Chapter 23: Missing

4.6K 134 41
                                        

Zed's POV 

"Oh shit Zed. Ang gwapo mo Zed. Sobrang gwapo mo Zed" abalang abala ako sa pag-aayos ng malagwapo kong buhok habang nakatingin sa salamin. Ang gwapo ko talaga bwiset. Kung alam niyo lang, ang daming pinag daanang hirap ng gwapong 'to. Ako lang nakakaranas neto kasi ako ang pinaka gwapo sa balat ng lupa

"Zed! Mababasag ang salamin! Hindi mo ba alam na milyon milyon ang halaga ng salamin na iyan hindi kumpara sa pagmumukha mong isang centavo lang" naiinis talaga ako kung nandito si Min. Akala mo kung ubod ng gwapo. Singkit lang naman.

"Hoy mga unggoy! Tawagan niyo si Reene! Pinapatawag siya ng matanda sa taas!" narinig ko nanaman ang boses ni Maxine. Hindi siya palatawa. Hindi rin siya seryoso. Pero laging nakakunot ang noo neto at mukhang inis na inis dahil sa nagwagwapuhan siya sakin palagi

"Tutunganga nalang ba kayo diyan?! Hoy Zed! Ayan ka nanaman sa pagpapapanget mo! Kahit ilang beses mong ipagsiksikan na gwapo ka wala ng chance! Ikaw min! minsan naman idilat mo mata mo! Dali tawagan si Reene!" Minsan rin ay magandang batuhin ng salamin na hawak ko tong si Maxine. Laging iniinsulto ang kagwapuhan ko, hindi ba niya alam maraming sumisigaw sa pangalan ko gabi gabi?

"Hindi ba't may kamay ka? May Cellphone ka? May Load ka? Edi tawagan mo" gusto kong palakpakan si Min sa sinabi niya, may naitirang galing din pala tong singkit na to

"Ayoko nga! Kayo tumawag! Be gentleman! Bahala nga kayong tumawag sakanya alis na ko!" padabog na umalis si Maxine at naiwan kaming dalawa ni Min dito. Aba't dapat maging proud si Min, gwapo ang kasama niya ngayon.

"Ikaw na tumawag. Ge" ngayon ako naman ang naiwan dito. Mga gago talaga. Ako pa ang ipinahamak, pero dahil sa gwapo ako, mabait pa, ay ako nalang tatawag.

Kinuha ko ang phone ko tsaka inopen iyon. Shet ang gwapo ng wallpaper ko. Shempre ako. Tinawagan ko si Reene at matapos ang tatlong ring ay sinagot niya ang tawag..

[oh?] turuan ko kaya ng salitang Hello at Hi 'tong si Reene?

"Pinapatawag ka ng tanda"

[now?] 

"Next year Reene. Punta ka pag patay na siya" Minsan utak gamitin Reene. Hay. Ang gwapo ko talaga

[fuck you] oh... I'd love to. Pero in the second thought, mahal na mahal ko pa ang buhay ko

Narinig ko namang in-end niya ang tawag. Maganda naman si Reene pero pass na ko sakanya, sabi ko nga mahal ko pa ang buhay ko.

Aqua's POV

Kakatapos ko lang makuha ang tawag mula sa tanda dahil tumawag si Zed na pinapapunta daw ako. Wrong timing tss.

Nandito kami ngayon sa isang Ice Cream parlor ni Austin at kasalukuyan kaming nag-oorder ng ice cream "I want  the vanilla flavor Tita mommy po!" 

"Okay. Just wait at the table okay?" itinuro ko kung saan siya pwepwesto medyo may kalayuan ito at malapit lang ito sa bintana

"Two Vanilla Flavor" ibinigay ko na ang Cash at hinintay ang Order namin, habang hinihintay ko ang order namin ay tinext ko muna si Lami

To: Lami

Paki sundo si Austin mamaya. After 30 mins. Dito sa mall.

Pagkatapos kong i-send ang message ay binalingan ko ng tingin kung saan nakaupo si Austin pero wala akong nakita kahit na anino niya. Asan na 'yon?

"Ma'am here's your two--"

"It's all yours" sabi ko sa nagserve ng ice cream saka dali daling umalis 

Shit. Bigla kong naalala yung lalaking sumusunod kanina. Fuck fuck fuck.

FUCK YOU FLEGENHIEMER!

Someone's POV

"Iuwi niyo ang bata sa mansyon. Wag niyong sasaktan. Wag niyo ring hahayang makatakas" sabi ko sa isa sa mga tauhan ko saka ko ibinaba ang tawag

"Bakit nagdamay pa kayo ng bata? Hindi ba't si Reene lang ang usapan natin dito?" Isa pa 'to, kakampi ko ba talaga to o hindi? tsk

"Mas okay nang mandamay tayo, mukhang napamahal si Reene sa bata kaya kunin natin siya para mas may thrill naman"

Nakita kong napangisi siya sa sinabi ko, alam kong wala siyang ibang choice kundi kampihan ako kundi mamamatay ang pamilya niya, and oh, his loved ones.

"So? Kumusta ang grupo niyo?" 

"May bago kaming boss." Napangiti ako sa sinabi niya

"Nice."

Nice talaga. Simula palang ng paghihiganti ko sayo Beatrice, at damay ang anak mo dito. Maraming nawala saaking 8 years ago, 8 years ago nawalan ako ng anak dahil sayo Beatrice, at ngayon iyon naman ang isusukli ko. Damay damay na, idadamay ko rin ang anak mo dito gaya ng pagdamay mo sa anak ko.

Ako rin ang nagpa-matyag sakanya sa harap ng bahay nila, ang bobo nga lang ng nautusan ko dahil nahuli ito ni Reene, pero sinigurado kong Flegenhiemer ang sasabihin niya at hindi niya ako ilalaglag. 

Isa pa ang angkan ng Flegenhiemer, magandang paputukan ang ulo nila isa-isa. Napag-alaman ko ring ikinasal si Reene sa isang Flegenhiemer at si Dylan pa! Ano nalang kaya ang magiging reaksyon ni Beatrice sa nangyari? Ang isa sa mortal na kaaway ng Flegenhiemer ay si Beatrice na siyang ina ni Aqua Reene Kastell-Flegenhiemer. Sounds good.

"Alis na'ko"

"Sige. See you around....Hades" nakangiting wika ko sakanya saka siya lumabas ng pinto.

One down.

3rd Person's POV

Mabilis ang hakbang na ginawa ni Aqua papunta sa mansyon ni Dylan. Nahagip agad ng mata niya si Dylan na nagbabasa ng mga papeles sa may living room, agad niya iyong kinwelyohan at sinuntok sa sikmura. 

"Fuck! Wife! What was that for?!" giit ni Dylan. Hindi naman ito nilakasan ni Aqua pero sapat na iyon paramakaramdam siya ng sakit

"Where's Austin?!" 

Galit ngayon si Aqua. Okay nang siya ang dakipin pero huwag lang silang nangdadamay ng mga inosenteng bata

Naguguluhan si Dylan, wala siyang kinalaman sa sinasabi ng asawa. "What? Who's Austin? What are you talking about wife?" 

"Oh, Don't act as if your innocent here Mr. Flegenhiemer! You just kidnap that little kid! Where is he?!"

Mas lalong naguluhan si Dylan. Kidnap? Hinding hindi niya magawang kumidnap ng mga bata. 

Kahit naguguluhan si dyan ay iniharap niya si Aqua sakanya at hinawakan ang dalawang balikat neto "Calm down, wife. I didn't do anything. The fuck why would I kidnap a kid? I'll never do that. Please don't be mad at me wife. Seeing you like that... kills me.. fuck" ani ni Dylan tsaka niyakap ito. 

Matapos ang ilang segundo ay kumalas ito sa yakap "I'm sorry, wife. Please don't suspect me." sabi uli nito tsaka inigaya muna si Aqua sa couch

"Then who's the one who kidnap Austin? Other Flegenhiemer?" 

Nagtataka si Dylan kung sino ba talaga si Austin? A kid? Is it her son? Impossible "Who's Austin? Your nephew? It's impossible that he's your son, right wife? We didn't even make lo-- ouch wife!" sinapak ni Aqua si Dylan dahil iba iba na ang sinasabi niya

"Watch your mouth Mr. Flegenhiemer. He's not my son. He's not even my nephew. He's not related to me, but that kid is very important, and.. and-- i don't know why"

"Okay, My wife. I'm going to ask my dad about this okay? Just trust me, Mrs. Flegenhiemer" sabi nito tsaka mabilis na hinalikan si Aqua sa labi

"Damn you! You kiss me without my permission!" akmang susuntukin niya ulit si Dylan pero mabilis na pinigilan niya ito

"What? Your my wife. I can kiss you. Hug you tight. Make lo-- aw!" nakatikim nanaman ng sapak si Dylan mula kay Aqua

"Pervert! Whatever Mr. Flegenhiemer!" aalis na rin sana sa pagkakaupo si Aqua pero mabilis na hinatak ni Dylan si Aqua at hinalikan ulit ito, pero ngayon ay wala na itong takas dahil hinapit nito ang kanyang bewang na mas lalo silang napalapit, hindi na rin pumrotesta si Aqua dahil natangay na nito sa halik ni Dylan.

--

VoMent Guys! For inspiration. HAHAHAHAHHA

Salamaaat!

~Stickynote~

Accidentally Married to a Mafia Boss (REVISING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon