"I'm at a payphone trying to call home all of my change I spent on you.." -- Maroon 5
---------------------------------------------------------------------------------------------------------X
(AMTMB) Chapter 14: Payphone
AQUA
Tumingin ako sa paligid ko at saka sinuot ang sunglasses ko. Mabuti nalang talaga at nakatakas ako sa lalaking 'yon. Nakatulog na siya noong umalis ako kaya hindi na din niya namalayan. Mabuti nalang din at nandoon ang mga gamit ko kaya nakaligo ako at nakapagpalit.
Sakto ring nandito sa Las Vegas si lami dahil may dadaluhan siyang auction mamaya dahil na rin sa misyon niya.
"Ate bakit ka nakasuot ng sun glasses? Tignan niyo po, ang kulimlim na ng langit." Napatingin ako doon sa may batang nasa paanan ko, nagtataka siyang tumingin sa akin na parang na we-weirdohan.
"Nawawala ka ba bata? Asan ang magulang mo?" Iniba ko nalang ang topic at baka pag awayan pa namin kung bakit ako naka sun glasses ngayon. Sino ba 'to?
"Opo na hindi po." Sagot niya sa akin na ikana-kunot ng noo ko. Ang gulo rin kausap ng batang 'to ah.
"Teka, hindi ka naman pilipino. Ba't ka nakakapag salita ng tagalog?" Mas lalong naningkit ang mala berde niyang mata at tinaasan ako ng kilay. Shete ngayon lang ako tinarayan ng isang bata.
Nagkibit balikat lang siya na para bang hindi alam ang isasagot. Tinignan ko siya ng mabuti para siyang may dugong amerikano at pilipino. Ang taray rin niya tignan dahil sa mata at kilay niya.
"Sige, maiwan ka na dito bata. May importante pa akong lakad." Tinaasan ko rin siya ng kilay at saka iniwan. I don't want to be close with kids, natatakot ako na baka bigla akong mawala sa sarili ko pag lumalapit ang loob ko sa mga bata.
Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad sa coffee shop kung saan kami magkikita ni Lami ng biglang may yumakap sa bewang ko, "Wait! Sasama ako!"
"Hindi pwede. Hindi ka ba nakikinig? Ang sabi ko, may importante akong lakad." Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa bewang ko pero ang higpit ng hawak niya sa akin. Kinuha niya ang pagkakataon para kumapit sa leeg ko kaya ang kinalabasan, buhat buhat ko siya. Mautak ang batang to ah!
"Hoy bata sino bang mga magulang mo?" Kalma kong tanong. Ewan ko ba, hindi ko magawang lagyang ng inis ang tono ko pagdating sa batang 'to.
"Ayoko! Wag mo akong ibalik sa kanila. They're hurting me. Please" Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatahimik ako saglit. Ewan ko pero agad akong nakaramdam ng inis sa sinabi niya. Useless parents.
Mas lalo niya akong niyakap ng mahigpit. Lokong batang 'to ah! Akala ko pa naman biglang iiyak pero argh! Hindi ko maintindihan ang takbo ng utak ng batang 'to.
"Hindi pwede, sabi ng may importante akong lakad eh!" Pilit ko siyang inaalis sa katawan ko pero hindi pa rin nag patinag. Wala na akong ibang pagpipilian. Tatawagan ko na sana si Lami kaso nabigla ako ng may sumigaw.
"Austin!" Napalingon ako doon sa babaeng papalapit. I think she's in her 30's. At mukhang papalapit siya sa amin ng batang 'to--which I think si Austin ang tinutukoy niya. Austin? So his name means "a very handsome man." According to urban dictionary. Great.
"Your mom?" Tanong ko sa batang buhat buhat ko pero mabilis siyang umiling at mas lalong hingpitan ang yakap niya sa akin at sinubsob ang mukha sa may leeg ko. Kanina pa ako sinasakal ng batang 'to. Langya!
"Don't give me to her. It's hard to escape. She'll lock me again to the refrigrator." Takot niyang sabi sa akin at may iba pa siyang sinabi pero hindi ko na maintindihan.
BINABASA MO ANG
Accidentally Married to a Mafia Boss (REVISING)
General FictionIn just one swift move...I'm already married to a Mafia boss