master! Master! Aalis na po ba tayo?"
"Yes. Just give me a minute."
Huminga ako ng malalim at nagconcentrate. Kailangan maitago ko itong mga matang ito. Masyadong dedlikado.
Ako lamang at ang guardian pygmy ko ang nakakaalam tungkol sa mga asul na mata ko.
Iniiwasan kong magalit para hindi magpalit ng kulay ang mata ko.
Hindi ko lang talaga napigilan ang inis ko kanina, mabuti na lamang at nakaalis agad ako. kung hindi, lagot ako!
Oo, isa ako sa mga sanggol na ipinanganak na may asul na mata.
Hindi ko alam kung biyaya ba ito o sumpa.
Ang alam ko lang may masama at mabuti itong maidudulot sa akin.
"Master excuse me po, tapos na po yung 1 minute eh. Handa na po ang lahat, pwede na po tayo umalis."
Tinanguan ko lang siya. Hindi ako yung tipo na palasalita o madaldal.
Noong nakasigurado akong bumalik na sa dati ang kulay ng mata ko, sumunod na ako sakanya maglakad.
May kailangan pa akong hanapin.
Malaki ang maitutulong niya sa akin at sa mga plano ko.
Please vote & share:)
Thanks.
ZhaiineyHeart
BINABASA MO ANG
Blue Moon ( #1 War against your unknown enemy)
FantasyPara sa mga gusto magbasa ng about fantasy, magic, vampires, wolfs, comedy, love story, drama, friendship, family...etc. just read this. Taglish po ito. Hope you like it! Pls share and vote.