Zai's POV
Nagising na lang ako kanina na nandito na naman ako sa Clinic, nakahiga sa kama at may kumot talagang nakapatong sa akin. Katulad ng unang punta ko dito, puting-puti pa din ang paligid, masyado nga lang tahimik. May naririnig din naman akong mga kaunting ingay pero mga yabag lamang ng mga paa.
Hindi ko naman makita kung may tao ba dahil may nakapalibot sa kama ko na mga kurtina, yung para bang nasa Hospital lang din ako.
Wala sila Andi at Ken ng magising ako, medyo nahihilo pa din ako pero hindi na kasing sama ng kanina.
Hindi ko din alam kung ano bang nangyari sa akin kanina, para bang puputok na yung mga ugat ko sa ulo sa sobrang sakit. Malas na lang at nasabay pa na may kung anong kalamidad yung nangyayari sa Academia.
Ang alam ko lang unang lumindol ng sobrang lakas ng saktong pagbalik nila Andi at Ken sa kwarto. Nung bumaba na kami para alamin kung anong nangyari, bigla namang humangin ng sobrang lakas na akala mo ay may tornado na tapos sinundan pa iyon ng sunog.
Isa lang ang pumasok sa isip ko ng mga panahon na iyon, ang apat na elemento. Lupa, Hangin, Apoy at Tubig. Isa na lang ang natitira, sigurado akong may kasunod pa ang mga nangyayari. Maaaring bumaha o umulan ng sobrang lakas, basta kahit na ano na may kinalaman sa tubig.
Kamusta na kaya sila? sana naman walang masyadong nasaktan sa mga nangyari. Sila Andi at Ken kaya? Nakinig kaya sila sa mga sinabi ko? sana walang nangyaring masama sa kanila.
Sinubukan kong bumangon na para hanapin sila pero hindi ko din kinaya, napapaungol na lang din ako sa tuwing nakararamdaman ako ng hilo. Nanghihina pa ang katawan ko, para bang na-drain lahat ng lakas ko.
Pinilit ko na lang na makaupo dahil nangangawit na yung likod ko sa kakahiga. Tinukod ko yung kaliwang kamay ko sa kama para makabwelo sa pag-upo ng may bigla akong napansin at naalala.
Hanggang ngayon pala nasa kamay ko pa din ito. Simula ng isinuot nung batang yun ang bracelet na ito sa kamay ko ay hindi ko na siya naalis, masyadong masakit sa tuwing sinusubukan ko.
Para saan ba talaga ito? Uso ba ito ngayon? Forever bracelet? yung tipong pagsinuot mo wala ng tanggalan habang buhay.
Siguro naman baka pwede ko na itong tanggalin diba? baka hindi na masakit, kaya dahil sa curiosity ko sinubukan ko ulit tanggalin na sa huli pinagsisihan ko lang din.
Napasigaw ako sa sakit, biglang parang uminit yung bracelet kaya napaso ako. Dahil na din siguro sa gulat ng bigla akong napaso natabig ko yung maliit na mesa na nasa tabi ko. May nakapatong pa naman na vase doon kaya ayun nabasag, kapag minamalas ka nga naman talaga.
"Ah!" Sigaw ko ng tuluyan ng nabasag yung vase, baka pagalitan nila ako. Ano na lang ipambabayad ko sa kanila? naku lagot na naman ako kila Andi nito.
"Ay puwit ng kabayo!"
Bigla na lang kasi may humawi nang kurtina tapos may lalaking sumilip doon na mukhang hingal na hingal at nag-aalala.
"Miss ok ka lang ba? Ano bang nangyari?" Tanong nung lalaki sa akin.
Hindi naman agad ako nakasagot dahil siguro sa shock. Napatitig ako sa mukha niya, isa lang masasabi ko....ang gwapo niya! Anebeyen! bakit ang daming gwapo at cute sa mundong ito?
Nakauniform pa siya at medyo magulo yung buhok niya, mukhang bagong gising nga lang. Medyo namumutla pa nga siya, may sakit ba siya? pero kahit ganun, gwapo pa din siya! ang ganda ng mga mata niya, parang may kung ano sakanya na hindi ko maintindihan.
BINABASA MO ANG
Blue Moon ( #1 War against your unknown enemy)
FantasyPara sa mga gusto magbasa ng about fantasy, magic, vampires, wolfs, comedy, love story, drama, friendship, family...etc. just read this. Taglish po ito. Hope you like it! Pls share and vote.