Chapter 36 Water

14 2 0
                                    

Zai's POV

"Hindi ko talaga kaya!" Iiyak na talaga ako. Ano ba kasing dapat kong gawin para mapagana ko kahit na ano lang sa mga powers ko.

"Concentrate!" Sabay-sabay na sigaw nila Andi, Ken, Sab at V sa akin. Nauubusan na din siguro sila ng pasensya sakin.

For your information lang, nandito po kami sa isa sa mga practice gym ng Academia, mga limang oras na siguro kami dito. Kailangang matutunan kong gamitin kahit kaunti lang ang kapangyarihan ko. Para hindi naman ako magmukhang engot.

"Sige na Babes! kahit magpalutang ka lang ng tubig, pwede na yun."

"Hindi ko nga talaga alam kung paano." Nauubusan na ako ng naiisip na paraan.

"Just concentrate! Lets do this again. Calm your mind, relax at isipin mo lang ang gusto mong mangyari. Concentrate on water, Zai. Pakinggan mo kung anong nasa loob mo." Seryosong paalala sakin ni Andi.

Ok. Isa pang subok. Sana gumana na talaga. Kaya ko to! Aja!

Lumayo ako sakanila para mas makapagconcentrate ng maayos. Umupo ako sa sahig sa pinakagitna ng gym.

I closed my eyes and tried to relax myself. Breath in, breath out, breath in, breath out, breath in, breath out......

Concentrate on water, Zai. Water, liquid. Water.... Bulong ko sa sarili ko.

Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakaupo at nakapikit dito. Buti nga at hindi pa ako nakakatulog, pero ewan ko lang. Malay ko ba kung tulog na pala ako at nananaginip na.

Biglang gumaan ang pakiramdam ko. Parang sobrang at ease at payapa ng lahat. Siguro ito na ang tamang oras.

Katulad ng sinabi ni Andi isipin ko lang kung ano gusto ko at magagawa ko iyon.

Inisip ko ang tubig. Isang ilog na may malinis at dumadaloy na tubig. Napangiti ako sa naiisip ko. Wala naman sigurong masama. Iniimagine ko lang naman lahat ng ito.

Nagpalutang ako ng tubig galing sa ilog. Kasabay ng paggalaw at wasiwas ng kamay ko ang pagsayaw at pagdaloy nito sa ere.

Ang ganda! grabe! kung sana lang ay nagagawa ko din ito sa totoong buhay edi ang saya!

Dahil sa nalilibang na din ako, naisip ko na subukan ko kayang magpaulan? Lulubusin ko na ang pagkakataon na ito, sa panaginip ko na nga lang nagagawa eh.

Tumingala ako sa langit at ikinalat sa itaas yung mga tubig na pinaglalaruan ko kanina. Bumilang ako ng tatlo at sinimulang magpaulan sa paligid ng dahan-dahan ng....

"What the-! Zai?!" Bigla akong napadilat at napalingon sakanila dahil sa sigaw ni Andi. Kasabay ng paglingon ko ang biglaang pagbagsak ng tubig. Basa kaming lahat. Pakiramdam ko binuhusan ako ng isang timbang tubig ng diretsyo.

Hindi ko na pinansin yung mga reaksyon nila. Ako ba may gawa nun?

"Anong ginawa ko?" Wala sa sariling tanong ko. Nagulat ako ng biglang nasa harapan ko na si Ken na basang-basa at niyakap ako.

"Finally! Nagawa mo din! I can't believe it! It was totally amazing especially when you made that water floats, you look like a water bender, Babes! I'm so proud of you!" Dire-diretsyo niyang sinabi habang nakayakap pa din sa akin. While me? speechless.

All the time, I thought I was dreaming. I was just imagining things playfully.

Hindi ko akalaing ginagawa ko pala talaga iyon. Grabe! grabe lang! Napangiti na din ako at napatalon sa tuwa, dinamayan naman ako nila Ken, Sab at V sa pagtatalon habang pumapalakpak pa sa tuwa.

"Congrats!Congrats!Congrats!" Sabay-sabay na bati nila sa akin. Naputol ang pagce-celebrate namin ng biglang sumingit si Andi. Ngayon ko lang siya napansin, haha Sorry naman, masyado na kasi akong na-overwhelmed.

"Well, congrats Zai." She smiled at me shortly then nagpalit agad ang mood niya, parang inis na naiirita na sya ngayon.

"Enough of that celebration! Baka gusto niyo munang magpalit tayo ng mga damit? Remember BASA tayo diba?" Pinagdiinan talaga niya yung word na 'basa' while na nakatitig sakin ng matalim.

"Good idea yan! Tara na Babes, baka may magpalit anyo pa dito ng wala sa oras." Hinatak na ako palabas ni Ken ng practice gym para makaiwas kay Andi. Thanks to him! haha

Makapagpalit na nga at mukha na kaming mga basang sisiw.

-------------

Blue Moon ( #1 War against your unknown enemy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon