Chapter 13 2nd pair of Blue eyes

46 5 0
                                    

Someone's POV

"Huy! Anong ginagawa mo dito?"

Nagulat naman ako dito sa kaibigan ko, bigla-bigla na lang sumusulpot.

"Nakakagulat ka naman. Nagpapahangin lang, ikaw bakit ka nandito?"

Umayos sya ng upo at tumabi sa akin. Nandito kasi kami sa likod ng eskwelahan. Gusto ko lang magrelax kaya pumunta ako dito.

Wala din namang madalas dumaan dito at presko pa ang hangin. Madami kasing puno, kaya nandito kami nakaupo sa ilalim nila.

"Nagpapahangin daw? Ang sabihin mo, nagmemeditate ka na naman. Bakit? Ano na naman ang nangyari at uminit ang dugo mo?"

Wala talaga akong takas dito. Porke't alam niya lang ang sekreto ko, ganyan na makaasta.

"Wala nga."

"Pare! Sa lahat ng tao ako pa talaga lolokohin mo? Bakit? lumabas na naman ba yung asul na mata mo?"

Haaay! Sa lahat naman kasi ng nilalang sa mundo, bakit ako pa ang nabiyayaan ng ganito.

"Tsk! Oo eh. Mas dumadalas ang paglabas niya, kaya pinagaaralan kong kontrolin yung emosyon ko."

Sa tuwing nagagalit kasi ako o nakakaramdam ng matinding emosyon bigla na lang lumalabas ang mga asul na mata ko.

Alam ko naman ang propesiya sa bulalakaw. Ang kinatatakot ko lang na baka pag nalaman nilang isa ako sa mga sanggol na yun na may asul na mata, baka patayin nila ako o gamitin sa masama ang kakayahan ko.

Kaya't hanggang maaari itinatago ko ito.

Kamalasan lang talaga noong isang pagkakataon na hindi ko mapigilan ang emosyon ko kaya nakita ako nitong pare ko.

Siya lang ang nakakaalam ng sikreto ko maliban kay Amang na siyang nagpalaki sa akin, mapagkakatiwalaan naman siya dahil hanggang ngayon hindi pa din niya ako sinusuplong sa kataas-taasan.

"Kaya mo yan! Ikaw pa, iwasan mo na lang yung mga tao at bagay na nagpapabago sa emosyon mo."

May mabuti din namang palang nasasabi itong pare ko.

"Sa bawat pangyayari sa buhay natin, mga problema o ano pa man, lahat ng iyon pagsubok lang para sayo. Pwedeng pagsubok lang sayo yun ni panginoong Azur, may dahilan ang lahat.
Think Positive na lang Pars! Tignan mo na lang yung positive side. Pasalamat ka pa nga at biniyayaan ka ng ganyang kapangyarihan, pasalamat ka na din at nabuhay ka sa mundong ito."

Ang lalim na naman ng mga pinagsasasabi nito. Minsan talaga may topak siya, minsan kasi napakalas mangtrip, minsan naman ganyan..nasosobrahan sa seryoso!

"Salamat pare. Ang lalim ng hugot mo ah!"

Napatawa na lang ako sakanya.

"Your welcome pars! Kaw pa, lakas mo sakin eh! Alam mo namang mahal kita eh.
PAKISS NGA!!"

Loko talaga!! Sinumpong na naman ng kabaliwan niya! Talagang pinipilit niyang ilapit iyong nguso niya sa pisngi ko.

"Lumayo ka nga! Haaist!! Nakakadiri ka!"

"Sige na pars! Isa lang please!!"

Aba't! ayaw talaga tumigil! Nakakatawa na yung itsyura niya, mukhang tanga! nakanguso pa!! hahaha

"Hahaha pare! Tigil na! mukha ka ng TANGA! hahaha"

Tumigil na siya. Pero yung tawanan namin tuloy-tuloy lang. Kulang na nga lang kabagin na kami.

"Haha oh hahaha eh di tumawa ka din. Kailangan pala magmukha pa akong tanga para maging light ang aura mo."

Nakatulong nga yung ginawa niya. Hindi nga ako makamove on eh. Mukha kasi siyang isda yung nguso niya..hahaha basta mukhang TIMANG!

"Hoy Move on na men!! tawa ka pa din dyan ng tawa!"

Tumigil na ako sa pagtawa, baka mamaya eh mapikon pa siya.

"Sige na mauna na ako. Hinahanap na ako ni Fey, sabay ka na ba pabalik?"

Mamaya na lang siguro ako babalik. Matutulog muna ako.

"Nope. I'll just stay here. Susunod na lang ako mamaya."

Tumango lang siya at naglakad na paalis.

Tama si pars, may mabuting epekto din pala sa akin itong mga mata na ito, pero hindi pa din maiaalis ang masamang epekto.

Hanggang sa kaya kong itago ang mga matang ito, itatago ko.

.

Author's Note:

Ayan! unti-unti niyo ng nakikilala ang tatlong nagtataglay ng asul na mata.

Una si Zairish Anne Constanza, pangalawa yung nabasa niyo kanina, yung pangatlo naman sa next chapter na.

Secret muna ang mga names, malalaman niyo din;)

Salamat sa pagbasa:D

Please vote & share:)
Thanks.

ZhaiineyHeart

Blue Moon ( #1 War against your unknown enemy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon