"How ridiculous and how strange to be surprised at anything which happens in life."- Marcus Aurelius
------------------------------------------------------------------------------------------------X
(AMTMB) Chapter 7: Dylan Flegenhiemer
AQUA
"Hello Reene!" I let them call me from my screen name and not for my real name, and besides they don't know my real option.
"Hey Scarlett." Andito kami ngayon sa isang coffee shop at nakasuot lamang ako ng Raybean glasses at nakatakip ang muka ko sa isang magazine para walang makakilala sa akin ng kung sino man ang umaaligid ngayon na kalaban.
"May tinataguan ka ate?" takang tanong niya at tumingin pa sa kabuuan ko, bakit ba? bawal bang mag glasses dito sa loob ng cafe?
"Wala, maupo ka na." Blangko kong sabi at dahil doon ay agad siyang napa-upo at agad na umorder ng kape, napailing na lamang ako ng alukin niya ako.
"Ang payat mo ate, pati ba naman kape ayaw mo din? Ibang klase." Hindi ko na lamang masyadong pinansin ang mga sinabi niya at saka nagsimulang magtanong sa kanya. Iyon naman talaga ang sadya ko dito eh.
"Naka uniporme ka ata ngayon ah? Saang kompanya ka pala napasok?" Tanong ko at tinitigan siya sa kanyang mata. Huling-huli ko kung paano siya magulat sa itinanong ko sa kanya kaso napawi naman agad yun pagkatapos ng mga ilang segundo.
"Ate bakit po?" Balik niyang tanong at palihim nalang akong napa-ngisi, mahirap bang tanong yun? Kung sabagay baka nga may itinatago siya na hindi ko alam.
"Wala, bawal bang tanungin?" Sagot ko at nagbasa muli sa hawak kong magazine, humigop muna siya ng kanyang kape at sumubo ng isang pirasong cupcake bago nagsalita.
"Sa Flegenhiemer's po ate." Agad kong ibinaba ang hawak kong magazine at napa-upo ng maayos sa sagot niya. Hindi ko nalang pinahalata na nabigla ako at umaktong normal sa harap niya.
"Aaah, so ano naman postion mo sa trabaho?" Tanong ko sabay kuha ng salamin ko sa bag at binuksan ito, hindi upang magsalamin kundi tignan kung sino ang kanina pang nagmamasid mula sa likuran ko.
"Secretary po." Muli kong pinasadhan ng tingin ang lalaking naka-itim sa tapat ng Cafe shop, nang mapansin niyang kanina ko pa ito tinitignan ay agad siyang umalis kaya napangisi na lamang ako at agad na inayos ang gamit ko.
"Ahh ganun ba? Mauna na muna ako sa'yo, may kailangan pa kasi akong puntahan eh." Wika ko at saka umalis sa shop at palihim na sinundan ang lalaki kanina. Mas binilisan ko pang maglakad ng agad ko siyang mamataan papasok sa isang eskinita kaya agad ko itong sinundan.
Andito ako ngayon sa harap ng pintuan kung saan ko siya nakitang pumasok kanina, ngumiti na lamang ako ng nakakaloko at saka hinila ang isang staff at iniharap sa pinto. Bumulong ako dito ng mahina lamang.
"Katukin mo ang pinto kung ayaw mong ako mismo ang tumapos sa buhay mo." Dahil na din sa nginig at kilabot ay agad niya itong binuksan at tulad ng inaasahan ko ay agad nasaksak ang dalagang staff sa tagiliran at biglang nawalan ng malay.
Lumabas naman agad ako at mabilis na inagaw ang kutsilyo sa lalaking naka-itim at mabilis na puma-ikot hanggang sa hapit ko na siya sa leeg habang nakatutok ang kutsilyo dito.
"Pwede na kitang tapusin ngayon sa kinatatayuan mo. Kaso sagutin mo muna ang tanong ko." Mas lalo ko hinigpitan ang pagkakahapit ko sa leeg niya kaso wala ata siyang balak sumagot kaya agad ko itong tinamaan ng malakas sa leeg kaya naman agad itong nahimatay.
Umalis na lamang ako doon at bahala na ang mga kasama kong mag-ayos ng mga kalat doon. Agad akong pumasok sa kotse ko at sinimulang patakbuhin ito papauwi. Humarap agad ako sa salamin at para bang baliw na kinakausap ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Accidentally Married to a Mafia Boss (REVISING)
General FictionIn just one swift move...I'm already married to a Mafia boss