Chapter 27 Unexpected Disaster

30 2 0
                                    

Stephen's POV

Nakasakay ako ngayon sa isang Heba pabalik sa Academia, tumakas lang ako para dalawin ang isang tao. Wala naman kasing bantay kaya ok lang.

Tumigil na siya kaya bumaba na ako. Hinimas ko lang ito sa ulo at nagpasalamat saka ito tumakbo muli paalis.

Ramdam ko na yung barrier kaya ilang hakbang na lang nasa Academia na agad ako, sana walang nakapansin sa pagalis ko.

Humakbang lang ako ng isa at sa isang kurap ng mata nandito na ako sa open field ng Academia. Nakakalat ang mga estudyante, mukhang busy naman sila sa kaniya-kaniyang ginagawa kaya walang nakapansin sa bigla kong pagsulpot.

"Ah!"

Unang hakbang ko pa lang ng bigla akong natumba, tinignan ko din yung iba at halos lahat ay biglang-bigla at yung iba ay katulad kong natumba din.

Lumindol ba? Ang lakas naman nun, hindi namang pwedeng si Fey ang may gawa nun dahil masyadong malakas kahit na tumagal lamang iyon ng mga 5 segundo siguro. Medyo nahilo nga ako eh.

Tumayo na ulit ako at naglakad para alamin kung ano bang nangyayari at tinulungan ko na din yung iba na malapit sa akin na makatayo. Pero makalipas siguro ang mga 30 segundo bigla na lang humangin ng malakas.

Napatingin sa akin lahat ng estusyanteng nandito, akala siguro nila ako nagco-control ng hangin na ito.

"Hey, its not me. Wala akong ginagawa." Lumakas ng lumakas ang hangin hanggang sa hindi namin kayanin kaya napayuko ulit kami sa lupa para makaiwas sa mga bagay na nagliliparan.

"Ahh! whats happening?!"

"Stephen do something!!" Ni hindi nga ako makatayo at makadilat ng maayos kaya paano ako gagalaw.

Pinilit kung tumayo kahit kaunti lang, sinubukan kong pahinain yung hangin pero hindi ko din kinaya at natumba muli ako.

"Stephen! are you ok?" Tanong ng ilang estudyante sa akin.

"I'm alright. I'm sorry I can't stop it." Lumakas pa iyon ng lumakas kaya napakapit na din kami sa mga pwedeng kapitan.

Makalipas siguro ang isang minuto unti-unting humina yung hangin hanggang sa nawala na iyon.

Nakita ko ang paligid, napakakalat, may mga natumbang puno at nagliparang mga gamit maging yung mga benches nilipad din.

May mga nakita din akong nasugatan at umiiyak. Ano ba talagang nangyayari dito? Sinusugod ba kami? pero wala naman akong makita na mga sombrean sa paligid at imposibleng makapasok sila dito.

Tinulungan ko yung iba na sugatan at pinadala sila sa clinic, nagikot-ikot ako para icheck kung may mga nasaktan pa.

Nakasalubong ko naman sila Fey at Madzy na tumatakbo.

"Stephen, ikaw ba may gawa nun?" Tanong ni Fey sa akin.

"No! its not me and Im sure na hindi din ikaw ang may gawa ng lindol kanina." Umiling naman siya ng paulit-ulit.

"Yeah its not me."

" If its not the both of you who made that earthquake and that.. super wind? or whatever you called it, then who the hell did that?! " Hysterical naman na tanong ni Madzy.

"Hindi ko alam Madzy, baka sila Head Chief alam nila."

Blue Moon ( #1 War against your unknown enemy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon