Chapter 2 Porselas

101 7 0
                                    

Zai's POV

Sabihin nyo nga, nababaliw na ba talaga ako?. Hindi ko na talaga naiintindihan ang mga nangyayari. Si Andi naman dumagdag pa sa mga isipin ko.

Seriously. Mamamatay na ba ako?, lahat na lang kasi sila pinag-iingat ako, masyadong OA.!!!!

"Aaaargh!!!. Sumasakit na ang ulo ko!." Baka mamaya mabangga pa itong sasakyan ko sa dami ng pinoproblema ko at matuluyan na talaga ako.

"..screeeeech!!..screeech!!.(effects po yan ng gulong dahil sa biglang pagbreak)"

Gosh!. Kasasabi ko lang eh, nagkatotoo agad?. Baka mamaya makulong ako, pero hindi ko naman sinasadya eh, bigla na lang may tumawid kaya hindi ko nakita.

"OMG! OMG! anung gagawin ko?. Lord please help me." Natataranta talaga ako. Ano ba dapat gawin ko?. Help naman please!!.

Tama!, ang tanga ko talaga, Ospital!!, kailangan dalhin sya sa ospital. Kahit nakakakaba kailangan ko siya puntahan.

"Waaah!, Sorry! Sorry!, hindi ko naman sinasadya eh. Hindi kita nakita eh, anu ba masakit sayo?,ok ka lang ba?. Tara dadalhin kita sa Mall, este Hospital pala. " Naiiyak na ako, panu ba namang hindi eh yung nabangga ko lalaki, hindi lang basta lalaki kung hindi BATAng lalaki. Siguro mga nasa 5 years old lang to. Hala! Lagot talaga ako.

"Huy!, naalog ba ulo mo? Bakit hindi ka sumasagot?, naku baka nauntog ulo mo, paano na yan?." Nabagok siguro siya, hindi kasi nagsasalita tapus nakatitig lang sya sa mukha ko. Tapus unti-unting ngumiti!. Shocks! Ang creepy!, pero cute sya in fairness. Pero diba dapat umiiyak siya?.

"Hindi po kita mabasa." Huh? Anu daw?.

"Eh bata, anu bang pinag-sasabi mo?, hindi mo talaga ako mababasa kasi hindi naman ako libro, TAO ako. T-A-O, tao ako hindi libro o kung anung binabasa." Pagkamalan ba naman akong libro? Malakas talaga tama ng ulo niya.

"Hahahaha. Basta ate ok lang po ako. Huwag na po kayo mag-alala." Tumawa pa. Confirm na talaga. Nabagok ang ulo niya.

"Naku bata malala kana. Tara na dadalhin na kita sa Hospital." Bubuhatin ko na sana siya ng bigla niya hawakan yung kamay ko tapus may sinuot.

"Ate ok na talaga po ako. Tanggapin niyo po iyang porselas, regalo ko po sa inyo kasi ang bait niyo po sakin. Ingatan niyo po iyan at wag niyo po aalisin sa katawan niyo ah. Please!, please po. Please!!!!" Aba't may regalo pa ah.

Blue Moon ( #1 War against your unknown enemy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon