Chapter 17: Back to business (Part 1)

6.5K 182 5
                                        

"Play by the rules, but be ferocious." -Phil Knight

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------X

(AMTMB) Chapter 17: Back to Business

AQUA

I fixed my glasses and examined myself in front of the mirror. What now nerd? Nakasuot ako ngayon ng makapal na salamin at nagkabit ng fake na side bangs sa buhok ko. 

Its been a week mula noong makita ko si Dylan, and here I am back to my business again.

Kinalkal ko ulit ang bag ko just to check my things. Kumuha na rin ako ng baril mula sa drawer ko at inilagay ko iyon sa binti ko kung saan natatakpan ng skirt tsaka dalawang kutsilyo at ikinabit yon sa magkabilang heels ng sapatos ko.

All set. Inayos ko na ang bag ko saka lumabas ng kwarto ko. I double checked my earpiece para walang makahalata, inilugay ko ang buhok ko.

"Reene? Do you copy?" Rinig ko kay Lami sa kabilang linya

"Yeah. I'm on my way."

"You know what to do when you need help." 

"And you know what to do, take care of Austin." Sabi ko na may kasamang pagbabanta.

It took me ten minutes bago ako makarating sa highschool university kung nasaan ang mission ko. Sakto namang pagbaba ko ng taxi ay nagvibrate ang phone ko.

[What the hell are you doing there Aqua?]

"The hell you care, Mr. Flegenhiemer?"

[Woah. Maybe because you're my wife?] Wife huh? Is he teasing me?

"I don't have time for your jokes right now. I'm busy. Bye."

I just rolled my eyes and took a deep breath. Isinuot ko ang fake ID na nasa bag ko para kapani paniwalang isa akong estudyante.

Tumunog ang phone ko at nakita kong nagtext ang kupal.

From: Mr. Fegenhiemer

I'm watching you. Stop rolling your eyes and be safe.

What is he? A CCTV or something? Hindi ba siya busy?

Hindi ko nalang iyon pinansin at inilagay ang phone ko sa bulsa ng skirt ko. 

Hindi na rin ako nahirapang makapasok, kaya tinuloy tuloy ko ang paglalakad sa loob. 

"Is she the new student?" Rinig kong pag-uusap ng dalawang estudyante sa likod ko.

"I think so, and with those looks? I bet she won't last here." Sabay tawa nilang dalawa tsaka ko nilampasan.

Ipinikit ko ang mata ko, mahirap magtimpi and as far as possible I don't want to cause trouble to those kids.

Iniba ko nalang ang direksyon na tinatahak ko papunta sa locker room, kakatapos lang ng lunch break kaya marami ring mga estudyanteng nakatambay dito.

Locker 13th; Reese Villanueva

Last week, nawala ang babaeng nagmamay-ari ng locker na 'to and she's been the seventh person whose gone missing for this month. We know that something's going on because all of them are ladies.

I smirked when I saw my locker and my fake name. Binuksan ko yon at halatang nagulat ng makita kung ano ang nasa loob non. I know that someone is watching me from that stinky cctv camera. Yon ang una kong napansin pagkabukas ko palang, hindi mo iyon mapapansin dahil sa kaliitan nito.

"Oh my gosh! Who put some drugs in my locker?! Maybe they are gonna think I'm using drugs!"  I squealed para mapabilib sila.

Nagsitinginan ang mga estudyante saakin at isa isa silang umalis. Most of them are scared. So they knew about this and choose to keep their mouth shut?

Maya't maya ay may narinig akong yabag na papalapit sa akin. Hindi ko na lamang yun pinansin at tuloy lang sa pag arte.

"I should call the cops! This is not right-" I mentally smirked when I felt that familiar sharp thing beside my stomach. "W-who are you?" I tried to fake my voice. "Shut your fucking mouth and come with us." Bago pa ako maka angal, naramadaman kong may nagtakip ng panyo mula sa likuran ko and the rest went black.

-

Unti unti akong namulat dahil sa mahinang ingay na nagmumula sa tabi tabi. I opened my eyes just to see a lot of eyes staring at me. I know, I'm pretty but they're creepy.

"Let us go!"

"Oh my god.. I'm really scared right now."

"She's the eight person they kidnapped this week."

"Shut the fuck up!" Ang dami nilang satsat, ang ingay. "Just shut your mouth and do as I say." Tumahimik naman sila.

Ramdam kong nakaposas ang magkabila kong kamay at paa. Yung bag ko wala na din, who cares. "Hey you!" Tawag ko sa babaeng nasa pinaka dulo, ako ang nasa gitna at lima kaming nandito sa iisang kwarto. "Give me your hairclip." Napatigil siya at parang nag aalinlangan. Tinignan ko naman yung katabi niya.

"Remove her hair clip, use your mouth. Do what I say if you want to live." She did what I told her. At last, napunta na rin ang walangyang hairclip sa kamay ko at nakawala sa posas pagkaraan ng ilang minuto.

"Everyone of you, listen." I smirked before I told them my plan. Sumang ayon naman silang lahat at nagsimulang gawin ang kani kanilang diskarte.

Lumabas ako sa pintong kinaroroonan namin at hinawi ang palda ko para kunin ang baril na nasa hita ko. Mabuti naman at hindi nila iyon kinuha.

"Tsk tsk, not so fast Ms. Villanueva." I stopped when someone put a gun at my neck. Really dude?  "Not so slow, Mr. Contero." I smiled wickedly, I immediately grabbed his arm at tinuhod ko yon para mapabitaw siya sa baril niya. "Argh!" I hit his neck using my gun which cause him to faint.

Dapat misyon to ni Lami at hindi ako. Siya lang naman mahilig sa mga walang kwentang bagay. Inatasan niya kasi ako dito dahil sa sobrang pagpaparty niya kagabi ay ngayon sobra naman ang hangover niya. Oh diba, walangya?

I proceeded at the basement. Mukang walang katao tao dahil ang tahimik ng paligid. But then, it turs out to be wrong. May narinig akong ugong ng sasakyan papalayo.

"Swerte mo't nakatakas ka." Inis na sabi ko pero may nakakuha ulit sa atensyon ko. Parang machine. Mas lalo pa akong nagsususuot sa paligid pero agad akong napahinto sa nakita ko. What the hell?!

Is this a little factory of sex slave dolls? Lahat sila walang saplot at naka kahon. Lumapit pa ako at sinuri sila.

"You're so familiar." Napagtanto ko na isa siya sa mga babaeng noon pa raw nawawala. Napasapo ako ng noo. Binalikan ko yung iba kong kasama. They stop on what they're doing then everyone look at me.

"What the hell are you doing?!" Ba't nila sinisingihot yung droga? I clearly said to them to get their ass out of here.

Wala ni isa sa kanila ang nagsalita.

They all looked like robots.

Kinalkyula ko lahat at napamura nalang.

They were all hypnotized.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

-Creamy

REVISED




Accidentally Married to a Mafia Boss (REVISING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon