"A marriage is not a noun; it's a verb. It isn't something you get. It's the way you love your partner everyday." -Barbara De Angelis
-----------------------------------------------------------------------------------------------------X
(AMTMB) Chapter 11: The wedding
AQUA
July 22.
Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kaba kaso wala ng atrasan 'to. Bakit nga ba ako nakakabahan? Ah oo tama, civil weddings lang kasi dapat ang kasal namin nung tinanggap ko ang alok niya pero natunugan pala kami ng lolo niya at eto na nga, papunta na ako sa isang engrandeng kasalan. Shit.
"Damn you Flegenhiemers.." Bulong ko lang at baka marinig pa ng mama ko at baka magtaka. You read it right, my mother is sitting beside me and smiling like there's no tomorrow. Kung alam niya lang na ginagawa ko ito para sa kanila, I sighed.
"Wag kang masyadong kabahan anak, alam mo ba na ganyan din ang pakiramdam ko noong pinakasalan ko ang tatay mo?" She chuckled, I bet ibang kaba ang naramdaman niya ngayon at iba rin sa akin. Why? Simple lang, kinakabahan siya noon dahil papasok na siya sa isang panibagong yugto ng buhay niya, eh ako? I will commit into a loveless marriage.
Paano nga ba ako napa payag sa kasalang ito?
Agad akong bumalik ulit ako sa Pilipinas kinabukasan ng makapag usap kami ni Flegenhiemer. Kailangan kong magpahangin sa mga nangyayari.
Isang araw palang ako dito ay nalate na ako sa paggising at isa pa hanggang ngayon naninibago pa ako sa klima kaya kailangan ko pang mag adjust.
"Ateee may bisita ka daw sabi ni mama!" Kinukusot ko pa ang mata ko nang marinig ko ang malakas na boses ni Tori mula sa baba. Bumaba na ako sa kama saka naligo. The hell with that visitor, wala naman akong kakilala dito sa Pinas.
Matapos ang isang oras ay nakarinig na agad ako ng mga sigaw,
"Ata! WAAAAH! Madaya ka! Uwaa! Unfair!" Kakalabas ko lang ng walk in closet ko at kung hindi ko lang kapatid 'tong nasa harap ko baka ihinagis ko na yan palabas ng bintana.
"Shut up." Umupo ako sa harap ng salamin atsaka nag blower pero hanggang ngayon nakabuntot parin sa akin si Tori at ngayon may kasama na at walang iba kundi si Emily. Anong bang meron sa bisitang 'yon at muka silang timang ngayon?
"OMG~ Sino siya ate? Kaibigan mo daw siya sa other-side-of-the-globe, yieeee! boyfriend mo no?" That's it! Nilingon ko sila pero paglingon ko agad silang tumakbo papalabas ng kwarto. Ano klase ba ng katol ang sininghot ng mga yon?
Pagkatapos kong mag ayos pumunta na ako sa baba dahil nagugutom na ako, de-deretso na sana ako sa kusina kaso nabigla ako nang may pumulupot na braso sa bewang ko at hinigit ako papalapit sa kanya.
"Fuc-DYLAN?!" Napalakas yata ang boses ko kaya nagsilapitan ang mga kapatid ko at ngayon kasama na nila si mama at naabutan nila kami sa ganitong posisyon, ewan ko ba kung kinikilig sila o parang natatae na kanina pa pinipigilan sumigaw.
"Confirm ate! Mag jowabells sila whoo!" Biglang nag apiran sina Emily at Tori, mismong sa harapan ko pa. Langya. Pag untugin ko kaya sila. Tsaka ano bang ginagawa ng gagong to dito? Lumayo na nga ako para makapag relax pero andito naman siya!
"Anak, fiance mo daw siya totoo ba?" Base sa muka ni mama, alam kong kanina pa niya pinipigilang ngumiti.
"Woah woaoh, akala ko ba kanina siya yung kaibigan niya sa other-side-of-the-globe tapos ngayon magjowabells sila kasi.." ngumuso siya sa kamay na nakapulupot sa bewang ko, "tapos sasabihin niyo nay na mag fiance na sila? Ano 'to? One day cycle of relationship? Mamaya kasalan na tapos pag gabi reception tapos kapag hating gabi, hone- aray!!" Hindi ko alam kung bakit ako nagkaroon ng madaldal na kapatid. Binatukan ko lang naman silang dalawa kaya todo himas sila sa mga ulo nila.
BINABASA MO ANG
Accidentally Married to a Mafia Boss (REVISING)
General FictionIn just one swift move...I'm already married to a Mafia boss
