Chapter 27 (Part 1)

3.4K 93 5
                                    

Aqua POV

"Fuck wife. You're kidding me right?" Napatayo si Dylan sa kinauupuan niya.

"Why? May iba pa bang rason para magsama tayo huh? Damn it! Nakuha mo na ang mana mo! Hindi ba't yun lang ang habol mo? Kung bakit tayo ikinasal? So I want a divorce! Hindi ba't yun din ang sinabi mo? After 1 year, magdidivorce tayo. Pinaaga ko lang." Dire-diretsong sabi ko sakanya, gusto ko ng umalis, ayoko nang  makita siya, ayoko ng patagalin to.

Tumalikod na ko saka sinimulang maglakad pero biglang may humawak sa braso ko, "Wife.." tumigil muna ako sandali, "No, please. Let's talk about this. Yes I know, noong una, ang mamanahin ko lang ang gusto kong makuha, but now.."

Padabog akong hinarap siya, ayokong makarinig ng mga salitang magpapahina sakin. "Stop it. My decision is final, and one more thing..." mas lalong humigpit ang pagkuyom ko sa kamay ko, "tama na ang pagpapapatay mo sa mga boss namin." Dirediretso na kong naglakad palabas at sumakay sa motor ko.

Flashback

"Ano nanaman ba ang tungkol sakanya?dalawa g ko kahit na kinakabahan ako kung ano man ang misyong to. Ngayon lang ako ulit kabahan ng ganito.

"Hiwalayan mo siya." napatigil ako sa narinig ko.

Nahihibang na ba siya? Sa pagkakaalam ko, walang kinalaman si Dylan sa pagiging assassin ko.

"Kung sinasabi mong walang connection si Mr. Flegenhiemer sa grupo, nagkakamali ka, siya amg nagpapapatay ng mga umunang boss niyo, hindi lang unang beses kundi pangatlo, kanina, kanina lang din namatay ang boss niyo na kakakilala niyo lang kahapon. Eto ang pruweba"

Pinindot niya ang remote sa tabi niya at nagpakita ang isang video sa isang screen, kitang kita ko kung paano barilin ni Dylan ng walang kahirap hirap ang mga nakaraang boss namin.

Flegenhiemer, ano bang problema mo?

"So I'm giving you two options, Hiwalayan mo siya at ibabalik ko sayo ang batang hinahanap mo, O ipagpapatuloy mo ang pagiging Ms. Flegenhiemer at mamamatay ang bata."

Fuck? Siya ang kumuha kay Austin? Tangina.

"I know misyon mo si Mr. Dylan Flegenhiemer, pero patay na ang boss mong nagbigay sayo ng misyon, kaya pwede yong buwagin, ang importante ay ang misyon mo ngayon."

Hindi na ko makapagsalita sa sinasabi niya. Sino ba siya? ang dami niyang alaam. damn.

"I'm giving you until tommorow to do your mission. Goodluck."

Nalaman ko na ang lahat lahat, at ginawa ko to para kay Austin, para sa batang hindi ko naman kaano ano, ni hindi ko kadugo pero bakit? bakit sobrang lapit sa puso ko?

-

Dumiretso na ako sa hideout at naabutan ko si Zed at Min doon nannatutulog. Dineretso ko sa office ng boss namin bago pa ko kumatok ay bumukas na ang pintuan, "Ang bilis mo namang magdesisyon?" nakangising tanong niya.

Fuckyou.

"I already asked for divorce. Now, nasaan si Austin?"

"I need a proof, kaylangan kong makita na nagdivorce na talaga kayo. Don't worry Reene. Safe ang bata."

"Give me two days para maayos ang divorce namin."

"Sure take your time."

Sumama ang tingin ko sakanya saka tumalikod at lumabas ng opisina niya.

20 Missed Calls
15 New Messages

18 Missed Calls at 10 Messages galing kay Dylan at dalawang missed calls at 5 messages galing kay buntis.

Hinayaan ko nalang yon at tinawagan si Lami.

Sa pangatlong ring neto ay sinagot na niya ang tawag, "Asikasuhin mo ang papers namin ni Austin. I need it in two days"

Accidentally Married to a Mafia Boss (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon