"When your own life is threatened, your sense of empathy is blunted by a terrible, selfish hunger for survival." -Yann Martel
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------X
LAMI
"Wala ba kayong balak magsalita?" Inis na tanong ng kambal ko sa mga hostage namin. Sampu silang lahat na nakatali sa harap namin. Si sir Dylan ay nasa dulo lang at nakaupo, nagmamasid.
"Tauhan ba kayo ng Blaq?" tanong ko at idinuro ang baseball bat sa isang kasama nila. Hindi naman ito umimik. Ugh! Nas-stress ang kagandahan ko rito!
Kanina apa namin sila kinakausap pero ni isa sakanila ay walang umiimik.
"Boss. Wala din ata tayong makukuha dito sa mga gunggung na 'to." Sabat ni Min at tinignan si Sir Dylan.
Tumingin lang siya saamin tsaka tumayo. Isa isa niyang tinignan ang mga hostage namin saka tumango saamin bago umalis ng hideout.
"Kayo na bahala dyan at nagugutom ako." Sabi ko at umalis na. Pagkaalis ko naman ay sunod sunod akong nakarinig ng putok ng baril. Mga walang kwenta.
Sunod sunod padin ang threats na nakukuha namin kaya kailangan na naming mag ingat sa lahat ng kilos namin, lalo na ako at may bata sa sinapupunan ko kaya naman hindi na muna ako sumasama sa mga misyon nila.
Sumakay na ako ng sasakyan ko at itinext si Zed kung saan kami magkikita.
Inistart ko na ang sasakyan ko at nagtungo sa pupuntahan ko, 5 minutes na akong nagdridrive nang biglang nanlamig ang katawan ko.
Fuck.
Inaapakan ko ang brake ng sasakyan ko pero hindi ito gumagana! Nanginginig akong tinawagan ang asawa ko. This can't be happening.
"H-help me.." sambit ko pagkasagot niya ng tawag.
Dire-diretso lang ang pagdridrive ko at nararamdaman kong pabilis ng pabilis ang kotse ko at nawawalan ako ng kontrol dito.
[What? Babe, anong nangyari? Nasaan ka?] Pag-aalala niya.
Hindi ako makasagot, ang dami kong iniisip, ang anak ko..
Inabot ko ang unan na nasa likod at inilagay sa tyan ko.
[I got your location. Papunta na ako diyan. Babe, what happened?]
Sunod sunod ang patak ng luha ko. Please, no.
[Hey.. Lami? Answer me please.]
Natanaw ko ang red light at ang tuloy tuloy na pagtawid ng mga estudyante. Wala na akong choice kundi igilid ang sasakyan ko bago ko pa mabangga ang mga inosenteng tao.
I hugged myself as soon as possible and I felt my body getting numb from the impact.
"Call 911!" Rinig ko ang panic ng mga tao sa paligid ko.
Please save my baby.
AQUA
"Good Morning Ma'am! Coffee?"
"Yes please, and send me my schedule for today." I told my secretary before entering my office. Kakatapos ko lang ihatid si Austin sa school ay dumiretso na ako sa kompanya.
I can feel that our company will grow back within 6 months since recently rumarami na ang investors na bumabalik and surprisingly may mga bagong nagiinvest ng malalaki.
As I was scanning my documents for our new hotel in Visayas ay pumasok ang secretary kong may dalang kape at paper bag na hindi ko alam kung saan galing. Wala naman ata akong inorder?
BINABASA MO ANG
Accidentally Married to a Mafia Boss (REVISING)
Fiksi UmumIn just one swift move...I'm already married to a Mafia boss
