Chapter 44: Reunite

1.8K 57 9
                                        

"I think we dream so we don't have to be apart so long. If we're in each other's dreams, we can play together all night." —Bill Watterson

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------X

(AMTMB) Chapter 44: Reunite

AQUA

"What time is it?" Pagbabasag ko ng katahimikan, matapos niyang sabihin sakin ang mga nangyari five days ago hindi na ako nakapagsalita, I became speechless.

Nakaupo lang siya sa upuang nasa tabi ng kamang hinihigaan ko at nakatingin sa may bintana.

Nakilala niya rin si Austin, I was thinking, ano ang naging reaksyon niya ng malamang pinakasalan niya ang babaeng nagkaroon ng anak because of a stupid one night stand?

"It's almost 3 in the afternoon. Don't worry, Min's gonna fetch Austin at idederetso niya rito. You should get some rest, paparating na ang doctor." He said in a monotone, not even looking at me.

"No need, I think okay na-" Hindi ko na natuloy ang nasabi ko nang biglang hawakan ni Dylan ang kamay ko dahil sinubukan kong alisin ang dextrose na nakakabit sakin. Sa tingin ko naman ay okay na ako kaya hindi na kailangan 'to.

He just stared at me while holding my hands. After 5 years, I saw those cold green eyes again, imbis na matakot ako sa tingin niya ay lumakas lang ang kabog ng dibdib ko.

"You didn't change, you're still my hard headed aqua." Napabuntong hininga siya at inayos niya ang tape na nakakabit sa dextrose ko dahil sa pagtanggal ko kanina. MY hard headed aqua? Did I hear it right? 

For the third time, napatahimik lang ako. Hell! I can't compose something in my mind!

"Please rest, don't make me worry again." He looked at me again and smiled. Hinaplos niya ang kamay ko saka tumayo at lumabas na nang kwarto.

What was that? What's with your words Dylan Flegenhiemer? It's not like we're still married!

Nakatulala lang ako nang biglang pumasok sa isip ko ang nangyari noong kasal, it's impossible to say that they just chose a random person to kidnap that happens to be me.

Kelangan kong matanong si Dylan kung may nalalaman ba siya dito. I need to kill that bastard who tried to kidnap me, shete muntik pa akong mamatay sa ginawa niya.


"Hey! Shut up! Mommy might wake up!" Naalimpungatan ako sa ingay na naririnig ko sa paligid. Siguro ay dalawang oras na akong tulog. Masakit parin ang ulo ko tsaka ramdam ko paring nanghihina ako pero sa tingin ko ay makakaya ko ng tumayo hindi tulad kanina.

"Hey austin! Sisihin mo ang tito pogi mong unggoy!" 

"Ikaw pikon dyan ako pa sisisihin?!"

Napailang ako sa narinig ko, Victoria and Chris huh?

Napadaing ako nang igalaw ko ang katawan ko dahil lalong sumakit ang ulo ko kaya lahat sila ay napatingin saakin. Si Austin, Victoria, Chris at Min.

"Mommy!" Tumingin ako sa nasa tabi ko, my baby. Nakahawak siya sa kamay ko ngayon, ang mga mata niya ay nakatingin saakin na parang paiyak na.

"Hi baby." Ngumiti ako sakanya tsaka ginulo ang buhok niya, "I'm okay now. Sorry for making you worry." I assured him, nang malaman kong umiyak siya noong una niya akong nakita sa kinwento ni Dylan ay nasaktan ako. Austin is too young to see me in this kind of situation, kaya noon ay hindi na ako nagdalawang isip kundi umalis sa grupo para sa ikabubuti ni Austin.

Accidentally Married to a Mafia Boss (REVISING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon