Chapter 34

4K 88 24
                                        

AQUA

Nakatulala ako ngayon sa office ko. Hindi ko inaasahan ang pangyayaring naganap kanina sa meeting

Kahit na kabado parin ako ay tinuloy ko paring pumunta sa meeting dahil possibleng mapapagalitan ako at malaki ang mababawas saamin lalo na kung mas mataas ang kliyente namin kesa saamin.

Pagkapasok ko ay lumuwa ang mukha ni Chris. Christopher Castellano. Fucking hell.

5 years. Mas naging mature ang mukha nito at mas lumaki ang kanyang katawan.

Shit, so tell me, how am I going to deal with this?

Napatingin siya sakin saka ngumiti, ngumiti nalang din ako pabalik. Pinakalma ko ang sarili ko. Be professional. Ngumiti ako pabalik nagkunwaring parang ngayon lang kami nagkakilala

"Good afternoon, Mr..?" Sabi ko at iniabot ang aking kamay

"Castellano" ani niya saka ngumiti at inabot ang aking kamay

"Mr. Castellano, by the way I'm Aqua Reene Kastell, vice president of KSL Corporation, sorry to say that the Chairman is currently having his business trip in Thailand so he take me incharge of this meeting. So may we take our seat?"

"Sure" sabi niya saka ngumiti

"So we found out Ms. Kastell that this past two months bumaba ng 20 percent ang rate niyo sa sales and to be honest malaking kawalan ito sainyo."

Oo totoo, at ngayon malaki ang posibilidad na mas bumaba ito ng 30 percent dahil sa sunod sunod na nagsisialisan partnership namin sa iba't ibang kompanya, yung iba naman ay namamatay ang mga may ari at tuluyan ring nalulugi ang kanilang kompanya

Kaya rin nasa thailand ngayon si Dad upang kausapin ang isa sa CEO ng isa sa nasa top ratings na kompanya sa bansang iyon.

"Hindi rin natin maikakaila, pag nagpatuloy ang pagbaba ng ratings niyo, malaki ang posibilidad na malugi ang inyong kompanya" pagtutuloy niya.

"So your point is?"

"We wanted to have a partnership with you. 50 percent ng shares namin ang ibibigay namin sainyo" sabi niya saka ngumiti at ibinigay sakin ang mga papeles

"Why our company? What can you expect from out company? Tuloy tuloy ang pagbabawas neto at sabi mo nga ay may posibilidad itong malugi." Pagtataka ko. Tama naman. Bakit ang kompanya namin?

"Simple. We wanted to help your company because we knew that once na mabalik ito sa dati malaki ang magiging epekto nito sa kompanya namin."

"What company is this again?"

Impossibleng may sariling kompanya si Christopher?

Ngumiti muna siya at sinabing, "Flegenheimer Corporation"

Oh shit

So now, hindi ko alam ag gagawin ko o iisipin. Pag tinganggihan ko ang offer at malalaman ito ni Dad ay sobra ang galit na makukuha ko dito.

Sinabihan ko si Chris na magset ulit ng appointment after a week dahil kaylangan pa munang kausapin ang chairman at ayon nga pumayag siya.

Pero maraming tanong ang nasa isip ko

Paano nangyari iyon? Hindi nila kilala si Flegenheimer. Paano sila nakasali sa grupo nila? Paano ang grupo namin? Paano? Fuck. Maayos na ang buhay ko. Umaayos na ang pamamalakad kp ng kompanya. Ang dami ko ng iniisip at pinaplanong solusyun at ngayon bigla lang silang susulpot ng parang kabute na nagbibigay ng tulong.

At paano nila nalaman ang tuluyang pagbaba ng rating ng kompanya? Ibig sabihin pinapaembestigahan nila ang kompanya?

ARGH!

-

"Mommy kanina pa po kita kinakausap. Wala ka naman pong balak makinig sakin e. Doon na ngalang po ako kay Tita tori magkwento" natauhan ako sa sinabi ng anak ko at nakita kong akmang aalis na siya kasama ang plato niya na may lamang pagkain na niluto ko pero pinigilan ko siya. Alam kong pupunta nanaman to sa kabila

"Sorry baby, ano nga ulit 'yon?" Paglalambing ko sakanya

"Hindi ka naman nakikinig mommy eh!" Naka pout na sabi niya sakin, tinignan ko siya at biglang rumihestro sa utak ko si Dylan. What? No!

Niyakap ko nalang ang anak ko saka ngumiti. "Sorry na baby"

Ipinagpatuloy lang niyang kumain, at pagkatapos non ay hinugasan ko na ang pinagkainan niya at naabutan ko siyang natutulog sa sala na nakaopen ang tv.

Iniayos ko nalang ang higa niya dahil hindi ko na rin siya mabuhat papunta sa kwarto niya dahil ang laki laki na niya.

Itong anak ko, kailan niya kaya makikilala ang tatay niya. Dahil maski ako hindi ko rin kilala at maalala kung sino ang tatay ng anak ko.

11 years. 11 years na walang tatay. Naawa ako sa anak ko. Hindi niya manlang magawang makilala ang tatay niya pero nagpapasalamat parin ako na naiintindihan niya ang mga pangyayari dahil sa tuwing tinatanong niya kung saan ang daddy niya sinasabi kong busy siya at balang araw ay makikilala niya rin ang tatay niya.

CHRISTOPHER

"How was it?" Tanong ng boss namin. Yeah our boss, Dylan Flegenheimer.

"After a week magkakaron ulit ng meeting dahil pagiisipan pa raw nito at kaylangang ipaalam sa chairman." Sagot ko. Napansin kong biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, parang nairita. Gwapo naman tong boss namin, kaso mas gwapo talaga ako. Haay

"Tch. Wala pa rin siyang pinagbago"

"Ako na po ba ulit ang haharap sa next meeting?" Tanong ko. Ewan ko ba dito sa boss namin ako ang iniharap niya kay Reene.

"No, I'll be the one whose going to handle this. You may leave." Tumango lang ako saka tuluyang umalis ng opisina niya.

Five years. Five years na kaming nagsisilbi sakanya,

"Finally, I've been waiting for you to come and maybe the right time has come."

Tumingin kami sa gawi ng nagsalita, it was Mr. Flegenheimer. Oo kilala namin siya ni Lami. Naibigay siya bilang isang misyon namin noon pero pagkatapos non ay namatay ang boss namin kaya napawalang bisa iyon. Pero bakit siya? Sino ba siya?

"Oh, I'm sorry to ruin your moment but anyway welcome to the group."

Nagtaka kaming lahat, biglang kinasa ni Kris ang baril niya saka tinutok kay Flegenheimer

"Sino ka?!" Galit na galit ito, baka na rin dahil sa nangyari kanina

Tumawa siya ng bahayga, "Easy. I'm about to introduce myself. I'm Dylan Flegenheimer. Owner of the Flegenheimer Corporation, and you know what? I already owned your group, in fact I am your new boss pero ang mangyayari'y mawawala na ang grupo niyo. So you don't have a choice. Want to live? Then go on with my plan." Ngumiti ito at isa isang nagsilabasan ang mga tauhan niyang nakahawak ng baril at lahat ito'y nakatutok saamin na unabot hanggang isang daan. Putakte! Ano ba tong pinasok namin? Tunganga lang kaming lahat dito pero si Kris ibinaba na niya ang baril niya.

Bakla ang pota.

"But then, I don't wanna kill the people who is so important to my ex-wife"

Nakakunot ang noo naming lahat sa sinabi niya. Sinong ex-wife?

"--Aqua Reene Kastell." Pagtutuloy niya at lahat kami ay napatanga sa sinabi niya at ang sunod lamang na narinig ko ay tunog nanggaling sa cellphone namin ni Zed

"You have been slain"

---------------------

So hello guys! Hahaha after 1 year ulit akong nakapagupdate. Ngayon lang din ako nagopen ng wattpad at aaminin kong binasa ko ulit ang sarili kong story dahil nakalimutan ko na rin HAHAHA so baka yung mga plano ko noon tungkol sa story ay mapapalitan.

2019 na guys! Tatapusin ko na ang story na to. PROMISE! HAHAHAHA

Sorry for the long wait! Loveyouuuu!

-Stick

Accidentally Married to a Mafia Boss (REVISING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon