CHRISTOPHER
Alam rin namin na ikinasal silang dalawa ni Reene at bago pa umalis si Reene ay nagfile na ito ng Divorce at mabilis itong napawalang bisa dahil peke ang kasal.
Iyon lamang ang sinabi niya tungkol sakanila ni Reene at wala ng iba
Pangalawang araw na rin namin dito sa mansion na sinabi ni Dylan na iyon na ang hide out namin. Hindi na rin kami bumalik sa dating mansyon dahil sabi ng Boss ay may mga bago kaming gamit ay siya na ang bahala 'don
"Ayos! Ang daming armas naman nito!" Masiglang sabi ni Zed at masaya ring nangengealam sina Lami at Kris.
Kakarating lang ng mga armas at napatingin rin ako roon, ang dami nga talaga. Pero mas marami pa dito ang mga babaeng may gusto sakin. Tsk
Tinignan ko ito isa isa, puro bago at mga high class talaga. Ayos! Iba't ibang klase ng Sniper, Pistol, Machine gun at iba pa. Mayroon ring mga iba't ibang klase ng Bomba na malalaman mong galing sa US at Japan. Mga iba't ibang klase rin ng kutsilyo ang naroon, Blade knife, Throwing knife at iba pa. Doon pinakamagaling si Reene kaya kahit na wala siyang dalang baril, isang kutsilyo lang ay kaya na niyang magpatumba ng isang dosenang tao.
Nalaman din namin ang sitwasyon ni Min, ngunit hanggang ngayon ay di parin siya mapatawad ng fiance niyang si Annika
Masasabi kong naging spy si Min sa aming grupo ngunit sa ibang dahilan, una siyang nirecruit ng flegenhiemer, at ang misyon nito'y pabagsakin si Scarlett sa paraan na kakampi si Min dito. Maeffort din tong si Mr. Flegenhiemer dahil ginawa niya ito para kay Reene dahil si Scarlett ang isa sa laging nagdadala kay Reene sa kapahamakan.
Kaya noong panahong nahuli ni Lami si Min at Scarlett ay ang balak ni Min don ay ipunta si Scarlett sa isa sa mga mansyon ng Flegenhiemer at doon niya iprepresenta dahil gusto ni Flegenhiemer na siya mismo ang pumatay dito.
"Ang lalim naman ng iniisip mo tol?" tanong ni Zed at napansin kong kanina pa ako nakatulala
"Naisip ko lang si Reene. Di ako makapaniwalang ikinasal sila ni Bossing"
"Woah selos ka no? Bakit gusto mo na rin bang ikasal?" Pangungutya ni Zed
"Ikaw? Kelan mo balak makipagbalikan sa kakambal ko? Akala ko ba mahal mo padin? Wala ka tol! Nandun yung kakambal ko nakikipag blind date sa kano!" Pabalik na pang aasar ko sakanya tsaka siya iniwan na nakatanga
PRESENT
"Yo! Ikaw daw ang nagpresent sa kompanya nila Reene kanina. Kumusta siya?" Salubong sakin ni Zed nang pagpasok ko ng Mansyon, na pag mamay ari ni Bossing,
"Walang pinagbago gaya ng kagwapuhan ko" saad ko. Aba! Totoo namang ilang taon na ang nakalipas marami paring nagkakandarapa sa mukha ko!
"Mukha mo bulok, laos ka na tol!" pang aasar niya sakin sabay tayo na mukhang may pupuntahan, wala bang nakakatagal sa sobrang kagwapuhan ko?
BINABASA MO ANG
Accidentally Married to a Mafia Boss (REVISING)
General FictionIn just one swift move...I'm already married to a Mafia boss
