Chapter 21 Academia de Fantasia

54 1 0
                                    

Zai's POV

Wala pang dalawang minuto nandito na kaagad kami, nakakabitin naman. Ang sarap pala sumakay sa Heba parang nakayakap lang ako all the time sa isang malaking Teddy bear, kahit na mabilis ang takbo ok lang enjoy padin.

Yung dalawa kong kaibigan? ayun oh! sobra kung makatawa akala mo wala ng bukas.

Dahil lang naman sa akin yun, mukhang tanga daw kasi yung itsyura ko kanina parang bata daw na nakayakap sa teddy bear at takot na takot malaglag.

Pabukaka kasi akong sumakay dun sa Heba, hindi naman ako masisilipan kasi mahaba naman yung balahibo nila, tapos hindi ko naman alam kung saan kakapit baka masabunutan ko pa ito kaya yumakap na lang ako ng mahigpit. Nakapikit pa nga ako kasi dinadama ko, kung matagal lang ang biyahe baka nakatulog pa nga ako.

Palibhasa sila sanay ng sumakay dun, parang nangangabayo lang sila.

"Hoy tama na! OA na kayo ah."

Buti naman naisipan na nilang tumigil sa kakatawa. Bigla namang naging seryoso yung expression ng mukha nilang dalawa at nag-usap sa isang gilid.

Malakas talaga topak ng mga kaibigan ko. Hinayaan ko na lang muna sila mag-usap baka mamaya importante talaga yung topic nila.

Bakit kaya dito kami hinatid nung mga Heba? wala naman akong nakikita na kahit na anung eskwelahan dito puro puno pa din, baka naman nagkamali ng hatid yung mga Heba?

"Babes, Andi have to tell you something."

Lumapit naman ako sakanila, masyadong serious yung mga mukha nila.

"Ano yun?"

"Once we enter the Academy you'll meet a lot. Mga creatures na hindi mo pa nakikita, mga may powers and abilities at madami pang iba. I just warned you para hindi ka mabigla."

Nakikinig lang ako sakanya at pinipilit iabsorb yung mga sinasabi nila. Hinawakan ni Andi yung kamay ko at tinitigan ako sa mata habang si Ken naman ay nasa gilid lang at nagmamasid sa paligid.

"And about your condition, your eyes. As long as we can we will keep it as a secret, hindi pa natin alam kung sino ang mga kalaban. Kaya hangga't maaari pilitin mong icontrol ang sarili mo, huwag mong hayaang may makakita at makaalam sa sikreto mo, ok?"

Naiintindihan ko, lahat ng ito para din sa kaligtasan ko. Alam ko naman kung gaano kadelikado itong mga mata na mayroon ako kaya naiintindihan kong kailangan ko talagang pigilan lumabas ito.

"I understand. Thank you."

After namin mag-usap at bilinan ako ng kung anu-ano, hinatak na ako ni Ken para pumunta na ng Academia.

"Ready ka na?"

"Ready na! Maglalakad pa ba tayo bago makapunta dun?"

Nagkatinginan lang sila ni Andi at sabay ngumiti.

"You'll see Babes. On three sabay-sabay tayo hahakbang ah."

Huh? bakit may ganun pa? iba talaga trip nila.

"1..........2...........3!"

Nandito na kami! In just a blink of an eye at sa isang hakbang lang biglang nandito na kami.

Nanglalaki ang mga mata ko sa sobrang pagkabigla, kanina lang nasa gubat pa kami at napapalibutan ng mga nagtataasang puno ngayon naman nasa harapan ko ang isang malaking open field na may mga nakakalat na estudyante at kahit ilang metro pa ang layo kitang-kita ko na ang isang malapalasyong istruktura.

Eto na ba yung Academia na sinasabi nila? Kung wala lang iyong mga estudyante na nakakalat, mga nakasuot kasi sila ng uniform kaya nasabi kong mga estudyante, siguro iisipin kong nasa isang kaharian kami.

"Maligayang pagdating sa Academia de Fantasia!"

So totoo nga, ito na yun. Habang biglang-bigla pa din ako at busy sa kakaikot ng mata sa paligid ay biglang may lumapit na lalaki sa amin.

"Maligaya pong pagbabalik."

Kakaiba yung kasuotan niya, nakasuot siya ng armor sa katawan at may nakasabit na espada sa bewang niya. Mukhang nasa 20's pa lang naman siya at in fairness cute siya.

"Ibinilin po sa amin ni Head Chief na pagkadating na pagkadating ninyo ay papuntahin kaagad kayo sakanya."

"Hindi ba pwedeng magpahinga muna kami?"

"Iyon po ang binilin sa amin, naghihintay nadin po silang lahat sa inyo."

"Lahat? does that mean nandito naadin sila?"

Tango na lang ang isinagot nung lalaki. Kinausap naman nila ako na hindi daw nila ako pwedeng isama doon dahil pribado daw, nung una ayoko pa pumayag dahil natatakot ako mag-isa lalo na at ngayon lang ako nakapunta dito.

"Don't worry Babes, babalik agad kami after this. Magikot-ikot ka na lang muna dito sa Academia madaming magandang lugar dito, hahanapin ka na lang namin mamaya."

Wala na din akong nagawa alangan naman pilitin ko pa sila kahit bawal. Isinuot sa akin ni Ken yung hoodie ko, matapos magbilin ng ilang paalala ay umalis nadin sila.

Sinunod ko naman sila, nagikot-ikot ako at totoo ngang ang daming magandang lugar dito. Maniniwala ba kayong nakakita ako ng water falls dito, mayroon ding parang mga mini park, garden, playground at madami pa.

Nandito ako ngayon sa isang malaking pond na may bridge sa gitna, dito na lang siguro muna ako tatambay habang wala pa sila.

Pinapanuod ko lang yung mga isda na lumalangoy-langoy ng makadinig ako na parang may humuhuni.

Hinanap ko kung saan nanggaling ang tunog na iyon, galing sa isang ibon. Nagningning ang mga mata ko, hindi lang ito basta pangkaraniwang ibon, siguro kasing laki lang siya ng tennis ball at kulay PINK pa siya at parang kumikintab pa yung balahibo niya sa tuwing tinatamaan ng araw.

Ang cute niya sobra. Tumigil siya sa paghuni ng nakita ako, lumipad siya malapit sa akin, nung hahawakan ko na dapat siya ay bigla siyang umiwas.

Nakikipaglaro yata siya sa akin, sa sobrang aliw ko nakalimutan ko ng nababagot ako kanina, makikipaglaro na lang muna ako dito sa pink bird na ito habang wala pa sila.

Please share & vote;)

Thank you.

ZhaiineyHeart

Blue Moon ( #1 War against your unknown enemy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon