Chapter 42 He passed out

5 0 0
                                    

Zai's POV

How long since I've been here? Almost 1 month na yata I think?

Matagal-tagal na din. And sa one month na 'yon sobrang dami nang nangyari sa akin. So much experiences.

Nakakapag adjust na din ako at unti-unti nang natututo. I also mastered my weapons, Bow&arrow and that Bubble Bomb.

Sobrang saya ko talaga ng matutunan ko kung paano gamitin iyon. Tamang control lang talaga ang kailangan.

About naman kay Grandma, hindi na ako masyado nagaalala. May nakarating kasi sa aking sulat galing sakanya na nagasasabing nakatakas siya sa mga sombreans at nasa ligtas na lugar sa ngayon.

Hindi niya daw maaaring sabihin sa akin kung nasaan siya dahil delikado ang mahalaga ligtas siya at ako din habang nandito ako sa Academia. Magkikita din daw kami sa tamang panahon at doon niya ipapaliwanag ang lahat.

Nabanggit din niya iyong binigay niya bago kami magkahiwalay. Hanggang ngayon hindi ko pa din iyon binubuksan, nakalagay iyon sa isang maliit na pouch. Ingatan ko daw at huwag ipagkakatiwala sa iba.

Marami pa din akong katanungan na hindi pa din nasasagot pero sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi ni Grandma bago kami magkahiwalay, nawawala din kahit paano ang takot ko. Ang kailangan ko lang ay ang magtiwala sakanya.

"Hmm.. I miss my Granny." I don't want to cry. Sawa na din ako kakaiyak saka alam ko namang ayaw din ni Grandma na lagi akong naiyak sa tuwing naaalala ko siya.

Nagvibrate ang phone ko na nasa bulsa ko kaya napabangon ako. Kasalukuyan kasi akong nakahilata ngayon dito sa damuhan sa may open ground.

May iba ding mga estudyante dito pero magkakalayo ang distansya namin, pinili ko dito sa medyo gilid kasi may malaking puno, magandang silungan. Wala din kasing klase ngayon, uso din pala dito iyong walang pasok tuwing weekends. Rest time daw.

"Nasaan kana naman ha?!!" Talaga naman, kailangan bang sigawan ako. Andi talaga!

"Ouch ha! Namamahinga lang ako."
"Hindi ba't sinabi kong hintayin mo kami?!" Hindi talaga nabubuo araw niya kapag hindi nasisigaw at kapag hindi ako napapagalitan.

"Nabored ako eh. Ang tagal niyo, nasa open ground ako. Sige na, Bye!" Binabaan ko na bago pa tuluyang mabasag ang eardrums ko. May meeting kasi sila ng mga first childs kanina, alangan naman hintayin ko lang sila sa labas ng meeting room. Tutunganga lang ako doon.

Kaya naglakad-lakad na lang muna ako, hindi ko naman din makita iyong iba baka mga busy o nagpapahinga sa mga kwarto nila kaya magisa na lang ako ditong namamahinga.

Nahiga na ulit ako at nilasap ang malamig na hangin. Sarap!

"Hmp" Humangin ng malakas kaya may ilang mga dahon ang nalaglag sa akin mula sa puno na sinisilungan ko.

Habang nagtatanggal ako ng mga dahon na napunta sa mukha ko ay napansin ko ang porselas ko.

Hanggang ngayon nakakabit pa din ito sa akin, hindi ko na ulit tinangka pang tanggalin dahil alam ko namang masasaktan lang ako.

Tinatanong nga nila ako kung saan ko daw ba nakuha iyon, ang sabi ko na lang regalo lang sa akin. Hahaba pa kasi 'pag kinuwento ko pa.

Napatingin ako sa kalangitan, medyo dumidilim yata. Kinuha ko ulit ang cellphone ko para tignan ang oras pero mag aalas kwatro pa lang bakit ang dilim na?

Blue Moon ( #1 War against your unknown enemy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon