Chapter 22

4.8K 124 9
                                        


Guys wala munang Dylan at Aqua ha? Bitter ako. Dejoke. Hintayin niyo nalang ;)

Dedicated to you. Kase ikaw ang nagflood ng comment box sa nakaraang chap. Hahahaha

3rd Person's POV

Kasalukuyang nasa isang mansion ang grupo, sina Min, Annika, Lami, Zed, Kris, Cristoffer, at Maxine, at hinihintay nalang nila si Aqua. Dahil   Ngayon ang pagkilala ng bago nilang boss.

Bagong boss. Bagong misyon.

"Dalawang beses na tayong namatayan ng matatandang hukluban. Ang bilis naman. Eh noon umaabot ng tatlong taon bago mapalitan." nagmamaktol na wika ni Maxine

"Hindi ko alam. Dahil ba sa gwapo ako?" ngiting sabi naman ni Cristoffer.

Agad naman siyang sinamaan ng tingin ng mga kasama niya

"Ulul"

"Gago"

"Unggoy"

"Malibog"

"Panget"

"Feeling"

Matapos nilang sabihin yon ay sabay sabay silang nagsitawanan maliban lang kay Cristoffer.

Napatigil na lamang sila ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Aqua

"Let's go?" tanong niya. Agad namang silang tumango ay sabay sabay na pumunta sa office ng boss nila.

Pagkabukas ng pinto ay nakita nila ang isang matandang lalaki na nakatalikod mula sa kinatatayuan nila.

"So you're here." matipunong sabi ng matanda

"Obviously" nakangising bulong ni Annika.

Bawat boss na dumarating sakanila ay hindi talaga ito nagugustuhan. Pero ano pa nga bang magagawa nila, gusto nila ang trabahong ginagawa nila. Kaya para bang wala silang pakialam kung namamatay ang mga boss nila at napapalitan dahil ni isa ay wala silang napusuhan.

Marami naman talaga sila pero parang sila kasi ang pinaka-leader ng grupo at yung mga iba lang ay nandyan sa paligid kung kinakailangan ng tulong.

"Can you introduce yourselves first? Before we start  discussing your missions" tanong ng matanda

Isa isa naman nilang ipinakilala ang mga sarili nila.

"Hera" panguna ni Aqua

"Athena" sabi naman ni Lami

"Aphrodite" sabi ni Annika

"Cynthia" sabi ni Maxine

"Ares" sabi ni Kris

"Eros" sabi ni Cristoffer

"Cerus" sabi ni Zed

"Hades" huli namang sabi ni Min

Hindi nila sinabi ang kanilang mga Pangalan sa halip ay ang kanilang codenames na galing sa mga gods and godesses ng greek methology. Noong una ay napagtripan lang nila ito pero nang magtagal ay iyon na rin ang ginamit nilang codenames nila. Pero si Aqua minsan ay ang second name niyang reene ang ginagamit niya.

====

Pagkapasok ni Arisa sa office ng kanyang kuya ay nakita niya ang kapatid na tutok na tutok sa kanyang laptop.

"Damn. Fuck! fuck this old hag!" biglaang sigaw ni Dylan kasama pa ang panggigigil. Nagkunot noo naman si Arisa sa inasta ng kapatid.

"Problem my oh-so-hot-tempered brother?" malambing pero haluan mo ng sarkastikong pagkasabi ni Arisa

Accidentally Married to a Mafia Boss (REVISING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon