Chapter 6: New Objective

9.3K 219 2
                                        

"You were not meant for a mundane or mediocre life!"- Steve Maraboli

----------------------------------------------------------------------------------------------X

(AMTAMB) Chapter 6: New Objective

AQUA

"Ate kakatapos lang po ng debut ko aalis na kayo agad?" Napatigil ako sa ginagawa kong pag-impake at humarap kay Emily. Agad ko siyang nilapitan at niyakap saka bumulong sa tenga niya.

"Aalis muna si ate, kailangan niya kasing tapusin yung work niya doon. Pero hayaan mo kapag ayos na ang lahat, tatagal ulit ako dito sa pinas kasama kayo." Niyakap ako ng mahigpit ni Emily at saka umiyak sa may balikat ko.

"Sabi mo yan ate ha? Babalik ka." Napangiti na lamang ako at saka tumango at marahang hinaplos ang buhok ng kapatid ko. "Pangako."

Andito ako ngayon sa Airport at hindi na ako nag abala pa na magpahatid sa pamilya ko. Si Emily lang ang nakaka-alam na babalik ulit ako sa amerika. Alam kong magwawala nanaman si Victoria dahil hindi niya alam na aalis ako palibhasa ay hindi pa siya nagigising. Dumiretso na ako kung saan tinawag ang flight ko saka inayos ang shoulder bag ko. 

Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang maalala ang nangyari kagabi,

"Ate?" narinig kong sabi ni Emily saka kumatok sa pintuan. Kakatapos ko lang mag ayos para matulog dahil napagod ako sa debut kanina

"Yes? Hindi ka ba pagod at ba't gising ka pa?" tanong ko nang buksan ang pintuan ng kwarto ko

"Anong nangyari kanina? Noong muntik na akong makidnap? Niligtas mo ba ako ate?" Sunod sunod ang tanong niya

Ngumiti lang ako saka siya niyakap, "Gusto kong kalimutan mo na yon dahil ayaw kitang mag alala. Ang mahalaga ay ligtas ka at huwag kang mangamba dahil proprotektahan ko kayo."  sabi ko habang hinahaplos ang buhok niya upang mapakalma siya

Agad akong bumaba sa plane at nagtungo sa sasakyang naghihintay sa akin. Medyo nagkaroon din ako ng jetlag dahil sa tinding pagod kaya agad akong umdlip pagkarating ko palang sa kwarto ko.

Lumipas ang oras at hindi ko namalayan na gabi na pala, saka ko lang nakita ang 46 missed calls ni Lami kaya agad ko itong tinawagan pabalik.

"Buti naman at ikaw ang nag insist ng tawag ngayon." Saracastic niyang sabi kaya naman tumikim ako para naman malaman niyang wala ako sa mood para makipagbiruan.

"Ay hehe sabi ko nga buti at napatawag ka. Hindi mo sinabi na nauna ka palang bumyahe, by the way kadadating ko lang at pinapatawag ka daw ni boss, hindi mo daw kasi sinasagot mga tawag niya." Tinignan ko naman ang call logs ko at nakita ko nga ang 12 missed calls ng hukluban na 'yun.

"Ge." Agad kong ibinababa ang cellphone ko at nagpunta sa banyo upang mag-shower at pagkatapos ay nagpalit na ako ng damit ko at nagpunta na sa opisina ni boss. Kumatok muna ako bago pumasok.

"Come in." Pumasok na ako at agad na tumayo sa harap ng desk niya. Tinignan ko nalang ito ng malamig at blangko dahil tuwing nakikita ko siya ay naiinis ako sa presensya niya.

"Here's your new objective." Kinuha ko naman ang folder na pinatong niya sa desk ko at binasa iyon. Agad naman napakunot ang noo ko ng mabasa ko agad ang unang nahagip ng mga mata ko.

"Flegenhiemer Corp?" Napangiti naman ng nakakaloko ang matanda ng banggitin ko ito. 

"Ikaw ang pinakamagaling na assassin na na-train Reene at ni isang misyon ay hindi mo ako binigo ngunit ngayon bibigyan kita ng mabigat na misyon at siguraduhin mo lang na sa oras na 'to ay hindi mo ako bibiguhin."

Accidentally Married to a Mafia Boss (REVISING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon