Chapter 2: I'm not Languid

21.8K 354 3
                                    

Weakness of attitude becomes weakness of character - Alber Einstein

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------X

(AMTAMB) Chapter 2: I'm not Languid

AQUA

Andito ako ngayon sa isang lumang apartment habang nag iimbestiga patungkol sa nangyaring patayan dito mismo sa loob ng kwartong to, bakas pa rin ang mga nanuyong dugo rito at kapansin pansin din  ang mga nag-kalat na mga bagay na akala mo ay sinalanta ng bagyo sa sobrang gulo.

"Lumabas ka jan kung ayaw mong ako mismo ang humatak sayo jan sa pinagtataguan mo." Malamig kong sabi habang nakatingin sa hawak kong picture frame at agad agad kong itinutok ang matalim na parte ng frame sa mata ng kung sino mang tao na ngayo'y nakatayo sa likuran ko.

"Woah, Easy girl muntikan na ang beautiful eyes ko" Sabi niya habang nakataas ang pareho niyang kamay habang humahagikgik, at paano naman napunta to rito?

"Ano namang ginagawa mo dito Scarlett?" Tanong ko habang nakatitig parin sa frame, ewan ko ngunit parang pamilyar tong muka ng batang to.

"Alam mo naman binibisita ko lang ang lugar kung saan pinatay ang mga magulang ko." Agad akong napalingon sa kanya na ngayon ay inililibot ang kanyang mata sa kabuuan ng apartment.

Alam ko ang bagay na iyon, itinago siya ng kanyang magulang sa isang maleta upang hindi siya mahanap ng iba, sa pagkakaalam ko isa siya ngayong empleyado ng isang Kompanya, ako ang tumulong sa kanya upang maka-ahon ulit.

"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong niya saakin habang nakatingin sa mga bahid ng dugo sa mga dingding. Ngunit di pa ako nakakasagot ay nagsalita ulit siya.

"Sige mauna na muna ako, kailangan na ako sa kompanya." Hanggang ngayon di ko parin alam kung asang kompanya nag tra-trabaho si Scarlet ngunit nagtataka ako sa mga kilos niya at wala naman akong panahon para alamin yun dahil maraming pinapagawa yung matandang hukluban na yun.

Agad ulit ako napatingin sa kabuuan ng apartment, may iba pa akong sadya dito bukod sa patayan na naganap, sa katotohanan napatay ko sila ng hindi sinasadya, hindi ko alam ng gabing malasing ako ay nabangga ko sila ngunit wala akong pake.

Ngayon kailangan ko lang mahanap ang tinatagong attache case na tinago ng magulang ni Scarlet, wala siyang alam dito dahil napag-alaman kong may tinatago ang kanyang magulang at ang tagong bagay na yun ay nasa loob ng attache case na yon.

Nalaman ko to dahil matagal na akong nag-mamasid sa kanila, nagsimula ulit akong maglibot hanggang sa may naapakan ako, nakakapanibago, sa tagal kong naglibot dito ay ngayon ko lang to naramdaman, sa lahat ng flooring naapakan ko dito ay semento kaso dito sa kinatatayuan ko ngayon ay isa siyang kahoy, andito na pala ako sa antique room.

Agad kong tinanggal ang isang makapal na rug na nakatakip dito at saka ko lang nakita ang isang lumang kahoy na para bang maliit na pintuan, bubuksan ko sana to ng may iba't ibang klase ng padlock ang nakakabit dito kaya wala akong ibang pagpipilian kundi hugutin ang baril ko at saka paputukan tong mga walang kwentang padlock at kadena.

Agad ko itong binuksan at bumungad saakin ang hinahanap ko. Kinuha ko na ito at saka naglakad palabas hanggang sa makarating ako sa kotse ko, agad ko naman tong pinaandar papuntang mansion.

Inilapag ko ang attache case sa lamesa saka iyon binuksan. Tumambad saakin ang limpak limpak na pera at isang litrato. Kinuha ko iyon at pinagmasdan, dalawang batang lalaki na may karga kargang mga sanggol kasama ang isang babae pero ang parte ng mukha ng babae ay napunit kaya hindi ko alam kung sino ang babaeng iyon. 

Accidentally Married to a Mafia Boss (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon