Flashback
3rd Person Point of view
Napaungol sa sakit si Aqua na kadahilanan ng kanyang paggising. Nagulat nalang siya nang makita niya ang isang lalaki sa tabi niyang mahimbing na natutulog at naramdaman niyang parehas silang naka-hubad. Kinamuhian niya ang sarili niya dahil hindi niya alam ang gagawin niya. Nawalan siya and worst sa isang di niya kilalang lalaki. Ayaw na niyang magising ang lalaki kaya dahan-dahan siyang nagpalit at hindi niya ininda ang sakit sa kaniyang katawan at tulyan ng umalis.
Pagpasok niya sa kanilang bahay ay nakahinga siya ng maluwag dahil hindi pa nakakauwi ang kaniyang mga magulang.
"Saan ka nanggaling aqua?" tanong sakanya ng kanyang yaya Jane.
"Hindi niyo naman po sinumbong kina Mommy hindi po ba?"
"Oo naman. May tiwala naman ako sayo na wala kang ginawang masama."
"O-oo naman po." Mapilit na ngiti ni Aqua pero sa kaloob looban niya ay nakokonsensya siya dahil ang laki laki ng tiwala sakanya ng kanyang yaya at lagi siyang pinagtatakpan sa mga magulang
"O sya, magpahinga ka na, at ipagluluto kita, dadalhin ko nalang sa kwarto mo. Oo nga pala, Darating ang Doktor mo mamayang hapon para tignan ang kalagayan mo"
"Sige po. Salamat yaya."
Nang makarating na si aqua sa kaniyang kwarto ay napatitig siya sa kisame..
'may kasalanan nanaman ako. ano na ang gagawin ko?' 'paano kung nabuntis ako? at hindi ko pa kilala ang ama?' 'sigurado akong itatakwil nila ako dahil baka sasabihin nilang isa akong malaking kahihiyan sa pamilya'
Sunod sunod na tanong niya sa kaniyang sarili. Natawa nalang siya dahil nagtatanong siya ng mga tanong na hindi niya kayang masagot sa ngayon. Bigla na ring sumakit ang kaniyang tiyan kaya napagtanto nalang niyang matulog.
After 1 month
Napag-alaman na ni Aqua na siya ay buntis ng dalawang linggo. Hindi pa rin alam ng kaniyang magulang at wala rin siyang balak sabihin ito sakanila. Okay na rin ang kaniyang kalagayan pero meron parin siyang tinatake na gamot ng binigay sakanya ng doctor.
"Aqua?" napatingin siya sa nagsalita, ang kanyang yaya. "May kailangan ka atang sabihin saakin." dugtong nito
Nagulat ito sa narinig, 'alam niya?' 'paano?'
Napabuntong hininga na lamang ang matanda at ipinakita ang pregnancy test na ginamit niya noong nakaraang linggo.
"Ano ito? Nakita ko ito sa basurahan kanina noong nagliligpit ako. Sayo ba 'to aqua? Bakit? Anong ginawa mo? Alam ba ng mga magulang mo ito? Kailan lang ito nangyari?" sunod sunod na tanong niya.
Wala ni isang salita ang nabitawan ni aqua, bagkus nagsimula ng tumulo ang kaniyang mga luha. Nilapitan naman niya ito at niyakap
"Hush. Alam kong mahirap ang sitwasyon mo ngayon. Pero anong balak mo?"
"A-ayaw ko pong sabihin sakanila. Masyado na po akong nagiging pabigat sakanila. Isa pa hindi naman po nila ako tunay na anak.."
"Nalaman mo na pala."
"May alam po kayo?" napatingin si Aqua.
Tumango ang matanda at nagsalita, "Matalik na magkaibigan ang nanay mo at si beatrice na totoong nanay mo. Kilala ko na sila dahil kasambahay rin ako ng nanay mo. Nang makagraduate na sila ay nagkaroon na sila ng kanya kanyang trabaho. Malaki ang naitulong ni Beatrice dahil nang panahong bumagsak ang kompanya ng mga magulang mo ay tinulungan ito ni beatrice na makabangon ulit, laking pasasalamat nila sakanya pero nung maayos na ang lahat ay bigla nalang nawala ito ng parang bula sa di malamang dahilan pero laking pasasalamat parin nila kay beatrice dahil malaki ang tinulong niya rito, hanggang lumipas ang isang taon, bumalik ang totoong nanay mo kasama ka, nung mga sangol ka pa. Ibinigay ka niya sa kikilala mong magulang ngayon pero makalipas muli ang ilang araw ay nawala nanaman siya at hanggang ngayon ay hindi parin namin siya nakikita. Maraming nagsasabing patay na ito. Pero hindi natin alam aqua. Maraming dahilan kung bakit ka ipinagkatiwala ni Beatrice dahil ayaw ka niyang mapahamak"
BINABASA MO ANG
Accidentally Married to a Mafia Boss (REVISING)
General FictionIn just one swift move...I'm already married to a Mafia boss