Chapter 15: Ill

7.3K 251 19
                                    

"Health is not valued until sickness comes."

----------------------------------------------------------------------------------------------------------X

(AMTMB) Chapter 15: Ill


AQUA

2 weeks had passed. Same thing. Same routine. Same everything. You know what I mean? Fight? Illegal transaction? Same old stuffs.

2 weeks ago nagising nalang ako sa bahay, hindi ko rin alam kung ilang araw akong tulog, marami akong nalanghap na usok. Ponyetang babae yon! Another thing is Dylan's not showing up- hindi sa nag aalala ako pero nakakapanibago lang. So within 2 weeks back to business lang ako, hindi na rin ako nagulat ng may pumalit na bagong boss namin matapos mamatay nung dati.

"Shut up! Okay?" Nakasalampak lang ako ngayon sa kama ko habang nag bro-browse sa laptop ko. Samantalang yung babaeng kakapasok ng kwarto ko ang ingay, balak pa yatang punuhin tong kwarto ko ng mga shopping bags. 

"Ganyan ba kapag bagong kasal?" Maya maya bigla siyang tumili at ang sumunod niyang sinabi ang hindi ko inaasahan. What the fuck?

"Nag honeymoon na ba kayo?" Nakangiti siya sakin at nag-aantay ng sagot.

"Anong klaseng tanong yan?!"

"DUH! That's normal for newly weds! Don't act na you're virgin pa!" Tinignan ko siya ng matalim at isinalpak na lang sa tenga ko ang earphones. Wala akong panahon para sa babaeng 'to. Ang ingay ingay. 

"OMG! Do you already feel the morning sickness?!"

"Can you just get out of my room?!" Nag peace sign lang si Lami saka dali daling lumabas ng kwarto ko. Nakahawak na kasi ako ng pambatong vase sa kanya tsk.

Ilang oras na rin akong nakahiga, doing nothing kaya bumangon ako para magpalit. Nagsuot ako ng black jeans and white tanktop saka ko ito pinatungan ng cropped na black denim jacket. Mga alas kuwatro ng hapon na rin ng makaalis ako sa bahay.

Agad akong sumakay sa motorbike ko at pinaandar ito ng mabilis. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero bahala na siguro. Mga limang minuto na siguro ako nagmamaneho nang mapansin kong may nakasunod sa akin na anim na naka motorbike din. Sinubukan ko silang iligaw pero nakasunod pa rin sila. So, confirm nga na sinusundan nila ako.

"This will be a long tiring night dimwits!" Napangisi ako sa aking naisip at nagsimulang magpatakbo ng mas mabilis. Wala akong dalang armas ngayon except lang sa mga pocket knives ko na nakatago sa boots ko. Pumunta ako sa maliblib na lugar para walang makasaksi sa paglalaro ko ngayong gabi.

Hindi pa rin sila tumigil sa kaka habol sa akin hanggang sa mapunta kami sa magubat na parte. Pinakiramdaman ko muna ang aking paligid at pansin ko na hiwa hiwalay sila ng direksyon pero alam kong minamatyagaan nila ang bawat kilos ko.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko, may ipinindot lang ako sa motorbike ko para magconnect masagot ang tawag at automatic na maconnect sa earpiece na suot ko.

"You're s-such a bad woman." I stopped. I knew this voice pero parang may nag iba. Ang hina at parang nahihirapan. Napa iling nalang ako at napag desisyunang tapusin ang larong 'to ng madalian.

Inihinto ko ang motorbike ko saka bumaba. Sakto namang pinalibutan nila ako pero sakay pa rin nila ang mga kanilang motorbikes. Mga gunggong!

Sa wakas bumaba na rin sila sa kani kanilang sasakyan at may hawak silang mga baril. 

May gas bomb ako na nakatago lang sa inner pocket ko at buti nalang naka face mask ako ngayon. Tumaas ako sa motorbike ko saka tumayo, tumalon ako ng pagkanda taas taas at saka umikot sa ere. Doon ko na kinuha ang tyansa na ihagis ang gas bomb bago ko tanggalin ang pin nito. Pagkabagsak ko, rinig na rinig ko ang mga putukan nila. 

Accidentally Married to a Mafia Boss (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon