Chapter 28

3.4K 97 2
                                        

LAMI

Kinakabahan ako ngayon, magkikita kami ngayon ni Aqua at naisipan kong pumunta nalang siya dito sa condo ko.

Kahit naman may bahay kami, kung saan kaming magkapatid ang nakatira at si aqua, overall si Aqua parin ang may ari ng bahay na 'yon at mas pinili ko na rin dito kasi baka sakaling palayasin niya ako.

Maya-maya'y narinig ko ang pagbukas ng pinto at nakita ko siya, as usual na itsura niya, seryoso. Nilapitan ko siya at tsaka binigay ang isang envelop na naglalaman lahat ng papeles, kinuha naman niya ito.

"Reene, I'm sorry" sabi ko dito kasabay ng pagkakunot ng noo niya.

"Shouldn't I be the one who's going to say sorry?"

"No... alam ko na ang lahat, tungkol sa anak mo, sa pagkamatay niya. Sa lahat."

Natigilan siya sa sinabi ko, I saw her face darkened.

"Hindi mo dapat pinapakealaman ang buhay ng iba, Lami." Sumama ang tingin neto sakin at nagsimulang maglakad palabas.

Hindi ko na kaya ang ganito, huminga ako ng malalim at nagsalita, "Your son is not dead!" tumigil siya sa paglalakad pero nakatalikod parin siya. "I followed you a week ago, at nakita kitang pumunta sa isang sementeryo, nang makaalis ka tinignan ko ang binisita mo, at first I was curious dahil sino ba si Jarren sa buhay mo? That time sakto ring tinawagan ako ni Gabriella, then we met, sabi niyang iyon ang anak mong namatay 8 years ago, dahil sa nangyaring sunog sa ospital namatay siya. Reene, I was just 16 that time, sumama ako sa mga tinuring kong kaibigan, sali daw ako sa trabaho nila, sumama ako, but I was shocked, magnanakaw sila sa ospital, I was about to back out pero binantaan nila ako, napilitan akong sumama sakanila, pero minalas kami, nahuli ang iba naming kasama, nagkaroon ng putukan ng baril, hanggang sa nangyari ang sunog. Believe me Reene, hindi ko kasalanan yon, If I knew it earlier sana sinabi ko sayo... and about your son."

"He was with you the whole time, it's Austin" nasabi ko na, at nagsimula na ring tumulo ang luha ko.

"Reene," nilapitan ko siya.

"Don't.. don't touch me or come near me." malamig na sabi niya.

"Forgive m..me."  yumuko ako at lalong lumakas ang pag iyak ko.

"How would I forgive a person who almost kill me and my son? Tell me Lami? Masyado na ata akong tanga, hindi ko alam na nakasama ko pala ng limang taon ang taong nagalis ng kasiyahan ko." hindi parin ito lumilingon saakin. "Wala ka na bang sasabihin?"

"Reene." hindi ko na alam ang sasabihin ko, Masamang tao na ang tingin niya sakin, knowing Reene, mahirap magpatawad.

"Wag mo kong tinatawag sa pangalan ko, hindi na kita kilala. Kalimutan mo na ako, dahil ngayon kinalimutan na kita." pinagpatuloy lang niya ang paglalakad niya at pinanood ko lang siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Napaupo nalang ako sa sahig at ibinuhos ko na ang luha ko.

Reene, isa siya sa taong pinakaimportante sakin. Siya ang tumulong saakin noon, siya rin ang nagpasok sakin sa grupo.

Kahit na malimit siyang ngumiti pero may puso parin siya, I hope maging masaya na siya ngayon kasama ang anak niya.

"Lami" iniangat ko ang ulo ko at nakita ko si Christoffer, lumambot ang mukha niya ng makita niyang umiiyak ako, siguro kung nakita niyang umiiyak ako dahil sa lalaki pinagtatawanan niya ako, pero ngayon iba, kasi ibang tao si Aqua sa buhay ko.

"Bakit ka nandito?" tanong ko, bumaba naman siya at umupo na sa sahig, "Kakambal kita, nararamdaman ko ang nararamdaman ng kakambal ko." niyakap niya ko at nagsimula nanaman akong umiyak.

Accidentally Married to a Mafia Boss (REVISING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon