Zai's POV
"AAAAAAAHHH! A—"
*BLAAAG!!!*
Aray ku po! huhuhu. Ang sakit ng pagkabagsak ko. Bwisit na Andi yun! Una pang tumama yung puwet ko, huhuhu.
"Ok lang kayo?"
Nagtanong pa sila. Kainis! Yung dalawang lalaki naman na yun nakatayo na, akala mo mga hindi nasaktan.
Sabay pa silang lumapit sa akin at naglahad ng kamay para tulungan akong makatayo.
Pero dahil, naiinis parin ako. Hindi ko tinanggap ang tulong nila.
"Kaya ko nang sarili ko!"
Nakatayo na ako kahit medyo masakit pa sa balakang. Nagbangayan pa yung dalawa pero hindi ko na sila pinansin.
Natulala na ako. I'm speechless, I cant find the words that fit to describe this place.
"WOW!"
Wala akong ibang masabi. Hindi ko alam kung nasaan kami, maybe in a enchanted forest?
Basta napakaganda! Ang daming puno, mga ibon na nagliliparan. Tapos may batis pa akong nakikita, ang linaw ng tubig, presko ang hangin walang polusyon di tulad sa mundong pinanggalingan ko.
Yung punong pinasukan namin, meron ding katulad dito, pero nakatayo ito sa patong-patong na mga bato. Kaya masakit talaga yung pagbagsak ko kanina.
Tapos yung paligid..napaka magical! Para bang may mga makukulay at makikintab na alikabok ang nililipad sa paligid kaya nagmistulang napakaenchanting ng lugar.
May mga napansin pa nga akong parang maliliit na nagliliparan, siguro mga gamo-gamo lang.
"Welcome to the Fantasia! Sorry sa pagtulak ko sa inyo kanina, bagal niyo eh. Saka advice lang, pwede mo na namang isara yung bibig mo, kanina ka pa kasi nakanga-nga."
Ay oo nga nakakahiya naman, hindi ko alam na nakanga-nga pala ako.
"Nasa Fantasia na tayo?"
Tanong ko habang patuloy pa din sa pagtingin-tingin at pamamangha sa paligid.
"Yes Babes, pero to be exactly, nasa part tayo ng Floreshka. Yung puno kasing pinasukan natin ang lusot talaga nun ay dito."
Mas lalong akong namangha at nanglaki ang mga mata. Floreshka? it means we're in the land where fairies and nymphs live at sabi din nila dito sa Floreshka matatagpuan ang Land of Gods. Super nakaka- overwhelm yung pakiramdam na makatapak dito.
"Does that mean, na pwede akong makakita ng mga fairies?"
Super excited ako! ano kayang itsyura nila, siguro ang ku-kyut nila!! Iiih! naeexcite ako.
"I can tour you if you want. Ipapakita ko sayo yung mga fairies, alam mo ba iba-iba ang kulay nila. May yellow, green, red at may pink din!"
Pagaaya sa akin ni Kirby, mukhang magkakasundo kami nito.
"Pink? waaaah! sige, sige! gusto ko sila makita."
"Hep hep hep! saka na yung pasyal pasyal na yan. Tara na at may pupuntahan pa tayo, at saka wala pa kayong pahintulot para magikot-ikot dito."
Ang KJ! Ang KJ KJ ni Andi! Minsan lang naman ako makakakita ng mga ganung creatures eh.
"Stop pouting Zai! there's another time for that. Lets go na!"
Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod na lang sakanila.
Basta pag may pagkakataon, babalik talaga ako dito. Nakakarelax kasi yung atmosphere dito, napakatiwasay.
"Saan na naman ba tayo pupunta?"
Kanina pa kami naglalakad, palabas na siguro kami ng gubat.
Medyo masakit pa din kasi yung bandang balakang at puwet ko. Tapos naglalakad pa kami ngayon, hindi na napahinga yung katawan ko.
"Pupunta tayo sa academy, doon muna tayo tutuloy. Ipapasok ka din namin doon, para lumakas ka at matuto ng mga bagay-bagay tungkol dito sa Fantasia."
Nanlaki na naman yung mata ko! Hindi na yata mauubusan ng sorpresa ang araw na ito.
Academy? School yun diba? Ibig sabihin....Seryoso ba si Andi na ipapasok niya ako sa school? Ibig sabihin pala, tuloy padin ang buhay ko. Magaaral padin ako na parang sa mortal world! ok na pala at least tuloy pa din ang pag-aaral ko.
"Talaga? Papasok pa din ako sa school? yehey!"
"Oo na! basta tumahimik ka lang diyan."
Tumango lang ako ng mabilis at nanahimik na, baka mamaya bawiin pa niya yung sinabi niya.
Mag-aaral ako ng mabuti at magpapalakas, para pagdating ng panahon na ililigtas ko na si Granny ay magtatagumpay ako.
.
Please Share & Vote:)
Thanks.
ZhaiineyHeart
A/N:
I dedicate this chapter to @Mudzie1231, happy birthday be!Love you! Lagi niya inaabangan mga updates ko eh at lagi siyang nakasupport sa mga stories ko.
Thank you sa support be! Happy Birthday ulit.:)
BINABASA MO ANG
Blue Moon ( #1 War against your unknown enemy)
FantasyPara sa mga gusto magbasa ng about fantasy, magic, vampires, wolfs, comedy, love story, drama, friendship, family...etc. just read this. Taglish po ito. Hope you like it! Pls share and vote.