Chapter 36

2K 50 2
                                    


AQUA

"Good luck anak! Be a good boy!" kumaway ako kay Austin at bumalik na sa carpark ng eskwelahan ng may nakita lumampas na BMW sa harap ko, at nakita ko ang pamilyar na mukha ng babae, Gabriella?

Impossibleng nandito siya, at sa eskwelahan pa talaga ng mga bata?

Iniwas ko ang pagiisip na iyon, sumakay nalang ako sa kotse ko at nagtungo papunta sa kompanya. Sa loob ng limang taon masyado ko lang nilibang ang oras ko sa trabaho, at sa anak ko. Limang taon na rin ang nakalipas nung huli akong pumatay ng tao.

"Good Morning Ma'am" Tumango tango lang ako sa mga empleyadong nadadaanan ko, ganito naman ang lagi kong nararanasan pagpasok ko palang ng kompanya ay babatiin na nila ako, nagulat din ang kompanya ng ipakilala nila akong anak nila, dahol akala nila ay dadalawa lang ang anak ng mga Kastell. Okay na rin iyon saakin dahil hindi naman na ako assassin at wala ako sa states.

Inalis ko ang coat ko at ipinatong ang bag ko sa desk ko at nagsimula na akong magtrabaho

Bumukas ang pintuan at iniluwa non ang sekretarya ko, "Ma'am, may I remind you about your schedule for today, on 9 AM you will be meeting the President of Foster Incorporation, and in 11:30 AM you will have your lunch meeting with Engineer Lopez"

"How about the follow up meeting with the flegenheimers?" Isang linggo na ang nakalipas, wala parin akong nareceive na email mula sakanila

Napatingin ulit ang sekretarya ko sa note na hawak niya, "I believe the president will be in charge of the meeting since Mr. Kastell already came back from Thailand"

Napatango nalang ako, umasa ba akong makikita ko siya? No way!

"Ma'am what do you like for breakfast?" patuloy na pagtanong nito

"Just coffee" sabi ko at pinagpatuloy ang ginagawa ko sa laptop ko, isa isa akong nagmemessage sa mga kompanyang inaalok ko ng deal upang matulungan ang kompanya

11 AM na at kakatapos lang ng meeting ko kay Mr. Foster, matanda na siya at mapapansin mo ang tindig niya at sa sobrang seryoso ng kanyang ekspresyon. Nahirapan akong makumbinsi na makipagpartner siya sa kompanya, dahil sino ba namang may gusto pa ng partnership sa kompanya namin ng malamang bumababa ang sales namin, ngunit sa huli ay nakumbinsi ko rin siya at ibinigay sakanya ang kontrata dahil ichecheck pa iyon ng abogado niya.

Yeah, in doing business, you must not trust anyone.

"Shit" mahigpit ang hawak ko sa manibela ko sa sobrang traffic at isa pa, I'm fucking hungry!

Naiinis ako sa engineer na pumili ng restaurant dahil 1 hour drive to mula sa pinanggalingan ko!

11:50 na ng maipark ko ang sasakyan ko sa isang restaurant, nakita ko ang kabuoan neto, makikita mong pang mayaman ang restaurant na to dahil sa panlabas na designs niya palang, tumingala ako para makita ang pangalan ng Restaurant

Arisa

Cute,

Pumasok na ako at sumalubong saakin ang isang waitress na nakangiti, "Any reservations for today ma'am?"

Binanggit ko ang pangalang Lopez at itinuro niya ang table kung saan nakita ko ang isang lalaking nakatalikod

"Pleased to meet you Mr. Lopez, I'm Aqua Kastell, the Vice President. sorry I'm late the traffic was heavy as hell" inilahad ko ang kamay ko at bahagyang ngumiti

Tumayo siya at nakipagkamay, tumingin ako sa kabuoan niya, he is around 29 to 30 i guess, and I heard that he is a famous engineer even in other countries, nice. "Seven, Engineer Seven Lopez" Ngumiti ito pabalik at umupo na kami

Accidentally Married to a Mafia Boss (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon