Chapter 35 Cute Little Boy

24 3 2
                                    

Zai's POV

Papunta na sana ako ng cafeteria ng may marinig akong tugtog. Mag-isa lang ako dahil nauna na silang lahat doon may nakalimutan kasi ako sa room ni Andi kanina.

Sinundan ko ang tunog hanggang sa makaakyat ako sa second floor ng isang building. Hindi ko pa alam ang mga names ng building dito at mukhang naliligaw na ako, hindi ko pa man din alam kung paano bumalik.

Makapagtanong na nga lang kapag may nakasalubong akong estudyante.

Mukhang nanggagaling yung magandang tunog na naririnig ko doon sa pinakadulo na room. Dahil kinain ako ng kuryosidad ko kahit parang medyo nakakatakot dahil medyo may kadiliman doon sa dulo ay tumuloy pa din ako.

Bukas ang pinto kaya pumasok na ako ng diretsyo. Ang naabutan ko ay isang batang lalaki, siguro mga nasa 6 years old pa lang siya.

Nakaupo siya sa isang lamesa habang nakayuko at may nakalagay sa bibig niya. Ano yun?

Alam ko na! Harmonica yata ang tawag sa instrumento na iyon. Yung hahawakan mo lang siya at hihipan-hipan, parectangle iyon.

Siya pala ang gumagawa ng tunog na iyon. Ang ganda sa pandinig, nakakarelax ng pakiramdam.

Parang medyo inaantok tuloy ako, feeling ko nanghihina ako at napapapikit na ang mga mata ko.

*BLAG!*

Bigla akong bumalik sa reyalidad ng makatabig ako ng kung ano sa gilid na nakagawa ng malakas na ingay.

"Ah!" Napaluhod ako at napahawak sa tenga ko. Bigla kasing tuminis yung tunog na parang nawala sa tono.

"Who's there? Hey! are you ok?" Nilapitan ako nung bata. Ngayon ko lang nakita ang mukha niya at sobrang cute niya! Grabe! mas cute pa siya kila V. Ang gwapo din pala niya! Ay! child abuse na yata ako.

"Your bleeding! I'm so sorry!" Ha? ano daw? bleeding?

Kumuha siya ng panyo sa bulsa niya at pinunasan ako sa bandang tenga. Ang sweet naman pero teka bakit may dugo yung panyo?!

Kinapa ko yung tenga ko at may kaunti pang dugo akong nahawakan. Magpa-panic na sana ako dahil nakakita ako ng dugo pero bigla niyang hinatak ang kamay ko at pinunasan iyon.

Nilinis niya din yung natirang dugo sa tenga at gilid ng mukha ko. Ako naman si ewan, speechless lang at nakatunganga.

"Its done! I'm really sorry, I didn't meant it. I didn't know that someone is here." Ang cute cute naman ng boses niya! pero parang ang matured naman niya magsalita. Naka-pout pa siya at medyo namumula-mula ang cheeks niyang matataba ang sarap pisilin. Kakagigil!

"Its ok. Wala ka namang kasalanan kung bigla na lang nagdugo ang tenga ko." I smiled at him para hindi na siya magaalala at malungkot.

"Its because of me. Sorry po talaga. I just lost my concentration kaya po nasaktan kita. Sorry, sorry, sorry, sorry." Paiyak na siya kaya medyo nataranta ako, niyakap ko na lang siya at binuhat. Hindi naman siya ganoon kabigat tama lang.

"Ssssh! Its ok, wag ka na umiyak. Ano nga palang name mo cute little boy?" Iniupo ko siya sa ibabaw ng mesa kung saan siya nakapuwesto kanina.

Blue Moon ( #1 War against your unknown enemy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon