Chapter 19: 'Wife'

8.1K 198 28
                                        

There is no such cozy combination as man and wife." – Menander

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------X

(AMTMB) Chapter 19: 'Wife'

LAMI

Mabilis kong tinawagan ang kakambal ko. "Kakarating lang namin dito sa Ospital. Kamusta diyan?"

"Si Reene!" Paghi-hysterical ko. 20-minutes na kaming nandito sa labas, si Zed kanina pa niya kinakalikot ang device para mabuksan ang pinto kung saan siya natrap sa loob. Kanina pa nawala ang apoy dahil ang building ay gawa sa metal kaya hindi na kumalat ang apoy pero kitang kita parin ang mga kakapal na usok na lumaabas sa building.

"Ha?! Anong nangyari akala ko ba kasama niyo na siya?" 

"Na-lock siya sa loob!" 

"Papunta na ako." Sagot ng kakambal ko saka niya ibinaba ang tawag. Nangingilid na ang luha ko dahil hindi ko na alam kung anong nangyari kay Reene sa loob.

"Gotcha! Nabuksan ko na!" Pagtatagumpay ni Zed, tinignan niya ako dahil malapit na akong umiyak sa nangyayari.

Hinawakan niya ang kamay ko saka pinisil, "Don't worry. Ligtas siya, si Reene pa ba." Iniabot niya saakin ang facemask tsaka sabay kaming pumasok sa loob.

"Reene!" Kanina pa kami sigaw nang sigaw sa loob. Dumating na rin ang iba para hanapin si Reene kaso hanggang ngayon ay wala parin kaming makita sa katawan niya.

"Omygosh!" Nakarinig kami ng sigaw mula kay Annika kaya lahat kami ay napunta sa kinaroroonan niya.

Gulat kaming lahat sa nakita namin, mga bangkay ng mga babae na hindi na makilala dahil lahat ng mga mukha nila ay sunog na.

Hindi namin alam ang sasabihin naming lahat sa nakikita naming ngayon pero lahat kami ay napamura.

THIRD PERSON

"Kuya." Tawag pansin ng isang babae na may pulang buhok at mukang manika.

"Yeah?" Nilingon saglit ni Dylan ang kanyang nakababatang kapatid sa backseat. 

"She's really your wife?" Patukoy niya sa babaeng nasa kandungan niya. Kanina pa kasi niya ito tinititigan at hindi makapaniwala na kasal na pala ang kuya niya.

"Yes." 

"And you didn't invite me on your wedding?" Pagtataka niya.

"You were busy that time."

"Okay whatever. What's her name?"

"Ask her when she's already awake." Napairap naman ang kapatid niya at inayos na lamang ang humaharang na buhok sa mukha ni Reene. 

"You're beautiful though." 

Sabi niya sa kanyang isip.

-

Nang makauwi sila ay si Dylan na ang nagbuhat sa kanyang asawa hanggang sa kwarto nila. 

"Arisa."

"Oh?"

"Bihisan mo nga siya." Napangisi naman si Arisa dahil sa naisip niyang kapilyuhan. Sinamaan naman siya ng tingin ni Dylan. 

"Why? She's your wife after all. Wala namang masama kung ikaw magbihis sa kanya." Inosente niyang sabi kaso sa kalooblooban ay nakangisi siya. Aangal pa sana ang kuya niya kaya mabilis siyang lumabas ng kwarto. Totally leaving him dumbfounded.

"Fuck.." Mahinang bulong ni Dylan saka napatingin kay Aqua na mahimbing na walang malay sa kama nila.


AQUA


Unti unti akong nagising dahil pakiramdam ko kanina pa may nakatitig sa akin. Pagkamulat ko ng mga mata ko siya agad ang bumungad sa akin. Ewan ko ba pero parang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Fuck, kinakabahan ba ako o ano?

Pinakiramdaman ko rin ang sarili ko at iba na rin ang suot ko. Agad na nag init ang pisngi ko dahil kung ano ano na naman pumasok sa utak ko. Shit, anong nangyayari sakin?

"What were you thinking woman?" Malamig niyang tanong sa akin but I can sense a glimpse of worry in his voice. Teka ano bang nangyari? All I know is the girls...building....and the dolls? SHIT!

"I need to go." Bumaba ako sa kama pero nagulat ako dahil mabilis niya akong hinapit sa bewang at inilapit niya ang katawan ko sa kanya. Fck! Fck! Fck! Bakit biglang nag iinit 'tong pakiramdam ko? Sht! Nababaliw yata ako!

"Where are you going?" Seryoso niyang tanong sakin at ang lapit lapit pa ng bibig niya sa mukha ko. Pinilit kong magpumiglas pero mas malakas siya kesa sakin.

"Uuwi na ako! Kaya bitawan mo'ko!" 

"You will not go anywhere woman. Remember? Pinakasalan kita and that makes you 'my' wife. Starting from now on, we will be living in the same fcking roof." Halos mapanganga ako sa sinabi niya. Ang gwapo niya lalo na sa malapitan. SHT ano tong pinagiisip ko? Tell me, abnormal na ba ako? 

"We---what---ano?" Wala na yata ako sa tamang katinuan. Parang walang rumerehistrong tama sa utak ko ngayon.

"Damn it! From now on you'll not be doing all those fucking missions! You understand?" Doon na ako bumalik sa tamang katinuan. I push him with all my strength. 

"No. Why would I?" Mas lalo ko siyang tinignan ng masama.

"Because you're my wife. Damn it!" Wife. Ang sarap pakinggan pero mukang sinampal ako ng realidad nang maalala ko kung bakit niya ako asawa. Napatawa ako ng pagak.

"Mr. Flegenhiemer, pinakasalan mo lang ako dahil you blackmailed me and you need your fame from your grandfather. Wife? Fck it pinaksalan mo lang ako sa papel." Ewan ko ba at parang naging bitter yata ako pero yun ang totoo.

I don't want to fall for him because reality stinks. Kaya't hanggang maaga pa, paaalalahanan ko na ang sarili ko.

Aalis na sana ako nang mahalata ko na natahimik siya. Tatalikod na sana ako ng bigla niya ulit akong hinigit. Aangal na sana ako pero naunahan niya.

"Shut up Aqua, for once shut up." Napaawang ang bibig ko at bago pa ako makapagsalita ay agad na niyang sinakop ang labi ko.

Hindi ako nakagalaw. I thought it will be just a peck but he started to move his lips. But again hindi ulit ako makagalaw. His kisses are familiar to me.

"Please respond." Narinig kong sabi niya. Parang nagsusumamo siya. Even though he don't plead, I will. Then there, I answered his kisses.

At first we're just kissing passionately, pero hanggang patagal ng patagal the kiss is getting intense. I also felt that his tongue is seeking for entrance. Medyo natigilan ako dahil hindi talaga ako marunong humalik, this my first time kissing a man again after so many years. 

Napasinghap ako dahil sa marahan niyang pagpisil sa bewang ko at doon niya naipasok ang dila niya sakin. 

Now the kiss went literally wild. 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

-Creamylicious

REVISED BY STICK

Accidentally Married to a Mafia Boss (REVISING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon