"Everybody is a book of blood; wherever we're opened, we're red." -Clive Barker
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------X
(AMTMB) Chapter 20: Bloody party
LAMI
"Nahanap na ba siya?" Tanong ko sa kakambal ko sa kabilang linya.
[Hindi pa. Wala ni isa sa mukhang to ang nagmatch sa DNA niya.]
"Imposibleng nakatakas siya?" Pagtataka ko, kung ako nasa lagay niya non ay baka naging abo na ako dahil imposible akong makatakas lalo na sa lugar na puro pader lang.
[Posible yon. Kelangan pa naming imbestigahan ang mga daan din dito sa building kung saan pwede niyang paglabasan. Sige na ba-bye na.]
Napabuntong hininga nalang ako. Lalo pa ngayon hindi namin mmahanap si Reene ay mas lalong naiistress ang kagandahan ko.
Mag-isa ko ngayon dito sa hideout namin kaya napagpasyahan kong kumuha nalang ng tatlong can ng beer sa ref. Isang araw na ang nakalipas wala parin ni anino ni Reene ang nakita.
Pero naniniwala akong buhay siya dahil ika nga nila, mahirap mamatay ang masamang damo.
AQUA
Nagising ako sa kama at ni katiting na saplot ay wala akong suot. Gumalaw ako ng kaunti at medyo napadaing ako dahil may sumakit doon sa pagitan ng hita ko.
Kahit na nanghihina ay tumayo ako habang balot sa 'kin ang kumot na ginamit ko at saka nagtungo sa banyo. Hinarap ko ang itsura ko sa salamin at mukang namamaga ang labi ko at namumula parin ang leeg ko. Last night was really a shit.
Inaya ako ng kapatid ni Dylan na mangabayo na naging dahilan ng pagsakit ng hita ko.
Noong kakain na, nagkaroon ako ng allergy sa seafood dahil hindi ko naman alam na may halo palang lobster ang kinain namin. Mabuti ay may gamot sila pero hanggang ngayon hindi pa nawawala ang pamamaga ng labi at pamumula ng leeg ko.
At noong gabi ring 'yon ay sobrang init kahit na naka full blast ang aircon kaya tinanggal ko ang damit ko pwera sa undergarments pero di nagtagal ay inalis ko rin dahil mag-isa lang rin naman ako sa kwarto ko.
Mabilis akong naligo at lumabas ng kwarto, unang naka agaw sa kin ang itim na dress na nakalapag sa coffee table at may nakapatong na maliit na sticky note.
Wear it
Yan lang nakasulat, napabuntong hininga ako at sinuot ang damit na 'yon na sumakto sa bawat anggulo ng katawan ko. Kinuha ko ang stiletto sa tabi nito.
Pero hindi ako nakuntento at kinuha ang thigh belt ko at nagsuksok doon ng cold steel. Kumuha rin ako ng shuriken at ipinusod ko ang buhok ko at itinago ko iyon na mistulang nagmumukang clip.
Napatingin ako sa orasan at halos malaglag ang mata ko. "Mag a-ala sais na ng gabi?! Fvck?" Sobrang tagal ko namang natulog? Lumabas na ako sa kwarto at medyo natigilan ako sa naririnig at nakikita ko.
May party na nagaganap ngayon sa bahay ng Flegenhiemer?
Bigla nalang may humigit sa braso ko. "Arisa?" Tinaasan ko siya ng kilay at ang manika, ngumisi. Ano bang meron ngayon?
"C'mon!" Hinila niya ako sa baba, maraming nagtitinginan sa direksyon namin. Pero pansin sa mga titig nila na kinikilatis nila ako marahil hindi ako kabilang sa pamilyang Flegenhiemer at nagtataka kung sino ako.
"Wife." Napataas ako ng kilay ng marinig ko ang pamilyar na boses galing sa likod. Sino ba ang tinatawag netong wife?
"Ako ba?" Nakataas kilay ko paring sabi nang humarap ako sakanya.
"Isn't obvious? Tch. Come here" Aayaw na sana ako nang higitin niya ako sa kamay kaya ang kinalabasan ay napasubsob ako sa katawan niya. Kung kaya baralin ko 'to ano?
"Bakit ba? At bakit may party ngayon? Mamamatay ka na ba?" Sinamaan niya ako ng tingin pero hindi ako nagpatinag. Well I only said those words to ease the awkwardness that I'm feeling right now.
"Ngayon kita ipapakilala sa kanila."
"ANO?!"
Maraming napalingon sa gawi namin kaya naman mas lalo niya akong sinamaan ng tingin. "You're too loud."
"Ako pa?" Tinaasan ko lang siya ng kilay. Magsasalita na sana siya kaso may nagsalita sa stage na pumukaw sa atensyon naming lahat. Si Arisa lang naman pala.
She started her speech and knowing me madali lang ako ma-bored sa mga ganitong party kaya hinigit ko si Dylan para maupo sa pinaka unahan. I grabbed my mirror, magsasalamin sana ako kaso may nahagip ako sa salamin.
May nakatutok sa 'kin na sniper at hinihintay niya lang ang que niya para barilin ako, funny thing is nakatutok siya ngayon sa speech ni Arisa at napapabayaan niya ang kanyang target. Tanga.
"I know, just keep still." Biglang nagsalita si Dylan sa tabi ko, tumango nalang ako at hinintay na magsalita si Arisa sa stage.
"And now, may we call for the newly wed!" Nagpalakpakan ang lahat, nagtataka ako dahil mukang iisang angkan ang nandito sa loob ng pasilyo. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Are they your clan?"
"Good guessing." Yan lamang sagot niya pero halos mapanganga ako. Buong angkan niya ang nandito?! Para ano? Para makilala ako bilang asawa niya? What the fuck?
Nakantuntong na kami sa stage at halos mangatnog ang tuhod ko pero mas lalo lamang niya hinapit ang bewang ko papalapit sa kanya. Lumapit pa ang muka niya sa leeg ko at may ibinulong sa tenga ko.
"Relax."
Lumunok ako ng malalim at tumango, taas noo akong humarap at tinignan sa mata ang mga bisita which turn out to be na mga ka-angkan ni Dylan. Kaso hindi nakaligtas sa akin ang lalaking may hawak ng sniper kanina at ngayon nakatutok na ito sa akin. Hindi ko pinahalatang napapansin ko siya at patuloy na ngumiti sa mga bisita.
"Good evening everyone, but before we start this party I don't want someone will be interrupting our party, so shall we?"
Naguguluhan ako kay Dylan, anong pinagsasabi niya? Mas lalo pa akong naguluhan nang magsitanguhan ang mga bisita at lahat sila'y naglabas ng baril at may nakakabit doon na silencer. Sabay sabay nilang pinaputok iyon sa iisang direksyon----sa sniper.
Pinipilit kong huwag ngumanga pero nangyari na. Wow these clan shouldn't be underestimated, masyadong nakakatakot at delikado.
Dylan turned to me and handed me the mic, he's eyeing me na para bang sinasabi na 'tell something'. Fck you Dylan, you and your clan is frightening me!
Ngumiti muna ako sa entablado bago nagsalita.
"Well that was a bloody start."
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-Creamy
REVISED
BINABASA MO ANG
Accidentally Married to a Mafia Boss (REVISING)
General FictionIn just one swift move...I'm already married to a Mafia boss
